Bullet 29

102K 2.3K 108
                                    

Miss

I sighed.

Kanina pa ako nakatingin sa kisame ng kwarto ni Tulip. It's already ten o'clock on the morning based on what Tulip said a while ago pero hindi pa rin ako tumatayo.

Habang nakatingin sa kisame ay parang nakikita ko si Markus.

What happened yesterday night is still very clear to me. The way he hugged me and the way he told me his intentions. Kahit na minemorya ko na ang mukha niya ay parang namimiss ko pa rin siya. Bakit ganito?

I never thought it will be this hard. Wala pang twenty four hours ang huling paalam ko sakanya pero parang sobrang naninikip na ang puso ko. This should be easy, ang kalimutan siya ay dapat madali lang pero bakit ang hirap hirap?

"Gising ka na pala."

Binaling ko ang atensyon ko kay Tulip na kalalabas lang ng banyo. Pinupunasan niya ng twalya ang buhok niya habang hapit na hapit naman ang mahabang pencil skirt niya. Binagayan niya ng isang pastel blouse ang pencil skirt kaya mas nag mukha siyang classy.

I never engaged myself on buying clothes. Si mommy lang naman ang bumibili ng mga damit ko. I don't need those though, bagay na bagay naman sa akin ang mga uniporme ko pero ngayon, siguro ay kailangan ko ng mamili ng mga damit.

"Late ka ng umuwi kagabi. Saan ka galing?" Tanong ko sakanya.

Bahagya kong linagay ang daliri ko sa gilid ng mata ko para pigilan ang nagbabadyang luha doon. Para talaga akong tanga.

Pinanuod kong umupo si Tulip sa tabi ko at bahagya akong napangiwi ng maamoy ko ang shampoo niya.

"Sa hospital." Sagot niya.

Tinabi niya ang twalya at sunod na sinuklayan ang buhok niya. Napapikit ako at hinayaan ang katawan kong kainin ng katamaran.

"Anong ginawa mo doon?"

"Nagpadala si Kuya Carl ng pera. He's helping someone there." Aniya.

Kumunot ang noo ko.

"Helping? Are you sure it's not Hazel? Doon na nag tatrabaho ang babaeng 'yon." Balita ko sakanya.

"No. I saw the girl he's helping. Nurse ata doon ang babae. I don't know the whole story dahil pinagtabuyan na ako ni Kuya pagka bigay ko ng pera." Aniya.

Tumango tango ako habang nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Markus' face flashed kaya napilitan akong dumilat. Nakapikit o hindi, siya pa rin ang nakikita ko.

Magaling!

"Tul, your shampoo.." I traced.

Nilingon ko siya at kita ko ang pamimilog ng mga mata niya. The necklace was gracefully flowing in her neck while she's in panic kung anong gagawin sa tanong ko.

"Oh? Matapang no? Bayaan mo.. papalitan ko. By the way, what's your plan for today?" Tanong niya sa akin.

Napangisi ako. Natututo na si Tulip lumusot sa mga tanong na mahirap sagutin. That's good, atleast she knows how to handle herself.

"I'll pass my discharge letter." Mahina kong tugon.

"Itutuloy mo? Sigurado ka na ba diyan? Binitawan mo si Markus kahapon, ngayon naman ang pangarap mo."

Parang kikilabutan ako sa sinabi niya. Tama siya, I lost two important things in my life pero walang tatalo sa sakit na nararamdaman ng puso ko.

Muli akong tumingin sa kisame at humugot ng hininga.

MONTGOMERY 2 : I'll Be Your SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon