35: The Choice

11.4K 294 90
                                    

Hi guys! 3rd person's point of view 'tong chapter na 'to. Pagpasensyahan niyo na kung medyo magulo ha? XD

---------------------------------------------------------------------------

Kanina pa naghihintay ang kambal sa swing. Ang usapan nila 4:30 pero dahil excited si Lia, 4:00 pa lang andun na sila. 

“Matagal pa ba sila? Tsaka ba't ba tayo andito?” Tanong ni Mia sa kambal niya. Tss. Kung di lang ako pinilit ni Tito, di naman ako sasama dito eh. Sabi ni Mia sa isip niya.

“Maghintay ka na lang. Dadating din yung mga yun.” Sagot ni Lia.

Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay, dumating na rin ang kanina pa nila hinihintay. 

“Tol, ba't parang may iba?” Halos pabulong na tanong ni Dee kay Ren.

“Ewan nga tol eh. Pero parang may iba talaga eh.” Sagot naman ni Ren.

Siniko ni Dee si Kurt. ”Tol, ramdam mo rin ba? Yung parang may iba?” Tanong ni Dee kay Kurt.

“Oo tol, ramdam na ramdam pero di ko alam kung ano yun.” Sagot naman ni Kurt.

“Tol, sa tingin ko yung kambal yung iba eh.” Sabi ni Lex dun sa tatlo.

“Ha? Yung kambal?” Sabay na tanong ni Dee at Ren.

Tinignan ni Lex ng maigi yung kambal pero agad din siya umiwas ng tingin nung tinaasan siya ng kilay ng isa sa kambal. ”Ay di tol. Impossible pala yung iniisip ko. Haha.”

“Bakit? Ano ba yun?” Tanong ni Kurt.

“Kala ko kasi nagpanggap si Mia na si Lia tapos si Lia nagpanggap na maging si Mia pero impossible naman yun, di ba mga paps? Ilang beses kaya inuulit-ulit ni Mia yung linya niyang ”Ako si Mia. Hinding-hindi ako magiging si Lia.”. Tsaka di naman ako tinataasan ng isang kilay ni Lia eh, si Mia lang. Kaya impossible.” Paliwanag ni Lex.

“Impossible? Di ri

“Oy, ano na? Magbubulungan na lang ba kayo diyan o lalapitan natin sila?” Putol ni Treb sa sasabihin sana ni Kurt.

“Kelangan pa ba namin sumama sayo? Wag na! Ikaw na lang lumapit sa kanila. Dito na lang kami. Sige na.” Sagot ni Dee.

Bago pa man makasagot si Travis tinulak na siya ni Ren.

“Hi Treb!” Bati ng isa sa kambal sa kanya.

Tumaas yung kilay ni Treb. Ba't parang iba si Lia? Sabi ni Treb sa isip niya.

“Oh, bakit Treb? What's wrong?” 

“Ah... Wala naman LIA. Wala talaga.” Sagot niya.

“Okay! So, alam mo na yung pinagusapan natin kahapon. Go, make your choice.”

Tumango lang si Travis. TInignan niya si Mia. Kelan pa 'to umupo ng naka-cross legs? Eh sa pagkakaalam ko, ayaw na ayaw nito magcross legs. Sabi ulit ni Travis sa isip niya. Tinignan niya si Lia. Oh, naka-Vans ata 'to ngayon? Eh di ba palaging naka-sandals 'to? Ani Travis sa isip niya.

“Treb! Ano na? We're waiting!” Inip na sabi ni Lia.

“Kelan ka pa naging mainipin, Li?” Tanong ni Treb. ”At ikaw Mi, tahimik mo yata?” Tanong ni Travis kay Mia.

Di sumagot si Mia at umirap na lang. Tinaasan lang siya ng kilay ni Li at binigyan ng pumili-ka-na look.

Bumuntong hininga si Treb at dahan-dahang lumapit sa kambal.

“Ano bang nangyayare? Anong pili pili?! Ang gulo.” Komento ni Mia. Sinamaan siya ng tingin ni Lia kaya tumahimik na lang siya.

Dahan-dahang nilapitan ni Travis si Lia. ”Ikaw ang pinipili ko.” 

Nagulat ang kambal sa sinabi ni Travis.

  

“Tanggalin mo na yang bangs mo.”

“H-ha?” Nagugulohang tanong ni Lia.

Biglang lumapit si Travis kay Lia at tinanggal ang fake bangs nito. ”Ikaw ang pinipili ko Mi. Galing mo um-acting. Tss.” Bulong ni Travis.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Mia at mahinang tinulak ang mukha ni Travis. ”Tangna! Pano mo nalaman?!” Gulat na tanong niya habang nakatingin dun sa fake bangs na hawak-hawak na ngayon ni Travis. Napangiti si Lia sa nangyayare at dahan-dahang umalis palayo sa dalawa.

Ngumiti si Travis at nilapit ang mukha niya kay Mia...

“Syempre, ikaw ang tinitibok nitong puso ko eh.” 

--------------------------------------------------------------------------------------

Tada! Hoo. Alam ko, magulo. Pero sana naman nagets niyo. XD Sa mga hindi po nakagets, nagpanggap po si Mia na siya si Lia, at si Lia naman nagpanggap bilang si Mia. Gets na po? :) So yeah, eto na ang last chapter. May epilogue and special chapters pa, don't worry. ;) Di ko pa po alam kung kelan ko mapopost ang epilogue + author's note, so pakihintay na lang guys. Thanks! :* Ah! Thank you pala kay Lyka Gallar kasi tinulungan niya ako sa chapter na 'to. ^o^

Yun lang! 'Til then. Labsyou. ♥ xx

Ako si Mia.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon