11: Lunch

14.4K 238 37
                                    

~Travis~ 

"Mia, nahihiya ako eh. Di ko kaya." Sabi ko sa kanya.

"Nahihiya ka? May hiya ka pala?" Pang-aasar niya, nanlaki pa ang mata niya at naka-nganga pa.

"Tol, kaya mo yan! Magkaibigan naman na kayo ni Lia di ba? Di ka na mahihirapan niyan." Masiglang sabi ni Ren sabay tapik niya sa balikat ko.

"Tss. Puros Lia. Dali na nga Dee, upo na lang tayo." Narinig naming sabi ni Kurt.

Tinignan namin siya ng masama pero ginantihan niya lang kami ng belat tsaka niya hinila si Dee at umupo sila dun sa bakanteng table. Napa-iling na lang kami sa pagkaisip bata ni Kurt.

"Oh, dali na Tang, pumunta ka na dun sa table nila Lia para matapos na tayo dito. Pag di ka pa pumunta dun, bahala ka na sa buhay mo." Sabi sa akin ni Mia na nakapameywang at nakataas ang isang kilay.

"Eto na, lalakad na oh. Tsk. Ge, wish me luck!" Paalam ko sa kanila at nagsimula na ako maglakad papunta sa table nila Lia.

Napansin ni Lia na palapit ako sa table nila kaya kumaway ako, ngumiti naman siya pabalik. 


"Li, pwede ba akong sumabay maglunch?" Tanong ko nung nakalapit na ako.


Ngumiti si Lia, "Oo naman," Tumingin siya sa mga kasama niya, "Okay lang naman di ba girls?" Tanong niya sa kanila.


Tumango lang naman sila bilang sagot kaya umupo na ako.


"Bili na tayong food." Sabi niya sa mga kasama niya. "Treb, bibili muna kami ha? Okay lang ba sayo kung maiwan ka muna dito?" Nakangiti niyang tanong.


"Oo naman, saka na lang ako bibili pagkatapos niyo." Nakangiting sagot ko.


Ngumiti ulit siya saka umalis. Tumingin ako kela Renzo, ngumiti sila sa akin kaya kumaway na ako. Kumaya din sila pabalik.

Magiging masayang lunch 'to.

~Mia~

Nakita ko na okay na sila Tang at Lia dun kaya aalis na ako. Lalabas na sana ako ng food court pero bigla akong kinalabit ni Kurt.

"Oh?" Naiiritang tanong ko.

"Kinalabit ka lang nairita ka kaagad. Meron ka ba?" Balik niyang tanong.

Binigyan ko siya ng sarkastikong ngiti, "Eh kung ibalibag kaya kita? Game ka?" Tsaka ko siya pinandilatan ng mata.

"Joke lang! Eto, seryoso masyado." Napairap ako sa sinabi niya. "Sabay ka na sa amin maglunch." Sabi niya.

"Oo nga Mi." Dagdag ni Dee.

Tumango-tango si Lex, "The more, the merrier!" Dagdag niya.

Hinila ni Ren yung isang upuan, "Dito ka na oh, alam naman namin na ayaw mo kami katabi." Natatawa niyang sabi.

Ako si Mia.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon