"Bat mo kasama yon?" Tanong niya

"Ha? Hindi ko kasama yon nakasalubong ko lan----"

"Bat sinabi niya manliligaw ka nya?"

"Aba! Ewan ko---"

"Bat ka binigyan ng chocolates?"

"Hindi ko alam---"

"Kasi nga nanliligaw sya"

"Hindi ko nga sya manlili----"

"Pero tinanggap mo yung chocolates"

"Kasi akala ko----"

"Alam mong may boyfriend ka pero nagpapaligaw ka pa" dun na ko napikon

"So... sinasabi mo ba na malandi ako?" Inis kong tanong

"Hindi! Ang akin lang nagpapaligaw ka kahit tayo na dapat di ba pag inrelationship na bawal ng ligawan!"galit na paliwanag niya

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na....Hindi ko nga sya manliligaw" inis na sabi ko napipikon na kasi ako eh

"Kung di mo sya manliligaw! Bakit tinanggap mo yung chocolates?" Inis na tanong nya

"Eh kasi akala ko---"

"Ano akala mo ano?"

"Pano ako magpapaliwag eh pinuputol mo yung sagot ko! Bwiset!"

"Ikaw pa ang galit ngayon!" Sabi niya sabay lakad

"Alden!"

"Alden!" Habol ko sa kanya pero dere deretso pa rin sya palabas ng Garden kaya pinabayaan ko na sya!

Tang ina kung ayaw nya di wag! Bwiset! Pano nya malalaman! Pinuputol nya ung paliwanag ko! Kainis! Pagnakita ko rin yung Kairos na yon batok sakin yon tae barbero eh manliligaw daw? San naman nanggaling yon! Leche!

Bumalik na lang ako kung saan ako nakaupo dito sa garden at nagear phone! Pinikit ko muna yung mata ko!Papalamigin ko lang yung ulo ko! Badtrip ako ngayon eh!

"Aww" sabi ko nung may biglang pumalo sakin sa braso

"Awww! Ka dyan! "Sabi ni Nadz kasama sila Val

"Tara inom tayo" aya ko

"Bakit? May problema?" Tanong ni pat

"Wala naman" simpleng sagot ko

"Wala daw! Nag away kayo ni Alden?" Tanong ni Val

"Pano nyo nalaman?"

"Eh kasi yung jowa mo pagdating sa room kanina binalibag yung pinto pagpasok nya buti na lang wala si maam" kwento ni Bea

"Oo! Tapos padabog na umupo sa upuan" dakdak ni Nadz

Wow ha! Aarte sya ng ganun! Dapat kasi pinagpaliwanag nya muna ako hindi yung daldal sya ng daldal! Bwiset! Hahayaan ko na muna sya! Wag muna kaming mag usap ngayon dahil parehas mainit ulo namin baka ano pa masabi namin sa isat isa.

"Ano? Tara! Inom tayo" aya ko pa rin gusto kong uminom ngayon!

"Treat ko" dagdag ko nung hindi pa sila sumagot

"Tara na! Treat daw oh" sabi ni Bea

Dumeretso kami agad sa bahay nila Val ayaw ko sa mga bar kung sa bahay naman kukulitin ako ni Kenneth!

"Oh ano bang nangyari ha?" Tanong ni Bea habang umiinom kami nagshot muna ako bago ko kinwento yung nangyari

"Eh bat kasi tinanggap mo yung chocolates? " tanong ni Pat

"Eh kasi nga akala ko binigay niya lang sakin yon atsaka sayang naman yung chocolates"
_______________________________
Valeen POV

"Wala lang naman talaga yon eh" sabi ni Meng.... lasing na lasing na sya

"Oyy Meng wag ka dyang humiga" awat ko nung hihiga sya sa kama ko tae mag aamoy alak yon! Ngumisi naman sya at humiga na sa kama ko!

"Shet" bulong ko
sila Nadz naman Nanonood na lang ng TV  naka inom din kami pero hindi katulad ni Meng na lasing! Buti nga hindi umiiyak tong si Meng paglasing eh hindi katulad ng iba nagdadrama!

*Krrriinngg* * kriiinngg*

"Oh why baby?" Sagot ni Jerald sa Cellphone tinawagan ko kasi sya

"Kasama mo ba si Alden?" Tanong ko

"Awwwtsss! Tinawagan mo ko para kay Alden" maarteng sabi niya

"Wag mo kong artehan ahh may sasabihin lang ako"

"Oh Alden! Si Val"

"Hello? Wag ngayon Val badtrip ako" sabi agad ni Alden... Wow! Badtrip sya? Pwes mas badtrip ako! Abnormal tong girlfriend niya pagnalalasing

"MAS BADTRIP AKO SAYO! PUCHA KA! PUNTAHAN MO SI MENG DITO NGAYON LASING NA LASING SIYA" singhal ko sa kanya
____________________________________

Vote and comment!

Thankss!! ;)

This Girl (AlDub/MaiDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon