Kabanata 43: Ritwal

717 29 0
                                    

ANNOUNCEMENT

Hi, good day!

Pasensya na po pero mula sa kabanata na ito ay pinuputol ko na ang iyong pagbabasa. Ang storya na ito ay nakapublish na sa Dreame. Don't worry mababasa mo parin ito ng libre just visit Dreame.com or download the app on playstore. Please look for my profile Mixhinita https://m.dreame.com/user/concern, nandoon po ang book na ito. And also please pakifollow narin po ako hehe thank you so much.

Thank you for your understanding, need ko na sya i-unpublished dito. May nakarating po kasi sakin na ulat na nabasa nila ang mga unang chapters nang mga book ko sa ibang platform kaloka.

Anyway, maraming salamat sayo naway basahin mo parin ito sa Dreame, follow mo ko beh ahh please... nyahahhaha!!

Gob bless muah muah :)"Ahahahaha! Ahahahaha! Ahahahaha!!" Masayang tawa ni Delta habang hawak si Violet.

Tuwang tuwa sya habang pinag mamasdan ang sanggol na umiiyak.

"Wwwooooo!! Haha para kang iyong ina, haha." Masayang sambit ni Delta sabay lapag ng sanggol sa sahig na may nakaguhit na bilog na may ibat-ibang letra at hugis.

Pagkalapag pa lamang ni Delta ng sanggol sa ritwal ay lumiwanag na ang bawat ditalye ng guhit.

"Oras na!!" Giit ni Delta sabay taas ng kanyang kamay.

James's POV

(During Chapter 39)

Ang lakas, ang lakas ko!

Hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan kung saan nang galing ang kapangyarihan na ito.

Bakit nga ba ako nag karoon nito? Ngayon nakikita ko ang aking kamay na tila isang lobo. Hindi kaya parehas kami ni Ona. Lobo rin kaya ako?

Basta ang ginagawa ko ngayon ay ang makipag laban sa mga pangit na to!! Sa mga nakaka suka'ng pagmumuka ng mga halimaw na to!!!

"Aaaaaaaaaaaaahhhhh!!!" Sumigaw ako ng napakalakas kaya naman nadagdagan pa ang tropa!! Wow! Ang galing, ang dami kong Ona na nakikita. Pero syempre nag iisa lamang ang Ona sa buhay ko.

Narinig ko ang isang babae na biglang sumigaw ng napakalakas na tila ba may sinasabing dasal. Maya maya lamang ay biglang lumabas ang isang napakalaking halimaw.

At nang makita ko ang isang lobong sugatan ay agad ko itong pinuntahan.

"Ona!!!" Nag ngangalit na sigaw ko ng makita ko ang aking mahal na wala ng malay.

Hindi! Hindi ito maari!!

Nang makita kong papalusob na ang halimaw sa amin ay agad ko nang binitbit si Ona sa aking likod. Dinala ko ito kay Lawrence na nakatulala lamang sakin. Nagulat din siguro sya sa aking itsura.

"Bantayan mo sya." Giit ko kay Lawrence sabay alis upang makipag laban sa mga impaktong ito!

Sa sobrang lakas ko at ng aking mga kasamahan ay agad lang naming napatumba ang halimaw na si Motholl.

"Hindi!! Hindi!!" Sigaw ng isang lalaki na kilala ko ang boses.

Agad akong napatingin kay Don Rico na umiiyak na nakatingin sa lagusan... Wag mong sabihing??

Hindi! Hayop ka talaga Delta! Tuso ka!! Bakit ba hindi ko sya napagtuunan ng pansin! Bwisit kasing Reyna ito!

Napatingin naman ako kina Lawrence na ngayon ay nilulusob na ng mga halimaw. Mabuti nalamang ay may nakabantay na limang lobo sa kanila. Agad ko silang pinuntuhan para tulungan.

Mas malaki ako sa mga halimaw na ito kaya mas madali ko silang na puksa.

Napatingin naman ako sa lagusan na ngayon ay ginuguhitan na ni Ruth. Buhat buhat ito ni Don Rico.

Galit na galit ang Reyna sa ginawa ni Ruth pero wala syang magawa dahil mawawala lahat ng halimaw kapag binaba niya ang kanyang kamay.

Nakalapat sa mga kamay ng Reyna ang isang malaking bilog na may mga guhit. Isa itong ritwal para sa mga halimaw. Summoning? Oo tama, summoning nga ito.

"Geignio! Kayo ng bahala sa mga iyan! Maging sa Reynang iyan." Sambit ko nang pang babaeng boses.

"Oo Mahal ko." Tugon sa akin nang isa pang lobo na may malagintong kuko na katulad kay Ona.

Ano? Tinawag niya akong mahal? At naging pambabae ang boses ko??

"Reignko! Sumunod na kayo sa amin!" Giit ng isang tinig sa aking isipan. Napatingin naman ako kina Don Rico na pumasok na sa loob ng lagusan.

Teka? Ang boses saan galing? Sinong Reignko??

"Si Rico ang nag salita manugan." Giit sakin ng isang babaeng tinig na parang may idad na.

Manugang??? Sino ang nag salitang iyon?

"Ako ito James! Ako ang lobo sa katauhan mo, ginamit kita para makalabas kami at matulungan kayo, lalo na ang anak ko." Giit muli nang babae sa aking isipan.

Po?? Kayo po ang?? Teka seryoso ba ito?..

"Seryoso ito hijo, anak ko si Ona. Ako ang Reyna ng mga lobo. Mapalad nalang ako dahil matindi ang iyong pag mamahal sa aking anak kaya mabilis akong nakapasok sa iyo." Muling giit sakin ng boses.

Wow!! Ang galing? So boto po kayo sa akin? Masayang sambit ko na tila gusto kong tumalon sa sobrang saya.

"Tara na hijo! Kailangan na nating makaalis, si tito mo na ang bahala sa Reyna." Giit muli ng ina ni Ona sa akin.

Opo mommy! I mean Tita!!!

Kaya naman agad naming kinuha sina Ona, Lawrence at Don don. Ang laki ng ina ni Ona dahil nagkasya silang tatlo sa likod namin.

Mabilis kaming tumakbo papunta sa lagusan na nagliliwanag na tila bulalakaw.

Galit na galit na sumisigaw ang Reyna dahil sa amin, agad niyang pinalusob ang kanyang mga alagad. Sa kasamaang palad ay bigo silang habulin kami dahil hinarang sila ni Daddy. Ehem!! I mean tito.

Napakalakas ng ama ni Ona maging ang mga kapwa nito lobo. Dahil lahat ng lumalapit sa kanila na halimaw ay humahagis lamang.

"Aaaaaaahhhh!!" Sigaw ko, ayy! Sigaw pala namin ni tita. Hudyat para sumama ang ibang lobo sa amin.

Tumalon ako ng napakataas at saktong sakto ito dahil lumusot kami sa lagusan na ritwal.

Oh! No! She's A Vampire! II "The Dark Secrets"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon