MY LOVE

22 0 0
                                    

Hindi niya na malaman kung matatakot na ba siya sa lugar na ito dahil simula ng mag punta siya roon ay marami ng kababalaghan ang nangyari sa buhay niya. Hindi na man sa literal na kababalaghan ngunit sa mga panaginip niya na parang totoo ang mga kaganapan.

"Oh iha ayos ka lang ba?" Puna ng tita niya ng makita siya sa veranda at nakatitig sa malayo.

Lumingon siya rito at ngumiti.

"Oo na man po ayos lang po ako siguro na mimiss ko lang po ang ingay ng syudad at sila mama at papa po." Sabi niya na kalahating totoo. Ngumiti ito at saka yumakap sa kanya.

"Na iintindihan ko iha kung gusto mo nang umuwi eh maaari na man hindi na man kita pipigilan kung iyon ang iyong nais." Anito habang tinatapik ang likod niya.

Niyakap niya rin ito nang mahigpit at saka nag pakawala ng malalim na hininga. "Oo, na mimiss ko sila ngunit hindi ibig sabihin nun ay uuwi na ako hanga't pinipilit nila sa akin ang pag papakasal sa lalaking iyon ay hindi po ako uuwi." Paliwanav niya sa tita niya ng magbitiw sila s yakap at maupo ito sa katapat niya.

Humugot rin ito ng malalim na hininga bago tumanaw sa malawak na lupain kung saan tanaw rin ang mga bundok. "Alam ko na gusto lamang nilang mapabuti ang kalagayan mo kaya ka nila nais ipakasal sa lalaking sila mismo ang pumili dahil walang sinomang magulang ang nanaising mapahamak ang anak nila."

"Alam ko na man po iyon ngunit hindi po ba maaring tanongin muna nila ako kung ano ang gusto ko? Bakit sila nag desisyon ng ganoon ng hindi man lang ako kinokunsulta?" Sabi niyang may himig ng pag tatampo.

"Yan lang rin ang pagkakamali nila dahil nag desisyon sila ng hindi man lang isinaalang alang ang desisyon mo." Tapat na sabi nito.

Marami pa silang na pag usapan ng tita niya at marami rin itong naipayo sa kanyang mga bagay ito ang isa sa dahilan kung kaya't nais niyang dumito muna at mag bakasyon dahil kahit na hindi siya anak ng tita niya ay kung ituring siyang parang tunay na anak. Walang anak ang tita monica niya dahil hindi na ito na kapag asawa matapos mamaatay ang fiance nito sa isang insidente na hindi niya alam kong ano wala na man kasi itong ikwenikwento tungkol sa love life nito naririnig niya lamang ang love life nito sa tuwing mapapag usapan ito ng kanyang ama at ina.

Naiinitan siya kaya na man naisipan niyang maligo kaya na man nag handa na siya ng pampaligo. Naka lublub siya sa bathtub at hindi niya na malayang siya ay naka tulog nagising siyang parang may kung anong humahaplos sa kanyang pisngi kung kaya dahan dahan idinilat niya ang kanyang mata upang makita ang isang lalaking marahang humahaplos ng kanyang pisngi.

Ngiti ng isang lalaki ang bumungad sa kanya habang marahan hinahaplos ang kanyang pisngi ilang segundo ang lumipas bago niya na pag tanto ang nangyari kung kaya mabilis na lumayo siya sa lalaki.

"I'm sorry my love did i wake you up?" Tanong nito sa naging reaksyon niya.

"Si-sino ka a-at pa-paano ka naka pasok s-sa kwa-kwarto ko't banyo?" Natatakot niyang tanong rito dahil hindi na man siya maaring umahon sa bathtub sa kaalamang ni ano mang saplot ay wala siya tanging mga bula lamang na galing shower gel na ginamit niya ang tanging tuma tabon sa kahubadan niya.

"Sssh.. Wag kang matakot aking mahal hindi kita sasaktan sadyang ako'y nasasabik na makita kang muli." Sabi nito.

Tumitig siya rito upang tantyahin ang katotohan sa sinabi nito ng hindi makaramdam ng masa mula rito ay kahit papano gumaan ang loob niya ngunit hindi parin siya maaring maging kampante sapagkat hindi niya kilala ang nilalang na ito at isa pa paano ito nakapasok sa loob ng kanyang kwarto maging sa banyo kung saan sila ngayon. Sa pag kakatanda niya nai-lock niya ang pinto bago niya naisipang mag babad sa bathtub kung kaya paano ito naka pasok?

"Sino kaba talaga at paano kang naka pasok sa bahay maging dito sa banyo ko?" Muli niyang tanong rito.

"Ako ang iyong mahal." Sagot nito na may matamis na ngiti sa labi at kahit na ang mga mata nito ay puno ng kasiyahan at pagmamahal.

"Sino?" Na tatangang tanong niya.

"Ang iyong mahal, mahal ko." Sagot nitong muli na mukhang aliw na aliw sa kanya.

"My love??" Paninigurado niyang tanong na nakangiting tumango na man ang lalaki.

"Yes im your love, my love."

SIYAWhere stories live. Discover now