Kabanata 6: Panaginip

1K 39 0
                                    

Habang magkakausap ang magkaibigan sa telepono...

Fley- "Red, punta tayo kina Bem ngayon! Praktis tayo para sa grad ball, bukas na iyon."

Red- "Ok sige punta na kami ni Ona diyan."

Fley- "Ok magkita nalang tayo doon."

Red- "Ok bye." Aniya sabay hangup ng cellphone. 

Kasalukuyang kumakain sina Red, Ona at Rico sa isang restaurant di kalayuan sa school. 

"Ona makiiabot nga ng baso." Ani Rico kaya naman agad na iniabot ni Ona ang baso na sinalingan na niya ng wine.

Napatingin nalang sa mag ama si Ona, ramdam na ramdam nito na tila may mali na nangyayari.

"Red, anak pwede bang magtanong?"

"Ano po yun papa." 

"Ano yung tinignan mo kanina? Mga ilang segundo ka kasing nakatulala." Sambit ni Rico sabay simsim ng wine.

"Oo nga Red, halos lahat natulala rin sayo eh, parang wala kang naririnig." Giit ni Ona.

"Hmm... Wala yun may na alala lang ako."

"Sure ka nak?"

"Opo."

Nang matapos kumain, nagpaalam na si Red at Ona kay Rico. Inihatid ng isang tauhan sina Red, habang si Rico naman ay umuwi na kasama si Don don.

"Don don, tawagan mo si Ruth. Papuntahin mo siya sa mansyon, gusto ko siyang makausap." Seryosong sabi ni Rico.

"Bakit po Master? May problema po ba?" Tanong ni Don don.

Napahawak nalang si Rico sakanyang mukha, alam niyang hindi tama ito ngunit kailangan niyang gawin. Napatingin nalang si Don don kay Rico na ngayo'y sobrang seryoso na nang mukha. Pumula ang mata nito kaya naman tila natakot siya at sinunod nalanag ang amo.

Sa jamming studio nina Bem....

"Oooy! Buti nandito na kayo!" Giit ni Noy na napatigil sa pagda..drums.

"Hi! Na miss mo ko?" Ani ni Ona.

"Huh? Never kitang ma mamimiss no!" Pang asar na sabi ni Noy.

"Che!" Maktol ni Ona.

"Oh ito Dalya, ito ang kakantahin natin." Sambit ni Trish sabay bigay nang lyrics kay Red.

"Wow! Maganda to ahh, sige tara praktisin na natin!" Tuwang tuwang sabi ni Red.

Sa school... Sa beats org. room...

"Ahahahaha! Ang chaka ng tono tol! Nagsharp ka!" Giit ni Kirk kay Nick na pumiyok.

"Ahahaha! Sorry ahh! Ang taas eh! Bass kasi ko eh no! Sorry naman." Anito sabay hawak sa lalamunan niya.

"Haay! Nakoo! Mamimiss ko tong lugar na to. Tsk!" Giit ni James habang nakatingin sa bawat sulok ng kwarto.

"Ayan nanaman tayo eh! Dramahan nanaman eh! Haha!" Ani Lawrence.

"Baka mamaya akalain ng nagbabasa nito bading tayo hahahaha!" Giit ni Gerard. Pizz haha!

"Woy! Nakabuntis na nga ako eh, bading parin hahaha!" Ani Dino sabay bitaw sa hawak niyang piyesa.

"Haay, tutal tapos na naman tayo magpraktis... Jam muna tayo." Sambit ni Kirk sabay kuha ng gitara at simulang tumugtog.

Kinanta nila ang kantang Baby Blue Eyes ng A Rocket To The Moon. Masaya silang kumanta, si Gerard ang nagsimulang umawit. Sinundan ito ni Dino na i-binilend ang kanyang tono. Pagdating sa chorus kumanta na silang lahat na may ibat-ibang tono. Kaya naman napakaganda ng kanilang awit. Narinig ito ni Mia na kasalukuyang naghahanap ng boots. Naiwan kasi nya ito sa loft ng beats room.

Nasa taas lamang siya bago paman magsimulang umawit ang anim. Napatigil siya sa ganda nang boses ng Conso kaya naman sumilip muna siya. Kanyang pinagmasdan si Gerard na kasalukuyang nakapikit pa dahil damang dama nito ang pag awit.

Napahinga sya nang malalim, hinawakan niya ang kanyang dibdib. Napaisip si Mia sa mga nangyari...

"Paano kaya kung hindi ako sumuko sayo Gee, sakin ka kaya?" Sambit nito habang inaalala ang nakaraan.

Pinaubaya na ni Mia si Gerard kay Red magmula nang mapanaginipan niya si Juancho. Mag pahanggang ngayon ay napapanaginipan parin niya ito. Ngunit sa tuwing gigising sya'y naiiyak nalang siya dahil nagmumukha lang syang tanga at umaasa sa lalaking nasa panaginip.

"Juancho, sino ka ba? Bakit parang nakasama na kita at nahawakan?" Bulong ni Mia sarili.

"Miiiaaaaaa... Miiiiiiaaaaaa... " Bulong ng isang nilalang.

"Sino yan?" Nagtatakang sabi ni Mia pagkalingon.

"Mia!" Sigaw ng isang lalaki.

Tumingin si Mia sa ibaba at nakita niyang nakatingin sa kanya ang anim, kaya naman sya'y ngumiti.

"Kanina ka paba dyan?" Giit ni Gerard.

"Aah, Oo! Hinahanap ko yung boots ko, napahinto lang ako dahil sa inyo." Aniya sabay hawi ng buhok.

Agad na umakyat si Gerard upang tulungan si Mia sa paghahanap.

"Tulungan na kita."

"Are you sure?" Nagtatakang tanong ni Mia.

"Yah."

"Thanks." Sambit ni Mia na may matamis na ngiti.

"No prob little Sis! Ano bang itsura ng boots mo?" Ani Gerard sabay tingin sa paligid.

Napangiwi nalamang si Mia sa narinig, hanggang ngayon naman kasi'y hindi niya tanggap na kapatid lang ang turing sakanya ni Gerard.

"Ahh... brown yun na may takong at may design na bulaklak.. Yung bigay ni mama mo."

--------------

Sa Jamming studio nina Bem...

"Yehey! Perfect! Pwedeng pwede na!" Sigaw ni Ona sabay palakpak sa performance ng Vow.

"Thanks Ona." Giit ni Red.

Lumabas naman si Trish panandali ngunit bigla itong bumalik  loob dahil nakakita ito ng mamang naglalako ng fishball. "Guys! Fishball! Kain tayo! Tara sa labas!" Sigaw nito.

"Wooi! Namiss ko yan!" Ani ni Bem.

Lumabas silang lahat para kumain ng fishball, kikyam at chickenballs. Habang kumakain, napatingin si Red sa malayo. Napatulala siya sa nilalang naglalakad papalapit sa kanila. Nakasuot ito nang itim na may hood at tanging ngiti lamang nito ang iyong makikita. Ngunit ngayon nalalabas na ang ngipin nito na tila ngiting demonyo.

"Dalya! Hotdog! Masarap to!" Malakas na sabi ni Ona na kinagulat ni Red. Alam niyang may bumabagabag dito kaya naman todo bantay siya.

"Ahh... Oo sige ako din, kuya isang hotdog nga po." Malumanay na sabi ni Red.

Napatingin nalang si Ona kay Red. Kahit gusto niyang tanungin ito ay hinahayaan nalamang niya, dahil alam niyang hindi lang ito sasagot. Gustong gusto na ni Ona na tanggalin ang kanyang salamin nang saganoon ay makita rin niya ang nakikita ni Red.

Oh! No! She's A Vampire! II "The Dark Secrets"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon