War 1

6.9K 135 0
                                    

3rd Person's POV

Hingal na hingal na sila Mason ng makadating sa Park. Agad naman nilang pinuntahan sila Summer at Misty.

"Asan si Maico?" Tanong ni Summer. Umiyak naman ang mga ito.

"Nakuha siya nung mga lalake, dahil niligtas niya ako." Umiiyak na sabi ni Christoff.

"Wag mo ng sisihin ang sarili mo. Kung ako si Maico. Gagawin ko din naman yun." Sabi naman ni Mason.

"San na tayo pupunta?" Tanong naman ni Misty.

"Sa bahay nila mommy. Kukuha tayo ng food at kokontakin natin sila Papa Max." Nanghihinang sabi ni Mason. Tumakbo naman na sila papunta sa mansion ng mga mommy nila.

Kumuha sila ng kanya kanyang bag at naglagay ng pagkain at inumin.

Kumuha nadin si Mason ng baseball bat na bigay sakanya ni Max. Sakto lang ito sakanya pero customized ito kaya mabigat padin.

Nilagay nadin ni Summer at Misty ang flashlights sa bag nila. Pati ang Cellphones nila.

Dalawang raketa naman ang hawak ni Bryan. Habang si Winter ay nagaayos ng pellet guns na ibibigay niya kay Misty at Summer.

"Oh eto. Ilagay nio lang ito sa loob tapos ikasa nio tapos baril nio na yung bad guys. Pag dumating sila dito. Dun kayo sa secret tunnel magtago. Isarado nio ang pinto okay? Tapos takbo kayo agad. Parang si flash!" Sabi ni Winter habang inaabot ang pellet guns kaila Summer at Misty. Tumango naman ang dalawa at umiyak muli. Niyakap naman sila ni Winter.

Inayos nadin ni Winter ang paintball gun nila ni Christoff habang tinatawagan naman ni Mason si Max.
Nagulat naman si Max ng makatanggap siya ng tawag mula kay Mason.

"Mason?" Tanong nito. Agad naman niyang niloudspeak ito para marinig din nila Tripp.

[Papa, sila mama. Kinuha nila Zeus Minho.. Yun po ang pagkakarinig ko.. Sinaktan nila sila mama.. at daddy]

Bahagya silang nagulat sa balitang ito.

"Asan kayo?! Kamusta kayo?" Tanong naman ni Marcus.

[Andito po kami sa bahay. Nagtatago po kami. Nandun naman po sila mama at yung bad guys sa bahay nila daddy.. Papa si Maico.. Nakuha po nila.] Nagsimula ng umiyak si Mason.

"Okay. Pupunta na kami dyan. Tatawag na kami ng pulis wag kayong aalis dyan." Sabi naman Max.

[Opo papa dito lang po kam-- HULIHIN SILA! PAPAA!! toot toot]

"MASON! MASON! SHIT!" Agad naman ng nagayos ang lima at pumunta sa destinasyon habang kumokontak ng police.

"HULIHIN SILA!" Sabi ng mga armadong lalake habang tumatakbo papunta kaila Mason.

"PAPAA!" Pagsigaw naman ni Misty. Agad naman binaril nila Winter at Christoff ang mga lalake. Hinatak naman ni Bryle ang dalawang babae habang si Mason naman ang pumapalo sa mga tuhod ng lalake.

"Pasok dali! Ako na magsasarado. Takbo na! Antayin niyo makadatin sila papa! Di nila mabubuksan 'to. Wag kayong mag alala. Pag nakarinig kayo ng siren ng mga police labas na kayo ah? Pero pag nabuksan nila to. Bang bang nio sila tapos takbo na kayo ah." Sabi ni Bryle sa mga ito. Di pa nakakasagot ang dalawa ay sinarado na nya ang pinto.

Kumuha siya ng table at tinakpan ang maliit na pinto. Hindi na halatang may pintuan dito dahil sa table na may malaking mantel.

"San ka pupunta ha?" Sabi ng lalake na nakapasok sa silid na iyon. Pinagpapalo naman siya ni Bryle at pumunta na kaila Mason.

"Waaah!" Sigaw ni Christoff ng hatakin ito ng isang lalake sa buhok. Pinalo naman agad ni Bryle ang lalake. Inabot naman niya kay Christoff ang isa pang Raketa.

Tumakbo na silang apat paakyat ng hagdan papunta sa kwarto nila Mason.

"May mga pellet guns pako dito." Sabi ni Mason. Nilabas niya ang isang maleta na punong puno ng pellet guns. Kumuha sila at tinutok na ito sa pinto.

Nang bumukas ang pinto agad naman silang nagpaulan ng pellet. Pinagbabato naman ni Christoff lahat ng laruang makita niya papunta sa mga ito.

"Hala ubos na!" Sabi ni Bryle. Pinagbabato nalang nila ng mga laruan ang mga lalake.

"Gago ka ah!" Sabi ng isang lalake ng mahuli niya si Bryle at sinampal ng sobrang lakas kaya nanghina ito.

"Bryle!" Sigaw naman nila. Agad na lumapit si Mason dito at kinagat ang lalake. Tinulak naman ito ng lalake kaya tumama sa pader si Mason.

Pero hindi padin ito tumigil. Tumakbo siya muli dun sa lalake at pinagpapalo ito. Kaya naman hinampas ng lalake sa noo si Mason ng isa sa mga pellet guns. Dumugo ang noo ni Mason at tuluyan ng nawalan ng malay.

Nagpupumiglas naman si bryle kaya pati ito ay hinampas ng pellet sa noo.

Si Christoff naman ay patuloy sa pagbato ng kung ano makita niya. Nang makalapit ang lalake sakanya agad naman siyang binato nito sa lapag. Tumama ang ulo nito kaya nawalan ng malay.

Si Winter naman ay patuloy padin sa paghampas sa lalakeng may hawak sakanya. Sinampal siya nito. Ngunit hindi siya tumigil sa paghampas. Kaya sinikmuraan ito ng lalake. Napaubo naman si Winter. Dugo ang lumabas sa bawat pag ubo niya. At tuluyan nadin siyang nawalang ng malay.

Binuhat ito ng mga lalake papunta sa kotse at bumalik na sa kabilang bahay ng hindi na mahalughog sa buong bahay ang dalawang babaeng bata.

"Summer natatakot ako.." Sabi naman ni Misty habang nakatutok lang sa pintuan ang flashlight niya. Nagulat nalang sila ng tumunog ang cellphone ni Summer. At pangalan ng mama aley niya ang nakalagay.

"Mama?" Umiiyak na sabi ni Summer.

[Summer. Si Maico ito. Nasa CR ako. Sabi ko kasi magccr ako pero pinahiram sakin ni tita aley ang p kayo. Sa Old Warehouse kami dadalhin. Sa makati. Warehouse ito nung Charles. Asan kayo? Sila Mason?]

"Nakuha sila... Andito kami ni Misty sa hideout natin. Yung tunnel. Padating na sila Papa." Sabi ni Summer.

[Ha? Osige Summer magiingat kayo. Tandaan nio sa Old Warehouse sa maka-- ANO BA DALIAN MO DYAN! toot toot]

Napahagulgol naman silang dalawa.

Dumating na ang mga lalake na may dala dala kaila Mason.

"Omygod.." Umiiyak na sabi nila Zam ng makita ang duguan nilang mga anak.

"Mga hayop kayo! Tangina!" Galit na galit na sigaw ni Jared.

"Magbabayad kayo! Mga hayop!" Sigaw naman ni Ethan.

"Hindi namin palalagpasin to! Makukulong kayo!" Sigaw naman ni Cody.

"Mga walang puso!" Sigaw naman ni Bryan.

"Mabubulok kayo sa kulungan at sa Impyerno. Tandaan nio yan." Madiing sabi naman ni Cyrus. Tinawan lang sila ng mga ito.

"Pagulungin ang mga batang iyan papunta sa kanila." Mala demonyong sabi ni Zander. Pinagulong naman ng mga lalake ang mga walang malay na katawan nila Winter.

"Mason!" Sigaw naman ni Maico ng makita ang kakambal niya. Pupuntahan na sana niya ito ng hawakan siya ng lalake.

Pilit namang pumupunta sila Zam kaila Mason. Pero nakagapos sila at hawak ng mga lalake ang taling nakatali sakanila. Para silang mga asong gustong puntahan ang mga tuta nila.

"Mason.. Gising." Umiiyak na sabi ni Zam.

"Winter. Baby.." Sabi naman ni Aley habang pilit pading pinupuntahan si Winter.

"Tabachingching ko.." Umiiyak na sabi ni Zerrhea habang tinitignan si Bryle.

"Christoff!" Nagwawalang sabi ni Carmeah.

Habang nananahimik sa isang tabi si Yumi at paulit ulit na binabanggit ang pangalan ni Misty sa kanyang utak habang umiiyak.

"Aw. What a sight! Okay lets move out!" Malakas na sabi ni Alexander.

Walang pagiingat namang binuhat ng mga lalake ang walang malay na kawan nila Christoff at nilagay sa isang Van.

Sumunod naman na sila Zam na isinakay sa isang truck kasama si Maico.

Nagtungo na sila papuntang Makati. Sa Old Warehouse ng mga Par.

Teen Moms(Completed)Where stories live. Discover now