11 ~ SPG (Part 1)

350K 6.8K 327
                                    

CHAPTER ELEVEN

PILIT na inaalis nya ang kamay ni Austin na mahigpit na nakahawak sa kanyang braso. Bigla na lang sya nitong dinala sa isang tagong lugar hindi kalayuan sa munisipyo kung saan hinihintay nya si Aeon dahil may pupuntahan sila.

"Ayoko sumama sayo may trabaho ako." Galit na sabi nya. "Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo para mapapayag sila daddy na magpakasal tayo."

"You have no choice my dear, marry me iyon na lang ang gagawin mo."

"May tatlong buwan pa akong natitira Austin baka nakakalimutan mo." She glared at him. "Three months." Mariin na sambit nya.

"Bakit? May binabalak ka ba at ayaw mo pang maikasal sakin?"

"Wala ka ng pakialam kung may binabalak ba ako o wala." Mag wawalk out na sana sya ng bigla itong magsalita ito.

"Sinabihan na kita dati pa na layuan mo si Aeon pero heto at magkasama pa kayo palagi ng boss mo."

"Dahil sa kanya ako nagtatrabaho at huwag na huwag mong idadamay si Aeon sa kamiserablehan mo dahil wala syang alam tungkol sa kasal kasal na 'yan."

"Are you sure?"

Matalim na tinignan nya ito. "Anong ibig mong sabihin?"

"Wala naman baka lang kasi pwede natin syang imbitahin sa kasal natin."

"Iyan ang huwag mong gagawin Austin dahil sinisigurado ko sayo na hindi matutuloy ang kasal na pinapangarap mo."

Malakas lang itong tumawa at umiling-iling. "I'm sure he doesn't mind if I invite him."

"Invite him then, para magkaalaman na tayo." Panghahamon nya at umalis na sa harap nito.

Nagmamadali syang bumalik sa munisipyo dahil tinatawagan na sya ni Mayor A. Naabutan nya ito sa parking lot.

"Where have you been?"

"M-may binili lang ako sir boss mayor." She force a cute smile and hop in to his car. "Saan pala tayo pupunta?" Nasa passenger seat sya at ito naman ay nagdadrive.

"Vacation."

"What? Magbabakasyon ka?"

"Tayo."

"Bakit? Bakit ako kasama?"

"Let's talk about it later."

"Pero wala akong dalang kahit na anong gamit sir boss mayor." Mahinang sabi nya.

"Nasa compartment ang mga gamit mo."

Nagdududa na tinignan nya ito kahit sa daan naman ito nakatingin. Bakit ba lagi na lang ang gusto nito ang nasusunod? Nakakahalata na talaga sya.

"You've plan this, Aeon."

"Yes I plan this short vacation, masyado kasing boring kapag ako lang mag-isa kaya isinama kita."

"Talagang nakaka boring kapag ikaw lang mag-isa dahil wala kang kausap." Tumingin sya sa bintana.

"Sinasabi mo bang boring ako?"

Napatingin tuloy sya dito. "Wala akong sinabi ha masyado ka lang tahimik tapos maingay naman ako kaya bagay tayo—I mean bagay tayo magsama." At binuntutan nya ng hagikhik pero hindi na naman ito nagsalita kaya nanahimik na lang din sya.

Ang bilis bilis lang talaga ng araw at halos tatlong buwan na lang ay matatali na sya kay Austin. 'Yung pakiramdam na wala syang magawa kundi sumunod sa gusto ng magulang nya kahit ayaw nya pero kailangan.

"Mahirap pala talaga gawin ang isang bagay na ayaw mo 'no?" Hindi napigilan na tanong nya.

"Huh?"

RACE 2: Baby Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon