Kaya hinayaan ko nalang, but it doesn't mean na uutusan niya agad ako pagkatapos niyang magpakasaya. Akala niya ba wala akong ibang pinagkakaabalahan? Studyante rin kaya ako, my time is very limited.

I harshly pushed the books, wala na kong pakielam kung masira ang mga ito. Hindi kasi tama ang ginagawa ng partmer ko na kasalukuyang nasa gilid ko lang.

"Gawin mo yan ng mag-isa mo." I stoically said. I still need to controll my emosyons kahit inis na inis na ako.

"Do it, or I'll report this to Ms. Tarayness." He challenged me. Ha. Akala niya ah.

"Edi magreport ka, isusumbong ko rin sakanya kung paano mo ako pinapahirapan. " I smirked. Meet the real Alice, little devil.

Nagtinginan kaming dalawa. Feeling ko sinasaksak niya ako bg paulit-ulit sa sama ng tingin niya saakin. Hindi naman ako nagpatalo, pwede na maging atlantica o north pole ang buong paligid sa sobrang lamig ng titig ko sakanya.

Siguro nagsi-atrasan na ang mga kaklase ko dahil sa nakakatakot na aura na nakapalibot saaming dalawa ni France.

"Ah, excuse me?"

Sabay kaming napalingon ni France sa babaeng sumulpot sa pagitan namin. Si Marie pala.

"Magsisimula na ang klase namin, kaya pwede bang bumalik ka na lang dito mamaya?" She politely said. Trying to ease the mood inside the room. He nodded at her, but he took a one last glance at me before he completely vanished from my sight.

Marie turned around to face me, there's a smile plastered on her face. Amazing, pagkatapos ko siyang itulak palayo nagawa niya parin ang ngumiti saakin?

"See you at lunch," she said to me and then walked away towards her seat.

What a very weird girl.

/Magkita tayo mamaya sa parking lot./

Ibinulsa ko na ang aking cellphone ng matapos kong basahin ang text ni France. Napaka-Demanding niya talaga, ni-hindi man lang nagplease sa akin. Walang modo. Ganito ba talaga siya? O baka naman saakin lang talaga siya ganyan.

Sa tuwing daaan kasi siya sa klasroom, mukha naman siyang good mood. Lalo na't madami pa siyang kasamang mga babae. Wag mong sabihin na playboy siya? Naku, uso na talaga ang mga 'yon. Mga feeling, mga GGSS.

"Alice, dito!"

Nasa cafeteria ako ngayon. Nabili ko na ang lahat ng dapat kong kakainin, adobo, rice, burger steak at coke. Habang naghahanao ng bakanteng upuan, narinig ko si Marie. Akala niya 'ata hinaganap ko siya.

I just stared at her-rather them. Ang hilig-hilig niya talagang ngumiti.

I can see that may isang bakante doon, siguro ay para saakin. As if naman na uupo ako dyan, tapos ano? Ineexpect ba nilang makikipagtawanan ako sakanila? Duuh. I turned around para maghanap ng ibang mauupuan.

On cue, hinila niya ako, -heto nanaman tayo sa hilahan portion- pwersahan niya akong pina-upo sa bakanteng upuan. Alam ba niya na pwede ko siyang idemanda?

"Wala naman kaming nakakahawang sakit, atsaka walang masamang makikain saamin." She smiled so widely, kitang-kita ang kumikinang-kinang na metal sa kanyang ngipin. Kesa sa pumalag ako, hinayaan ko nalang ang gusto niyang gawin.

Nilapag ko na ang tray ko sa lamesa at nagsimula ng kumain. Medyo awkward pa nga kasi ramdam na ramdam ko ang mga titig ng kaibigan niya.

"Hi! Ako nga pala si Megan," pakilala ng babae na kasalukuyang nasa harapan ko. Tinignan ko siya mula sa mukha papuntang dibdib, tapos sa mukha ulit. Parang nahiya naman ako sa dibdib ko.

"Hehe, Victoria nga pala," sabi ng babaeng kulot ang buhok niya sa dulo, chinita siya.

"I'm Aries,n-nice to meet you." Medyong nababalisa siya sa pagkakasabi. Hindi ito nakatingin saakin, diretso ang tingin niya sa kanyang pagkain.

Napataas ako ng kilay. "So? Tinatanong ko ba?" sarkastikong tanong ko. Masama na kung masama, wala akong pakielam. Why bother introduce themselves to me? Magmumukha lang silang tanga.

Hindi agad nakasagot ang tatlo, napahiya 'ata.

Queque, Their hero saves this chicks ass from the evil villain.

"Ha-Ha, let's just eat? Shall we?" faking her laugh, as she chew her fries. I rolled my eyes heavenwards then proceeded on eating my meal. They three did the same, awkwardly ate.

Pinilit pa kasi akong makikain dito.

Mabilis na lumipas ang oras, sa wakas, uwian na. Matapos akong kumain kanina sa cafeteria, nagpaalam na agad ako sa kanila. Paniguradong pinagsisihan na ni Marie ang pagyaya saakin, hindi na nagsalita ang mga kaibigan niya simula nung tarayan ko sila. Parang may kung anong tigre ang humila sa mga dila nila. Whatever, kinausap pa kasi ako.

I walked straight into the parking lot. May ipapagawa siguro si 'boss' France saakin. Nakita ko naman agad siya, bahagya anong napanganga.

"Bakit ang tagal-tagal mo?!" Pagalit niyang tanong saakin, pero may halong pagod sa kanyang boses. Dahan-dahan ko naman siyang nilapitan, sinisigurado kung siya nga ba talaga yan. Siya nga, Alice, hindi ka nga namamalikmata.

"I-Inutusan pa kasi ako ni Mr. Yeol," Pagdadahilan ko.

"Sa susunod, bilisan mo naman. Isipin mo na may naghihintay sa'yo dito, alam mo bang ilang oras na akong naghihintay?" nagtitimpi akong sabunutan ang mukhang malambot niyang buhok. Thirty minutes lang kaya ang tinagal ko.

Tuluyan na akong nakalapit sa pwesto niya, yumuko ako ng konti. Pinagmasdan ko siya, pilit na tinatago ang awa sa aking mukha.

"Tumayo ka nga dyan, mukha kang pinagsamantalahan ng sampung bading sa kalagayan mo."

Medyo napatawa naman siya, pero agad itong napaaray sa sakit. Hindi ko na napigilan ang sarili na dahan-dahang hilahin patayo ang nakalumpasay na lalaki sa sahig, sinisigurado kong hindi siya masasaktan, kitang-kita ang mga pasa sakanyang katawan, lalo na sa mukha at may konting dugo ang kanyang uniporme. Para siyang pinagsusuntok-suntok ng limang sumo-wrestler.

"Tumahimik ka nga, France, Nakakairita na 'yang pa-aray-aray mo. Dadagdagan ko yang mga pasa mo eh." Ipinasan ko ang kabilang braso niya saakin, -sana nga lang hindi niya marinig ang pagwawala ng puso ko- mukhang sasagot pa siya pero hindi natuloy, may sugat siya sa gilid ng kanyang labi, kumirot siguro.

Bakit ko nga ba siya tinutulungan? Pwede naman na iwanan ko siya don, siguro pakanta-kanta pa akong naglalakad sa gilid ng daan pauwi. Heto ako, nahihirapan sa pagbubuhat ng mabigat na lalaki na halos mawawalan na ng malay.

"Hindi libre to ah?" naramdaman ko naman siyang tumango.

Mamaya ko nalang sasagutin ang tanong ko kanina kapag ligtas ko na siyang nahatid sa ospital.

Hindi ko maitatanggi na nag-aalala ako kalagayan niya ngayon. 


---

Please vote, comment and follow. :)

Courting HimWhere stories live. Discover now