UMPISA

93 2 0
                                    

Nagising siya sa kakaibang ingay na yun' tumingin siya sa orasan 1:30 yan ang na saad sa orasan. Bumangon siya upang tukoyin kung saan nag mula ang kakaibang ingay habang nag lalakad siya hindi niya mawari kung kaloskos o hampas ang ingay na iyon nakakakilabot at nakaka panindig balahibo ang ingay para kasi itong may hinohukay o nililibing. Sinusundan niya lamang ang ingay at na pag tanto niyang patungo ito sa lumang basement ng bahay na matagal nang hindi ginagamit. May naririnig siyang kwento tungkol sa basement na iyon ayon sa narinig niya nung minsang hindi sinasadyang marinig niya ang usapan nang mga kasambahay na kaya hindi ginagamit at ipinag bawal ang naturang basement dahil sa may kababalaghan raw sa lugar sa tuwing sumasapit ang 1:30 ng madaling araw. Kumunot ang noo niya at saka pinagalitan ang mga ito dahil sa kung anong hindi totoo ang mga lumalabas sa bibig ng mga ito. Ngunit sa naririnig niya ngayon ay mukhang hindi haka-haka o gawa-gawa ang kweto tungkol sa lumang basement heto nga siya ngayon patungo sa lugar kung saan palakas nang palakas ng ingay ganoon na rin ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa naalala niya.

"Hoy alam mo ba gurl may narinig ako kagabi." Kasambahay 1

"Talaga?" Kasambahay 2

"Oo, at alam mo nakakatakot ang iyak ng bata..."

"Bata? Teka wala na mang bata rito ah?"

"Yun na nga ang nakakatakot eh dahil sa bata ang narinig kung iyak at ang mas nakakatakot sa basement pa talaga iyon nag mumula."

"Hala naku! Totoo pala talaga yung sinabi ni aling kiray sakin na may multo raw rito at nag paparamdam raw iyon sa tuwing sumasapit ang ala una y' emdya ng madaling araw." Natatakot na pahayag ni kasambahay 2

"Aling Kiray?"

"Oo, yung matandang kasambahay nang kapit bahay natin ang alam ko bata pa lang ay dito na sa lugar na ito siya lumaki."

"Talaga?"

"Kaya nga alam niya ang kung ano ang nangyari sa bahay na ito bago ang mga amo natin eh."

"Ganoo? Ano na mang sabi?"

"Ayon sa kanya may pinatay raw rito noon at sa basement ang ganap at ito pa ha! 1:30 raw na ganap ang pag patay kung kayat walang naka alam isang lingo pa ang lumipas bago na tagpuan ang mga bangkay."

"Talaga? Nakakatakot pala, ilang nga pala ang pinatay?"

"Sa pag kaka alam ko ap-"

"Anong ginagawa niyo rito? Hindi bat may mga gawain pa kayo kaya bakit kayo narito at nag chi- chismisan?" Galit na sita ko sa mga ito dahil sa kung ano-anong bagay ang mga sinasabing wala na mang katotohanan.

Na balik siya sa realidad ng mas lumakas pa ang hampas na naririnig niya tumindig na rin ang balahibo niya ang bigla na lang may umungol na kung na hindi niya ma tukoy kung babae ba o lalaki sapagkat na paka hina lamng iyon. Nasa tapat na siya nang hagadan pababa sa basement at piang papawisan na siya ng malamig dahil sa dito nga nag mu-mula ang kakaibang ingay. Dahan-dahan at maingat siya sa pag hakbang ng hagdan takot na maka gawa nang ingay na maaring marinig ng kung sino man ng nasa loob. Nasa harap na siya ng pinto at dahan dahang inabot ang siradora ng pinto akmang pipihitin niya na ang pinto ng bigla na lang...

"Sino ka? At anong ginagawa mo sa harap nang pintong iyan?" Tanong nang matandang babae na ngayon niya lang nakita sa higit tatlong buwan na pamamalagi niya sa bahay ng kanyang tita Monica.

"Ikaw ang sino ka? At papaano ka naka pasok sa bahay ng tita ko?" Balik tanong niya.

"Tita mo? Kung mag ka ganoon ay pamangkin ka ni monica?" Anito at ngumisi nang nakaka kilabot.

"S-sino k-ka b-ba?" Utal na tanong niya.

"Hindi mo na kailang malaman" sabi nito bago ito pumitik at na walan na siya nang malay ngunit bago pa man niya maipikit nang tuloyan ang mata narinig niya pang bumulong ito.

"Hindi ka na mabubuhay." Anito at tuloyan na siyang na walan ng malay.

SIYAWhere stories live. Discover now