Kabanata 1: Hindi ko Alam

2.7K 77 4
                                    


"I would like to congratulate the group three for their inspiring short movie, napakaganda nang theme na nagawa ninyo, but of course congratulations din sa iba pang group na nagpamalas ng galing. Dahil diyan bibigyan ko kayo ng 1.5 at syempre! Ang group three naman ay uno! Good job guys! Ang gagaling ninyo." Ani ng kanilang guro na si Miss. Bitangkon.

Nagpalakpakan naman ang lahat dahil sa tuwa nang marinig ang announcement.

"CONGRATULATIONS TO US! WOOO!" Sigaw ni Ona na halos magtatalon sa tuwa. Paulit ulit nitong sinasabi ang ang salitang "Congratulations" habang kinakamayan ang mga kagrupo.

"Haay ang sarap sa feeling pagpinag hirapan talaga." Ani Dino na halos puyat na puyat kaka-edit.

"Tama ang galing mo talaga mahal ko!" Giit ni Bem sabay yakap sa braso ni Dino.

"Tama na yan! Baka madagdagan pa eh! Haha." Alaska ni Nick kaya naman napabitaw si Bem.

"Grabe thankful din ako kay baby Daimie! Best actress din eh." Masayang sabi ni Fley.

"Salamat." Ani Bem.

"Sige guys! Kanya kanya munang lunch break! Alam na this!" Giit ni Kirk sabay akbay sa kasintahang si Fley.

Sumang ayon naman ang lahat kay Kirk. Nagkanya kanya ang mga magcouple sa mahiligang restaurant sa paligid.

At gaya nang nakagawian, mas minabuti nina Red at Gerard na magstay sa school. Nagtungo sila sa garden at doon kumain nang kanilang baon.

"Babe are you Ok?" Tanong ni Gerard sa kasintahan na kasalukuyang naglalatag ng kumot.

"Hah?! Ahh Oo... Bakit?" Gulat na reaksyon ni Red sabay upo nang maayos na ang kumot.

"Bigla bigla ka nalang kasi tumatahimik diyan, nag aalala ako... please tell me if there is anything wrong or unusual hah." Ani Gerard sabay upo sa tabi ni Red.

"Unusual?" Nagtatakang sabi ni Red sabay kuha ng baon nila sa bag at lagay sa lapag.

"Yeah, or something strange to you?" Muling sabi ni Gerard sabay hawak sa tiyan ni Red.

"BALIW! Hindi no! Tumigil ka nga!" Gulat na sabi ni Red sabay irap sa kasintahan.

Natawa naman si Gerard. "Ba't ba galit na galit ka? Ang cute mo talaga... Joke lang ehh... Hindi ka nga pumapayag." Giit nito sabay buntong hininga at inarteng lungkot lungkutan.

Natatawang naiirita si Red sa mga pinagsasabi ni Gerard kaya naman binatukan niya ito nang hindi mariin.

"Ouch! What was that for?!" Maktol ni Gerard.

"I love you!" Malambing sabi ni Red sabay kiss kay Gerard sa pisngi.

"Yan tayo ehh... Sasaktan mo ko tapos lamlambingin agad? Style mo rin eh no! Para hindi ka gantihan?!" Taas kilay na sabi ni Gerard.

"Bakit sasaktan mo ko?" Malambing na tanong ni Red.

"Syempre hindi! Ang gusto ko ikiss mo pa ako nang marami! Bilis para matuwa ako!" Tugon nito.

PACK!

"Aray! Ba't mo ulit ako binatukan?" Maktol muli ni Gerard, nagtataka naman ito sa kinikilos ng kasintahan.

Maya maya naman ay hinalikan siyang bigla ni Red sa labi sabay pacute na ngiti.

"Hay nako, pasalamat ka mahal kita ehh! Huh! Kumain na nga tayo." Wika ni Gerard sabay dampi ng ilong niya sa ilong ni Red.

"Babe uuwi nga pala ako mamaya sa bahay." Wika ni Red sabay subo ng pagkain.

"Ah sige, gusto mo ako maghatid sayo?"

Oh! No! She's A Vampire! II "The Dark Secrets"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon