Kabanata 9: Grad Ball

991 40 0
                                    

Pagpasok pa lamang ng auditorium ay maririnig mo na ang sigawan ng mga estudyante. Halos mamangha si Red sa mga naghahalong kulay ng ilaw at disco lights. Napapaindak din sya dahil sa tugtugan ng Dj na talaga namang nakakaenganyo.

"Ready na kayo para sa party?" Giit ng Mc na nang bibitin pa.

"OPO!" Sigaw ng mga studyanteng uhaw na sa kasiyahan.

"Sige! Wag na nating patagalin Ito! Dahil gusto ko na rin sumayaw!" Ani ng babaeng Mc.

"Pero partner! Hindi mawawala ang mga ating opening ceremony no! Kaya tawagin na natin ang ating chorale for the national anthem and doxology!"

Nang matapos ang ang chorale sa kanilang bagabag damdaming awitin ng prayer song...

"Wow, grabe partner! Habang nakikinig ako ng prayer song parang.... alam mo yun palapit na nang palapit ang diploma! Parang ayan na! Diba! Ramdam niyo ba ako!" Ani nang baklang MC.

"OPO!" Sigaw muli ng mga studyante na halos ngumawa na dahil sa saya at lungkot na nararamdaman para sa nalalapit na pag alis ng school.

"Alam ko yan partner, pero alam mo kahit na excited ka graduation? Hindi mo maiiwasan malungkot kasi nakaka miss dito! Kasi nga sobrang saya! Diba? lahat tayo mamimiss ang mga barkada natin syaka itong school." Ani ng babaeng MC kayat naman nagsigawan ang lahat.

"At syempre partner mamimiss natin ang ating mga guro." Ani nang beking MC kaya't tumahimik ang lahat. "Wow! Ah! Palibhasa wala sila dito ah! Hahaha!" Muling sabi beki kayat nagtawanan ang lahat.

Sa backstage ....

Nang matanaw ng Conso si Gerard ay bigla silang nagtawanan. Halos maihi naman si Lawrence sa katatawa.

Habang papalapit nang papalapit si Gerard ay napapatakbo ito sa sobrang asar. Nang sya'y makalapit sa mga kaibigan, dinaganan niya ang mga ito. Sinakal niya si Lawrence na siyang may kagagawan nang lahat.

Tutulungan naman dapat nila si Gerard sa paghahanap ng sapatos, ngunit nang makita ni Lawrence ang sapatos na nasa bintana ay inawat na niya agad si Dino na magsisimula na sanang maghalungkat.

Flashback...............

"Pare! Tignan mo! Ayun yun sapatos oh!" Bulong ni Lawrence sa mga kaibigan.

Natawa naman silang lahat dahil sa katangahan ni Gerard.

------

"Mga hayop kayo! Mga bwisit! Last na nga lang to eh! Gogoyoin niyo pa ako!" Giit ni Gerard sabay kurot sa dede ni James.

"Aray ko bwisit ka! Para ka kasing ewan eh!" Ani James.

"Pre! Kung ahas lang yun natuklaw ka na!" Pang asar na sabi Nick habang hinahampas pa ang upuan sa sobrang tawa.

"Mga hayop! Kaya pala hindi niyo ko tinulungan! Mga BWISIT!"

"Ahuhuhhuhu! Naiiyak na ko! Ang epic mo Gee." Giit ni Kirk na teary eye na sa kakatawa.

"Psst! Boys! Wag po tayong maingay baka marinig kayo sa labas." Giit nang nag aasikaso ng program.

"Shhhh! Wag kayong maingay! Huy!" Ani Dino na napapasinghot sa katatawa.

"Ano Gerard sino naman nabiktima mo sa paghahanap nang nawawalang sapatos?" Pang asar na sambit ni Lawrence.

"Gago!" Natatawang sabi ni Gerard sabay hagis ng throw pillow kay Kirk at pabirong tadyak kay Lawrence.

Kaya lalong nagtawanan ang anim, halos maihi na sila sa sobrang sakit ng tiyan. Habang si Gerard ay natatawang napapailing sa sarili. "Mga bwisit!"

Rinig na rinig ni Red ang hagikgikan nang lima kaya naman napapangiti nalang siya.

"Huh? Ba't ka bilang napangiti?" Nagtatakang tanong ni Bem.

"Wala... Ahh may na alala lang ako, yung unang sabak ko sa stage noon. Hihi!" Palusot ni Red.

"Ahh. Okie sabagay haay, sige tawagan ko lang si mommy, check ko lang si baby Daimie."

"Ok." Nakangiting sabi ni Red.

Sa front stage...

"Are you guys ready? Dahil kami excited na woooo! Mamimiss ko talaga tong mga ito! Sobra! Kaya nga lang they are all taken! Well that's life... Walang magagawa! Haha!" Ani ng babaeng MC.

"Well wag na nating patagalin to ibigay na natin sa stage sa mga nag gagwapuhang lalaking ito! Crush na crush ko talaga sila! Eto na sila ang CONSO!"

"WAAAAAHH! WAAAAAH! WAAAHHH!" Mga hindi mag kamayaw na tilian ng mga babae.

Lumabas ang Conso at sila'y pumuwesto na sa stage. Agad namang nagdim lights na hudyat nang kanilang pagsisimula. Nang tumunog na ang minus one ay unti-unti ring nagliwanag ang stage kaya naman nagsimula na silang sumayaw at kumanta. Masayang masaya ang lahat sa perfomance ng Conso, sumasabay pa ang lahat sa pagkanta. Maging si Red na nasa backstage ay napapaindak rin at napapakanta. Kinukuhaan pa niya ng picture si Gerard habang nagpeperform, proud na proud siya sa kanyang kasintahan.

Napalingon si Red sa kanyang ama na nanood sa pagkanta ni Gerard. Natatawa nalang si Red sa ama dahil napapaindayog rin ito.

Alam ni Red na kahit medyo masungit si Rico sakanyang kasintahan ay botong boto ito sa kanila. Alam niyang hindi lang ito pinapahalata ng ama dahil narin sobrang mahal na mahal siya nito at iniingatan.

Nang matapos sa pagkanta ang Conso, humirit pa ng isa ang mga manonood. At nagdisisyon sina Gerard na umawit ng love song. Si James ang unang umawit nang 1st stanza hanggang sa magsabay sabay na sila sa pag awit. Nagpalakpakan ang lahat, sobrang saya nila dahil mukang ito na ang huling araw na maririnig nila ang Conso.

Nang matapos na muli sila, tinawag na nang MC sina Mia upang sumayaw ng hip hop.

Nang matapos ang grupo nina Mia. "Wow! Ang gagaling talaga nang mga taga DSU no?! Kaya sikat talaga tayo eh! Haha! Tama na ang pagbubuhat nang sariling bangko! Eto na mag rock rockan naman tayo! Eto na ang The Vow!"

Naghiyawan ang lahat nang rockers sa auditorium, tuwang tuwa silang isinisigaw ang pangalan nang banda nina Red. Nang nakapwesto na silang lima, agad naman na sinimulan ni Noy ang pagbilang. "Ah one, ah two! One two three go!" 

Kinanta nila ang kantang Pressure ng Paramore. Halos magwala sa pagkanta sina Red at Trish habang hawak ang kanilang instrumento. Si Noy naman ay halos manggigil na sa kakapalo sa drums. Si Fley, na halos matanggal na ang buhok sa kakaheadbang habang si Bem naman ay halos pacute lang sa pagtugtog ng keyboard piano.

Maging ang mga nanonod ay nagwawala na kakatalon at kanta. Maging sina Gerard ay nakiki sabay din sa pagtalon kahit hindi nila genre ang pagrorock n roll. Sobrang saya ng lahat dahil sinusulit na nila ang mga huling araw nila sa school.

"Woo! Yeh! Ang saya saya! Go go! Friendship!" Sigaw ni Ona. "Hayy sana marunong din ako tumugtog."  Ani Ona sa sarili habang nagtatatalon kasama si James.

Oh! No! She's A Vampire! II "The Dark Secrets"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon