Bullet 14

120K 2.9K 338
                                    

Kinilig

"Delikado ba ang buhay mo, Markus? Dahil ba sa eleksyon ito?" Seryosong tanong ni daddy kay Markus.

Nasa hapagkainan kami ngayon at puro pag kekwentuhan ang ginawa namin. Marami silang kinwento sa akin lalo na at matagal din akong nawala. Medyo nag tatampo pa ako kay Ate Adrianna dahil nalaman ko na buntis na pala ulit siya pero wala man siyang sinasabi sa akin.

Pero pinaliwanag nila sa akin na kagabi palang naman daw nalaman at pati nga daw si Evander ay hindi pa alam. Masyadong in love ang ate ko at pati ata ang pag bubuntis ay gagawin pang surprise.

"Actually I didn't know how much I am in danger pero nang mag paputok ng baril sa bahay ko at muntikan na akong mabaril ay doon ko lang na realize na I'm in danger. Kahit po noong kasama ko ang kapatid at step-mom ko sa kotse ay hindi ko man inisip 'yon masyado." Paliwanag ni Markus.

Binalingan ko siya dahil napaka seryoso niyang sumagot. Katabi ko siya ngayon at matiim kong pinagdikit ang mga labi ko nang makita siyang parang kinakabahan.

Kitang kita ang tensyon sakanya.

Ano ba 'to? Tinatanong lang naman siya..

"Oh my goodness. Buti naman ay hindi ka napahamak." Komento ni mommy.

Bahagya pa niyang hinawakan si daddy dahil halatang hindi siya makapaniwala. Hindi naman kasi katulad ko, hindi sila sanay sa realidad na ganito.

Ito ang bagay na kahit kailan ay hindi nila maiintindihan..

"Si Agatha po ang natamaan non. She saved me.."

Namilog ang mata ko sa sinabi niya at mabilis ko siyang hinawakan sa kamay para pigilan siya sa mga pwede niya pang sabihin. Hindi naman sa ayaw kong ipaalam sakanila pero.. wala naman saysay na malaman pa nila 'yon. I've been worst and I didn't even tried to tell them those things.

"What? Agatha, bakit hindi mo naman pinaalam sa amin. Napahamak ka na pala-"

Pinigilan ko si mommy. "Mom, mababaw lang ang tama sa akin. Sa balikat lang 'to. Sa field nga ay sa tyan, binti at minsan ay hindi lang isa kung hindi maraming tama ang natatamo ko. But.. here I am, still standing. That means something right?"

I smiled kahit na kinakabahan ako. Mas lalong iigting ang kagustuhan nilang patigilin niyan ako.

Napatingin ako kay Markus na seryoso ang tingin sa akin. Mas lalo akong ngumiti para sabihin sakanya na ayos lang, I know that he mean no harm in saying that.

"Okay.. iisipin ko nalang na huling misyon mo na 'to para matahimik na ako." Ani mommy.

Ngumiti nalang ako at tinignan ang mga pinsan ko na matamang nakatingin sa akin. Tulip was just silent and she seem so pre-occupied. Para siyang lantang bulaklak..

Kuya Adrian and Kuya Carl were busy on their phones. May mga kausap sila and I can hear business from it.

"Pumunta pala si Osiris dito noong minsan, nanliligaw pa rin sa pamilya. You still don't like him?" Tanong ni Mommy.

Napabuntong hininga ako. Naramdaman ko ang pag tusok ni Alice sa tyan ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Humagikgik lang siya at uminom nalang.

"Damn persuasive." Natatawang wika ni Dos.

"Ano bang pinainom mo doon, Gath?" Natatawang dagdag ni Uno.

Akmang kukunin ko ang baril ko nang tumayo sila ng sabay at nag taas ng kamay. Lihim akong napangiti dahil doon at umiling iling.

Binalingan ko si mommy. "Ma, you know I don't like him, I never did. Crush maybe? Pero hindi na humigit doon. I tried.. I tried because I know it's my fault why he liked me but.. I really can't feel anything. Kung pagbibigyan ko siya, magiging unfair ako." Paliwanag ko.

MONTGOMERY 2 : I'll Be Your SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon