Hindi 'to nakatingin sa'kin at do'n lang sa papel naka-focus atensyon nito. Napansin kong nabaling ang tingin nito sa kung saan.

"Left handed?" Napatingin naman ako sa kaliwang kamay ko na may hawak ng ballpen.

"Yes, Sir," sagot ko rito. Ano'ng problema nito kung left handed ako?

Tumango lang 'to tsaka umalis sa gilid ko. Sinundan ko 'to ng tingin at dumiretso 'to sa may...ewan ko kung ano'ng book section 'yon pero basta do'n.

Binaling ko ang tingin ko sa table namin at napansin kong nakatingin sa'kin 'yong tatlo. Halatang nagpipigil lang magtanong ng sunod sunod sa'kin dahil nasa library kami. Pero mamaya ko na sila iintindihin.

Binaling ko ang atensyon ko sa papel, nilagyan ko ng mark 'yong tinuro ni Sir Van. Pagkatapos no'n tsaka ko nagsimula ulit sa panibagong papel. Matama lang 'to tutulungan ko 'tong mga kaibigan ko! Kung, kung matatama lang naman.

Napatingin ako sa may kanan ko ng dumikit sa'kin si Jade, "Unfair, may free help." Bulong nito sa'kin.

"Tulong ba talaga? Mamaya lalo lang akong pinapahirapan," ganting bulong ko rito.

Umayos na ko ng upo habang nakadikit pa rin sa'kin si Jade, "Lumayo ka nga, nakakailang gumawa kung nakatitig ka." Napansin ko kasing nakatitig 'to sa papel ko.

Tinignan ako nito, "Sige na nga." Umayos 'to ng pagkaaupo, "Sana matama ka para may other basis na tayo, sakit sa ulo 'e," Tumango naman ako sa kanya bilang pagsang-ayon at sinimulan na ang pagreresolve ko.

Katahimikan. Iyan ang nangyari habang patuloy kami sa ginagawa namin. Tuloy tuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa matapos ko na 'to.

Napasandal ako nang matapos ko na rin. "Tapos mo na?" Narinig kong tanong ni Jade. Tumango naman ako rito, "Ano lumabas? Naka-100% ka ba?"

Inusad ko papunta sa harap niya 'yong papel na pinag-solve-an ko tsaka ko sumagot, "Eksaktong 100%."

"Nakuha mo na?" Napatingin ako kay Anne na nasa harap ni Jade at tsaka tumango rito. Inayos ni Jade 'yong papel sa may pagitan nila ni Anne para makita namin.

"Wow, ang galing tapos ka na. Sample test paper ka na lang," komento ni Shei.

Hindi ako umimik, iniisip ko kasi kung paano nakasigurado si Sir na 100% ang makukuha ko kapag inadjust ko 'yong sinabi niya. Grabe, genius ba siya?

"Pahiram muna Lhia ha?" Tumango ako sa kanila, ngayon test paper na lang kulang ko. Pwede ng sa weekend 'yon, magre-review muna ko para sa quiz bukas.

Habang busy sa paggawa ng TOS 'yong tatlo, ako naman tahimik lang na nakatulala. Wala kong magawa 'e, tinatamad naman akong magreview para bukas. Na drain na ko kakaulit no'ng TOS ko kanina. Paano kaya ako makikinig mamaya sa last subject.

Nilibot ko na lang ang paningin ko sa loob ng library. Kakaunti lang ang estudyante ngayon dito. Napatingin ako sa may mga bookshelve na nasa may dulong part na ng library. Napatigil ang tingin ko sa may bandang gitna nang mapansin kong nakatayo do'n si Sir Van. Nandito pa pala siya? Sabagay, hindi ko naman siya napansing lumabas kanina.

Nakatayo lang do'n si Sir habang nakapamulsa. Nakatingin 'to sa mga libro at parang may hinahanap. Napakurap kurap ako ng bigla na lang 'tong tumingin sa may gawi namin. Nag-iwas tingin na ko. Shoot! Nahuli pa yata akong nakatingin sa kanya!

Pinatong ko ang dalawang braso ko sa lamesa tsaka ko do'n dumukdok. Ganito na lang muna gagawin ko, mahirap na baka kung saan saan na naman ako matingin!
            
             
* * *
               
             
Mabilis lang na nagdaan ang oras. Uwian na namin ngayon at naglalakad na kami palabas ng building namin. Buti na lang ang lively ng klase namin kanina kaya hindi ako inantok at nagawa kong makinig sa klase.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now