Ako si Mia.

96.5K 588 67
                                    

Ako si Mia. Hinding-hindi ako magiging si Lia.

Sino si Lia? Siya ang kambal ko.

Pero kahit na kambal kami, malaki ang pinagkaibahan namin sa isa't-isa.

Mabait siya, kabaligtaran ako.

Maganda siya, MAS naman ako.

Matalino siya, MAS na naman ako.

Maraming may gusto sa kanya, marami namang may ayaw sa akin.

Paborito siya ng lahat, ayaw naman sa akin ng lahat.

Kilala siya ng marami kasi malapit na siya sa pagiging perpekto, kilala naman ako ng marami dahil ang layo-layo ko sa pagiging perpekto.

Sabi ko naman sa inyo di ba? Kambal nga kami, pero ang laki ng pinagkaibahan namin. 

Ako si Mia, siya si Lia. Magkaiba ang Mia sa Lia.

Pero may isang lalake na pinagkamalan akong si Lia. Muntanga nga eh! Pagpilitan daw ba? 

Tch. Nang dahil sa katangahan niya, gumulo ang buhay ko. Ay mali, MAS gumulo pala ang buhay ko.

Nang dahil sa katangahan niya, nasaktan ako...

Dahil sa nagmahal ako.

Ako si Mia, at gaya nga ng sabi ko kanina, hinding-hindi ako magiging si Lia.

Ako si Mia.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon