PANAGINIP NA NAMAN BA IYON?

34 2 0
                                    

Masakit ang ulo niya kinaumagahan kung kaya nag pasya siyang mag padala na lamang ng agahan sa kanyang kwarto nag alangan pa nga ang tita monica niya sa pag alis nito dahil baka hindi niya raw kaya ngunit sinabi niya na man na okay lang siya at masakit lang talaga ang ulo niya.

Nang mag tanghali ay nagpasya siyang mag liwaliw sa bayan at dahil hindi uso ang jeep sa probinsya kung kaya nag tricycle siya papuntang bayan. Sa daan ay nadaanan nila ang isang bahay na kahit luma na ang style ay maganda at parang matibay parin ito at mukha ring alaga sa barnis at kung ano pa na mag papanatili sa ganada niyon.

"Alam niyo ma'am iyang bahay na po iyan ang unang bahay rito sa sto. Rosario may sabi sabi nga po na kapanahonan pa po iyan ng kastila at saka hunted raw po iyan dahil diyan kadalasan pinapatay ang sino mang trydor sa mga kastila." Sabi ni kuyang driver ng mapansin guro nito ang titig niya sa bahay na dinaanan nila bakit hindi eh agaw talaga ito sa lugar na iyon dahil ito lamang ang malaki at lumang bahay sa lugar na iyon.

"Talaga po kuya?" Dahil sa sinabi nito kaya na curious na rin siya.

"Upo at alam niyo po ba na si don lantro po ay diyan rin pumanaw at nilibing sa lugar na iyan ayaw raw po mahiwalay sa bahay na iyan kaya na man ang nag iisa at kasalukoyang na ninirahan sa bahay na iyan na kanyang apo ay nag pasyang gawan na lang nag sariling puntod ang kanyang lolo sa loob ng bahay."

Kinilabotan siya sa sinabi nitong sa loob mismo ng bahay pinagawa ang puntod ang lolo nito who the hell in the right mind ang gagawa ng ganoon? Sabihin niyo nga? At dahil sa na laman ay nag pasya siyang ilagan ang bahay na iyon.

"Ito ho ang bayad kuya, Salamat." abot niya sa driver ng tricycle at pag karating niya sa bayad.

"Walang ano ho ma'am at saka salamat rin ho sige." Anito at pinaandar nang muli ang tricycle nito.

Inilibot niya ng tingin ang lugar at masasabi niyang malayo nga ito sa city kung saan polluted na ang hangin at marami ang mga basura kahit saan ka tumingin ngunit dito sa bayan ng sogod ay iba sariwa ang hangin at di gaano polluted ang hangin dahil sa mga tricycle lang ang transportation ng mga tao at ku-konti lamang ang truck o kaya sasakyan ang makikita mo.

Nag lakad siya sa malapit na talipapa toon at tumingin tingin ng mga sariwang isda, karne at kung ano-ano pa. Sa kanyang pag lalakad may na kita siyang nag titinda ng mga abobot ngunit isang bagay lang ang naka agaw ng atensyon niya isang bracelet na may sapphire pendant na kurteng star. Medyo may kalumaan na ang bracelet at mukhang luma na kung titingnan mo ay mabibigtas kapag naunat. Ewan niya ba kung bakit kaaya aya ang tingin niya sa bracelet na iyon gayong may mas maganda at kaaya aya naman na iba ngunit sadyang mayroong kung ano ang humihila sa kanya upang kunin ito at pag masdan.

"Gusto mo ba iyan ining?" Tanong ng matandang tindera ng mga abobot.

Tuming siya rito at ngumiti.

"Aba'y kung gusto mo iyo na iyan regalo ko na lang sa iyo dahil mukhang gustong gusto mo iyan at isa pa kanina kapa naka titig diyan." Anito nang naka ngiti at saka tumingin sa bracelet.

"Naku, babayaran ko po ito hindi maaaring hindi dahil ito lamang ang inyong ikinabubuhay." Sabi niya dahil sa naisip niya kung hindi niya iyon babayaran paano na ang pamilya nito na umaasa lamang sa benta ng mga bracelet ni lola? at paano na lang kong wala itong maging benta? paano na ang pamilya nito?

Ngumiti ang matanda sa kanya at saka sinabing "sabi ko na ngaba at bukila ang iyong puso alam mo bang ang bracelet na iyan ay may taglay na swerte sa kung sino man ang taong may wagas at mabuting puso mag bibigay iyan ng proteksyon laban sa mga masasama kung kaya iyo na iyan at ito na rin ay iyo na." Iniabot nito sa kanya ang isang kwintas na may katulad ring pendant sa bracelet.

Kahit na ibinibigay ito ni lola sa kanya hindi maaaring hindi siya maka pag bigay sa matanda kung kaya bumili na lamang siya nang iba pang abobot. Naka ngiti siyang umuwi sa bahay ng kanyang tita monica dahil sa bracelet at kwentas na bigay ng matanda may pinamili rin na man siyang ibang damit at kung ano ano pa. Habang nasa daan siya sakay ng tricycle ay naraanan nila muli ang hunted mansyon ngunit ang ikinagulat niya habang nakatitig sa mansyon na iyon ay may nakita siyang tao at hindi lang iyon dahil ang taong nakatayo sa binta ng mansyon ay nakatitig rin sa kanya habang may kakaibang ngiti sa labi. Napa tindig ang balahibo niya nang mapag tanto kung gaano kalayo ang sinasakyan niyang tricycle sa mansyon at kung paano siya nakita nang lalaking iyon at nakipag titigan pa sa kanya ang lalaking iyon.

'Sabi ko na man sayo hindi kana makakalayo mahal.' Bulong sa kanya.

"Miss? Miss? Nandito na po tayo." Pukaw ni manong driver sa kanya kaya na palinga siya sa paligid at nasa tapat na nga sila ng bahay ng tita niya.

"Ay sorry manong ito po oh salamat." Naka ngiting alanganing sabi niya habang inaabot ang bayad.

Nakababa at nakaalis na ang tricycle na sinakyan niya ay nakatayo parin siya sa labas ng gate ng bahay ng tita niya laman ng isip niya ang nangyari sa kanya at ang napanaginipan niyang lalaki sa mansyon na hunted.

"Panaginip na naman ba iyon?" Na ibulong niya.

SIYATempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang