Kabanata 5: Bulong

1K 52 0
                                    

Sa sobrang traffic, hindi namalayan ni Red na nakatulog nanaman pala siya.

"Ang takaw talaga ni Red sa tulog." Ani Ona nang malumanay, nag aalala na ito dahil napapasobra na ang tulog ni Red at palagi nalang sumisigaw sa tuwing nananaginip.

----------

"Reeeeeed, Reeeeed." Bulong ng isang nilalang.

"Sino yan?" Nagtatakang sabi ni Red. "Magpakita ka!" Sigaw niya.

Maya maya naman ay nakarinig siya nang tatlong beses na iyak ng sanggol mula sa malayong lugar.

Nilibot ni Red ang kanyang mga mata sa paligid, napagtanto niya na siya ay nasa isang kagubatan. Puro mga tuyot na dahon ang nasa paligid. Mga huni ng ibon, pagaspas ng hangin at naghahampasang mga halaman naman ang kanyang naririnig.

Natigilan siya nang marinig muli ang iyak ng sanggol.

Nagtataka si Red kung saan nang gagaling ang iyak ng bata kaya naman ito'y kanyang sinundan. Hawak hawak niya ang kanyang kwintas habang naglalakad dahil nakaramdam siya ng kaba. 

Habang papalapit nang papalapit ay lalong lumalakas ang tunog ng iyak ng bata, kaya naman kanyang binilisan. Nag aalala ito na baka may nangyayaring di maganda sa sanggol.

Sa kanyang pagliko, nakita niya ang isang malaking bahay na tila isang mansyon. Napakalaki ng pinto nito. Marami rin itong korinto katulad ng kanilang bahay. May kalumaan na ang mansyon kaya naman nababalutan na ito nang mga halamang ligaw.

Agad na kumatok si Red sa malaking pintuan. "Tao po." Marahan niyang sabi.

Kakatok pa sana ulit si Red ngunit biglang bumukas ang pinto. Napalunok nalang siya sabay sabing.. "Tao po? May tao po ba diyan? Hello po." Ngunit walang sumasagot, ni wala ring maaninag si Red dahil sa sobrang dilim sa loob.

Maya maya naman ay bigla niyang narinig ang napakalakas na iyak ng sanggol na tila ba may nangyayari na hindi kanaisnais dito.

Dahil sa kanyang narinig, nag alala si Red. Kaya naman tuluyan na siyang pumasok sa loob. Nabigla naman siya nang magbukasan lahat ng binta habang ang pintuan ay padabog na sumara. 

Halos malaglag ang puso ni Red sa gulat, huminga nalang ito ng malalim sabay tingin at masid ulit sa paligid ng mansyon. Kahit kinakabahan, nagpatuloy parin ito sa paghahanap sa sanggol.

Umakyat siya sa isang malawak na hagdan, nang makarating sa taas. Nakita niya ang isang pinto na may nakaukit na trianggolo na parang pamilyar sa kanya. Doon nagmumula ang iyak ng sanggol, kaya naman ito'y kanyang binuksan.

Pagkabukas niya....

"Anak, nandito na tayo." Ani ni Rico.

"Po?" Nanghihinang sabi ni Red sakanyang ama. Natulala siya dahil buong akala niya'y totoo na ang lahat.

"Super late na tayo Red tara na!" Nagmamadaling sabi ni Ona sabay hawak sa kamay niya. 

"Babe? Ba't ngayon ka lang?" Salubong ni Gerard sa kanila. "Tara na kailangan na tayo doon." anito.

Agad na pumila sina Red sa gilid ng intablado. Habang si Rico ay naupo lamang sa gilid kasama ang mga body guards.

"Master Rico? Ok lang po ba kayo?" Tanong ni Don don dahil napansin nitong tulala si Rico at tila malalim ang iniisip.

"Yah! I'm fine!" Giit ni Rico sabay talikod.

Lahat ng tao ay napatingin kay Rico. Halos magbulungan ang mga guro sa loob maging ang mga staff ng school. Crush na crush nila si Rico dahil sa matipuno nitong katawan, maputing balat at gwapong itsura.

Napataas nalang ang kilay ni Red dahil naririnig niya usapan ng mga kaguran, hindi siya makapaniwala na maging si Mrs. Cell ay may crush sa papa niya.

"Nakakaloka naman." Aniya sa isipan.

"Summa cum laude! Redalya B. Veno." Banggit ng announcer.

Agad na umakyat ng stage si Red, pumunta siya sa inilaan na pwesto para sakanya. Nagpalakpakan naman ang lahal dahil dito.

Ngumiti si Red nang napakatamis dahil sa wakas makakamit na niya ang inaasam na diploma. Tinignan niya ang lahat ng kaklase niya sa ibaba. Nakangiti sakanya sina Bem, Trish, Fley at Noy, syempre si Ona na praktis palang ay umiiyak na. Nakita rin niya ang pagpalakpak at ngiti nina Linda at Lidya na kanya naring kaibigan. Napalingat naman siya kay Mia na katabi ni Gerard. Nakangiti rin ito at pumapalakpak sakanya, tumingin rin siya sakanyang kasintahan na kininditan siya sabay nguso. Natawa nalang siya dahil sa kilig.

Kitang kita ni Red ang ekspresyon nang kanyang ama na umiiyak din. Napangiwe nalang si Red dahil na OOA-yan ito sa kanila ni Ona.

Nang matawag na ang lahat ng may honor ay pinalakpakan muli silang lahat.

Napangiti si Red at napatingin sa malayo. Nagtaka siya dahil may nakita siyang nilalang na naka balot ng itim na damit at tanging ngiti lamang nito ang iyong makikita. Mga ngiting hindi mo mawari. Nawala ang ngiti ni Red dahil nakaramdam siya ng kilabot at takot.

"Dalya, baba na tayo." Giit ni Dino.

Nagtaka naman si Gerard dahil muli nanamang natutula si Red. Gayon din si Rico na tinignan pa kung saan nakatingin ang anak.

Pagbaba ng intablado agad na hinawakan ni Gerard ang kamay ni Red. Malamig ito kaya naman siya'y nag alala.

"Why Babe? Bakit? Anong nangyayari sayo?" Tanong ni Gerard.

"Wa.. wala po, nagugulat lang kasi ako sa nangyayari, pa.. parang kelan lang kasi eh." Katwiran nito.

"Sure ka?" Muling tanong ni Gerard sabay hawak sa mga pisngi ni Red na
tumango nalang sabay yakap sakanya.

Oh! No! She's A Vampire! II "The Dark Secrets"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon