Special Chapter 4: Ang tatlong itlog

Start from the beginning
                                    

Napa-ngiti ako.“Sige! Ayos yan.” Natawa ako kasi naalala ko nung una naming  nakita si Treb. “Alala niyo pa ba nung una natin nakita si Treb?” Natatawang tanong ko.

Natawa rin sila.“Oo naman! Hahaha.”

 

“Di ba ganito yun…”

 

“Pag tayo nahuli! Nakooo. Si Kurt talaga sisisihin ko.” Kinakabahan na sabi ko sa kanila.

 

“Hoy Garcia! Tumahimik ka nga! Ingay ingay mo eh, alam mo naman na nagtatago tayo di ba?” Sagot naman ni Kurt habang naka-silip sa labas.

 

“Isa ka rin kaya Kurt. Nasigaw ka rin naman ah. Ano, may teacher pa ba?” Sabi namanni Dee.

 

“Bwiset naman kasi eh, bakit ba kasi ang hirap ng Geom? Ayan tuloy, kelangan pa nating mag cutting. Tss.”Si Lex.

 

“SSH! Nasa labas si Ma’am Jung, tahimik.” Sabi ni Kurt sabay yuko. Naka-silip nga kasi siya sa labas kanina di ba?Si Ma’am Jung nga pala yung Prefect-of-Discipline ng school.

 

“Ba’t ba kasi sa lahat ng pwede pagtaguan dito pa tayo sa H.E room? Eh alam niyo namang walang dingding dito.” Reklamo ko. Isang malaking whiteboard, mga upuan,maliit na cabinet,  isang table, at apat na poste na pang-support sa bubong lang ang meron dito sa H.E room. Di na kelangan ng electric fan kasi mahangin naman dito. Sa ilalim ng table namin napili magtago kasi malaki yung table.

 

“Wag ka ngang mareklamo! Eh wala nang iba eh. Alangan namang sa C.R tayo? Walang thrill! Tss.” Sagot ni Kurt.

 

“Ssh! Wag nga kayong maingay, may naririnig akong footsteps.” Mahinang sabi ni Dee kaya nanahimik naman kami.

 

Huta! Meron nga. Tinignan ko yung mga kasama ko at halata na kinakabahan rin sila. Palakas ng palakas yung yabag ng mga paa kaya ibig sabihin papalapit sa amin yung kung sino man yung lumalakad.

 

“OY! Galaw galaw din.” Malakas na sabi nung lalake na bigla na lang sumulpot sa harap namin. Umupo rin siya para di na namin kelangan tumingala.

 

“Taena mo!” Sigaw ni Lex sa sobrang gulat siguro. Pati rin naman ako, nagulat eh.

 

Natawa lang naman yung lalake. “Nagkacutting kayo ‘no?” Tanong niya.

 

“Tanga ka ba?!Aba malamang, mukha ba kaming naglalunch? Wag mo nga kaming kausapin, baka mahuli kami.” Naiinis na sagot ni Kurt.

Ako si Mia.Where stories live. Discover now