29

4K 65 3
                                    

Summer's POV

"Nagka-amnesia ka, Summer?!", hindi makapaniwalang tanong ni Olivia sa akin.

Nasa isang coffee shop kami malapit dito sa building ng Infinity Corp. Niyaya ko kasi itong si Olivia para makipagkwentuhan. It's been weeks simula nung lumipat ako ng department for training. Hindi ko naman mayaya ang lahat sa Marketing Department dahil sobrang busy nila ngayon at itong si Olivia lang ang free sa kanila.

Nagkukwento kasi ako about sa talambuhay ko at ng mapunta kami sa parteng nagkaamnesia ko, grabe lang ang pagkagulat ng isang ito.

I was involved in a car accident with my parents and yun ang cause ng amnesia ko. Pero unti unti naman pinaalala sa akin nila Kuya Kambal ang tungkol sa akin at sa buhay ko. Sabi nila kuya, wag ko na daw palaging iisipin at pag usapan ang tungkol doon. Pwede daw kasi akong mag over think if ever at mag cause lang daw yun ng anxiety. So simula nun hindi ko na pinilit ang sarili kong alalahanin ang past.

Pero hindi ko sinasadyang maopen ang topic na ito sa usapan namin ni Olivia and there is something in me na bigla akong nabothered at napaisip sa kung ano ang meron sa past ko. I can't understand myself... Para kasing may nag-uudyok sa loob ko na alalahanin ang lahat. It's been 6 years na namuhay ako ng panibago at ngayon lang ako nagkaurge ng ganito. I've been through a therapy kaya nakaya kong mag moved on.

Goodness... Ito na ata yung sinasabi nila kuya. Bakit ba naman kasi lumabas sa bibig ko iyon? Gosh.

Natapos ang break time namin ng hindi maalis sa isipan ko iyon. Hanggang sa makabalik ako ng building ng Infinity Corp. Yun lang ang laman ng isip ko. Pakiramdam ko pa nga ay tulala ako magdamag at wala sa wisyo.

Napakadaming what ifs ang naiisip ko. Paano kung may mga bagay ako sa past na importante at hindi napaalala sa akin nila Kuya Kambal. Persons, events or anything that matters to me ng hindi ko pa nalalaman? Is there any instances kaya na malaki ang pinagkaiba ko ngayon sa totoong ako sa past?

Goodness Summer! Calm yourself. This is too much. Mali na ito, naiistress na ko. I need to calm myself at ibaling sa iba ang atensyon ko. Sumasakit ang ulo ko lalo... Napahawak naman ako sa scar sa noo ko na bakas ng aksidente noon.

Wala pang pinapaggawa sa akin ang head dito kaya pinili ko na lang kunin ang phone ko. Nagbrowse ako ng mga pictures sa gallery and hindi ko inaasahan mapatitig sa picture namin ni Trex nung bonding namin nung nag day off siya sa work. Speaking of that jerk...

After what happened between us, lumipad siya papuntang California for some sort of business matters at hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik. After nung mga sinabi niya sa akin, hindi ko malaman sa sarili kung paano at bakit ko na lang agad tinaggap ang sorry ng manyak na yun. Sa tuwing nagsasabi siya ng mga salitang hindi ko inaasahan sa kanya ay napapatibok niya na ng mabilis ang puso ko.

Am I falling for him even more at sadyang dinideny ko lang hanggang ngayon? My Goodness?! Paano naman kasi! Daig pa ng babaeng may dalaw kung magpalit ng mood at ugali ang isang iyon! Nacoconfused na talaga ako sa nararamdaman ko para sa kanya.

Ilang araw na rin na walang Trex sa bahay at walang nang mamanyak. Napabuntong hininga na lang ako ng maisip kong namimiss ko na nga ang halimaw na manyak. Baka nakalimutan na niyang may Summer siya dito sa Pilipinas at mamaya nakakita na yun ng ipapalit sa akin!

Naku talaga! Subukan niya lang! Promise promise pa siyang nalalaman! May pa sweet words at sweet actions pa siya! Tapos... Tapos! Trexone! Leche ka! Umuwi ka na at napaparanoid na ko! Bat ba hindi ka nagpaparamdaman masyado kang nagpapamiss. Ni call and text wala!

Naipatong ko na lang ang noo ko sa table ko at sinumulang pumikit ng marinig ko ang usapan ng mga kasamahan ko dito sa office.

"Andyan na daw si Sir sabi nung secretary niya. Grabe balita ko kakagaling lang daw niya ng airport tapos dumirecho na agad dito. Ang daming bitbit na pasalubong!"

Baby, I'm not a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon