Chapter 14 Sharing and Denial

Start from the beginning
                                    

“Huwag mo ngang hawakan yan at hindi ako namumula inaasar mo lang naman ako”pinalo niya ang kamay.

“Ang bigat ng kamay mo,kahit kitang kita ko ,denial ka talaga may muta ka pa nga yon oh”sabay turo niya sa may mata.

“huh nasan !”agad niyang kinapa ang dalawang mata at pinahiran ang magkabilang gilid.

“Showmoy ang dali mo talagang utuin”isang malakas na tawa mula kay alec.

Napatingin si Jai kay alec at nanlilisik ang mga mata.

“Ikaw kanina ka pa ,nakakarami kana sa akin yahhh” napikon na talaga si jai.

“yong ilong mo ba’t umuusok”pahabol pa nito bago tumakbo dahil hinabol siya ni jai.

Hanggang sa nagkulitan ang dalawa ,tawanan at takbuhan.

Ang hindi nila alam may matang nakatingin sa kanila at halata sa mukha na hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya.

Kasabay ng pagdating ng mga kasama ni Alec.

“Yves,mamaya na natin sabihin kay boss ang nalaman natin ,ngayon ko lang kasi nakitang tumawa ulit si boss ng ganyan  mula nung break up nila ni kim”sabi ni Tom.

“Tama ka Tom ,hayaan na muna natin siya mukhang nakakita na ng kaligayahan si boss sa piling ni Ms. Jai”paglingon nila para umalis.

Nakita nila sa isang pasilyo si kim na nakatingin sa gawi nila alec at mukhang  hindi niya gusto ang nakikita.

“Si Ms.kim”sabi ni tom.

Nakita nilang akmang lalapit si kim sa dalawa kaya hinarang nila ito.

“Ms.Kim saan kayo pupunta hayaan niyo na sila”pagsita ni Yves.

Napatingin ito sa kanila ng matalim.

“Bakit ! Sa kanila ba itong daanan ,masama bang dumaan ako dito  dahil nakaharang sila,sila ba ang may ari ng school.Pupunta lang ako ng canteen may masama ba doon,baka kung ano pang iniisip niyo”pagtataray ni kim.

Nang akmang lalakad uli si kim.

“Ano ba alis!”pabulyaw niya sa dalawa humarang parin kasi sila.

“Huwag kayong humarang sa daraanan namin kung ayaw niyo ng gulo”humarang din ang dalawang kasama ni kim.

“Pasensya na pero ka bilin-bilinan ng boss namin di kami nakikipag away ng wala sa lugar nasa school tayo.Gusto ko lang naman sabihin na hindi ito ang daanan papuntang canteen sa kabilang lobby ,ito kasing daanang to papuntang library” mahinahong paliwanang ni Yves.

“Alam ko ! Hindi naman talaga kami diyan dadaan ,halina kayo boys”agad siyang umikot at nagpatiuna sa paglakad.

Nawala sa isipan niya dahil sa mga nakikita at emotion kaya tuloy nagkamali.

“Yves,parang may something ano sa tingin mo”nakatanaw sa kanila habang papalayo.

“Sa tingin ko meron may amoy na unti unti ng lumalabas at ano mang oras maari itong pumutok”matalinghagang salita ni Yves.

“Amoy at putok ,ano yon putok sa kili-kili”pabiro ni Tom.

"Gangster + Playboy = Under ni GF? [Completed]Where stories live. Discover now