LITRATO

19 1 0
                                    

Stressed na nga masyado siya dahil sa kung ano ano na ang napa panaginipin niya nanaginip na man kasi siya kagabi na may lalaking nakapasok sa loob ng banyo niya at nung magising siya nasa loob parin siya ng banyo ngunit ang kaibahan lang ay wala soyang lalaking nakita sa loob kung kaya alam niyang panaginip lamang iyon.

"Ma'am ayos lang po ba kayo kasi parang puyat po kayo dahil hikab kayo ng hikab at parang wala sa sarili?" Puna ng isang kasambahay sa kanya marahil napansin nito ang tamlay niya at paghihikab.

"Oo manang puyat lang po ako kaya wala akong gana." Sagot niya rito at humikab muli.

"Ganoon ho ba. Gusto niyo po bang ipag timpla ko kayo ng kape?" Alok nito na hindi niya tinanggihan.

Dala ang kape niyang tinimpla ni manang nag tungo siya sa may sala nang bahay at tumingin tingin roon ng maaaring makaliwaliw sa kanya. Nakita niya ang isang istante ng mga photo album bg kanilang pamilya kaya kumuha siya ng isa at binuklat niya ito tumambad sa kanyang paningin ang mga litrato noong nakaraang pasko nila dahil nga sa walang asawa at anak ang tita niya kung kaya sa tuwing pasko ay doon ito sa kanila nakiki celebrate. Habang pinag mamasdan niya ang mga litrato ay natatawa siya sa mga alaalang hatid nito lalo na ang mga kaganapan na nakuhanan ng mga litrato at hindi niya na malayan man lang ang oras dahil sa pagkaliw sa pagtingin ng mga litrato doon niya lang na pag tantong gabi na pala nung sinabi ng kasambahay na handa na ang haponan.

Nasa kwarto siya at kasalukoyang nag susuklay ng kanyang buhok ng mapayingin siya sa gawi sa taas ng aparador. Tumayo siya mula sa pagka-kaupo at tinungo ang bagay na kumuha ng atensyon niya iniabot niya ang bagay na iyon ngunit sa kasamaang palad hindi sapat ang tangkad niya upang maabot ito. Nag pasiya siyang lumabas saglit at kumuha ng isang stool upang gawing pamatong bumalik muli siya sa kanyang silid dala ang bangko upang gawing pamatong para maabot ang mga photo album na mukhang na pabayaan na dahil sa ng daming alikabok.

Nang malinis niya na ang mga photo album ay binuksan niya na isa isa ang mga ito. Una niyang binuksan ang photo album na may desinyong bulaklak at tumambad sa kanyang paningin ang mga litratong ngayon niya lamang nakita. Litrato iyon ng isang babaing kamukha niya ngunit ang kaibahan lamang ay ang makaluma nitong damit at maging ang larawan ay luma na rin. Sinubokan niyang buklatin ang sunod na pahina at nakita niya na man ang babae ngunit sa ibang angulo naman naka harap ito sa mga bulalak ng hardin at wari'y masyang pinag mamasdan ang mga halaman na nakatanim roon. Marami pa siyang nakita na puro lamang iyon mukha ng babae na kung hindi palihim na kinunan ay pormal na man kung nakaharap sa huling pahina ng litrato ng babae ay nakita niyang naka upo ito sa isang bangko na gawa sa kaway at pormal na nakangiti sa kamera. Tinitigan niyang maige ang picture at sinuri ang soot ng babae kimuna iyon parang sa mga palabas noong sinasakop ang ating bansa ng kastila ganoon ang suot ng babae at may hawak pa itong pamaypay.

Sa kanyang pag susuri na agaw ang atensyon niya ng isang bagay na soot nito ang bracelet na kamukha at kahiwig nang sa kanya yung bracelet na binigay ng matandang tindera sa bayan nung minsang nag pasya siyang maglibot sa bayan. Kahawig talaga nito ang bracelet na suot niya walang pinag kaiba kahit ang desinyo ang sapphire pendant nito tinitigan niya ng maigi ang bracelet at saka niya nakita na may naka guhit sa ilalim ng lock nito hindi niya lang matukoy kung ano dahil sa liit at labo ng litrato ngunit sigurado siyang may guhit sa banda roon.

Hindi niya na lamang pinansin ang bagay na iyon at saka kumuha ng ibang album at pinag bubuklat iyon wala na mang pinag kaiba ang mga litrato roon kung hindi ang babae ang nasa larawan ay iyong mga matatanda na sa tingin niya ay magulang noong babae at isang bata na sa tingin niya rin ay kapatid nito. Huling album na dapat siya ng sa pagbuhat niya may na laglag na isang litrato naka taob ang litrato kung kaya hindi niya matukoy kung sino ang nasa larawan dinampot niya ito at ihaharap na sana kung hindi niya lang na pansin ang isang sulat kamay na halos di na pansin dahil sa luma kung kaya malabo na rin ito.

"My Love." Pabasa niya sa sulat at hindi niya alam kung bakit ngunit kinakabahan siyang makita ang litratong iyon kaya dahan dahan niyang binaliktad ang larawan. Nanlamig siya ng makita niya ang babaeng kamukha niya nakangiti ito ngunit hindi sa harap ng kamera ngunit sa lalaking naka harap at nakahawak sa may beywang nito.

Hindi ang larawan ang naging dahilan upang manlamig siya kung hindi ang mukha ng lalaki sa litrato na kung ilang beses niya nang napanaginipan at kung ilang beses siyang tinawag na mahal. Ngayon sa nakita niyang larawan may na pag tanto siya sino ang lalaking iyon? At kung bakit ito nag papakita sa panaginip niya?

SIYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon