UMALIS KA NA!!

26 1 0
                                    

Naging abala ang lahat dahil sa nalalapit na kaarawan ng tita monica niya at dahil naka gawin nasa tuwing kaarawan nito na maghanda ng salo-salo kasama ng mga kapitbahay at kaibigan ng tita niya na dadalo maging ang pamilya niya at kamag anak kung kaya madaling araw palang ay nag hahanda na ang lahat. Pag sapit ng tanghali nag simula nang mag si dating ang mga bisita ng kanyang tita monica isa na roon si tita mage sa bisita at kahit na hindi maganda ang kutob niya rito kahit papano ay naging maganda ang pakikitungo niya.

"Ma'am ipinatatawag po kayo nang inyong tita." Sabi ng isang kasambahay sa kanya. Naroon kasi siya sa kanyang silid dahil sa dami ng tao ay feeling niya hindi na kailangan ang presensya niya kung kaya nag pasya na lamang siyang manatili sa kanyang silid.

"Sige po susunod na ako." Sabi niya at saglit na tiningnan ito na yumoko bago umalis.

"Hahahaha nakaka aliw ka na man iho' hindi ko alam na mahilig pala mabola ang iyong pamangkin komadre." Rinig niyang sabi at tawanan ng mga bisita ng kanyang tita monica.

Lumapit siya kung saan naroon ang tita at ang mga bisita nito nakita niya ang apat na babaing kasing edad lang tita niya at isang lalaki na kasing edad niya. Nakatalikod ang tita niya sa kanya kung kaya hindi siya makita nito unang nakapansin sa kanya ay si tita mage na nakaharap sa gawi niya.

"Oh! Andito na pala ang pamangkin mo moni." Anunsyo nito kaya lumingon sa gawi niya ang lahat ng naroon sa gawi ng tita niya kasama naroon ang lalaki.

Ngumiti ang tita niya at saka siya tinawag upang lumapit. "Iha, akala ko mag mumok-mok ka na naman sa kwarto mo."

Humarap ito sa mga kaibigan at saka siya ipinakilala. "Mga komadre siya ngapala si lilian ang aking nag iisang pamangkin. Iha, sila ngapala ang mga kaibigan ko at ito na man si yolo pamangkin ni mage."

Kahit hindi sabihin ng tita niya may kutob na siya kung bakit siya ipinakilala nito sa lalaking pamangkin ni tita mage.

"Aba'y ito na ba ang anak nila mateo at lyndia? Aba'y ke gandang bata." Tanong nang isang kaibigan ng tita niya.

"Oo mering ito na nga siya ang nag iisa." Sagot na man nang tita niya at saka proud na tinapik tapik ang kaliwang balikat niya.

"Iha, bakit hindi mo samahan si yolo sa hardin alam kong na bo-bored na yan rito at nahihiya lamang sabihin sa amin." Suhestyon ng tita niya at kahit na ayaw niya ay wala siyang magawa kung kaya tumayo na lamang siya at niyaya ang lalaki.

Nakalabas na sila sa bahay at nag lalakad na patungo sa hardin ngunit hindi man lamang sila nag kikibuan ng lalaki siguro hindi na nito na kayanan ang katahimikan kung kaya maya maya'y tumikhim ito.

"Ehem!"

Dedma lamang siya sa pagpa-parinig nito kahit pa matangal ang baga nito sa kakatikhim.

"Hindi ko alam na masungit ka pala? Sabi kasi sakin ni tita monica ay mabait ang pamangkin niya siguro pakitang tao lamang iyon." Sabi nito.

Nilingon niya ito ng may masamang tingin hindi niya talaga feel ang lalaking ito kahit ang tita nito. Bahagyang na pa atras ito ng makita ang tinging ipinukol niya.

"Mabait ng ako pero sa mga tong pili lamang at isa pa hindi sinabi ng tita ko na masungit ako sa taong di ko close!" Inis na turan niya.

"Ganoon?" Nag isip muna ito bago tumango tango na parang may na pag tanto. "Oo, nga hindi niya sinabi kung gayon ay kailang palang maging close muna tayo bago ka maging mabait sa akin." Saad nito habang tumataas baba pa ang dalawang kilay.

Nag salubong ang kilay niya sa sinabi nito at anong akala nito sa kanya makikipag close rin siya rito ano siya hilo? Wag na oy' kahit pa sabihin na siya na lang ang nag iisang tao sa mundo!

"Ano ba ang kailangan mo ha? Alam kong iba talaga ang sadya niyo ng tita mo rito?" Seryosong saad niya rito.

Sumeryoso rin ito sa naging tanong niya at bigla na lamang ngumiti ng nakaka kilabot na parang may masama itong gagawin sa kanya.

"Still hard huh?"

Siya na man ngayon ang napaatras sa kilabot na nararamdaman una palang alam niya nang may mali talaga sa mga ito ngunit hindi niya alam na nakakatakot pala ang ito. Mabilis na humakbang ito patungo sa kanya ngunit hindi niya alam kung paano pero lumayo din agad ito s kanya na parang may kung ano itong kinatatakotan.

"Umalis ka na!" Sigaw niya rito

Masamang tining nan siya nito bago may sinabi na hindi niya maintindihan kung anong lenguwahe.

'I'll be back and this time i'll make sure you'll be mine!'

SIYAWhere stories live. Discover now