16: Happy Birthday!

13.7K 251 51
                                    

~Travis~

 

September 24, 20**

 

"Tol, samahan niyo ako sa mall mamaya ha. May bibilhin lang ako." Sabi ko sa kanila. Andito na naman sila sa bahay, at syempre dahil may hiya sila, dito na rin sila nagbreakfast. Shy-type sila 'no? Tss.

"Eh kung all expense paid naman, bakit hinde?" Kurt.

Binatukan ko siya, "Grabe naman tol! Hiyang-hiya naman ako sayo, dito ka na nga kumakain tapos magpapalibre ka pa. Nakanaman brader! Hiyang-hiya na ako. Langya." Sarkastiko kong pahayag.

"Aba dapat lang na mahiya ka! Gwapo kong 'to? Huh!" Kurt, sabay nagpogi pose pa.

Pinitik naman ni Ren yung noo ni Kurt, "Gago. Ako lang ang gwapo sa barkadang 'to!" 

"Asa kaOy! May nag text." Di ko na tinuloy yung pang-aasar ko kay Ren kasi bigla nag vibrate cellphone ko.

From: Lia ng buhay ko ♥ (Syempre may ganyan effect. Inggit kayo? Ok lang yan)

Hi guys! Good morning. May handa mamaya sa bahay, punta kayo ha? Konteng salo-salo lang naman, mga 6 pm siguro. So yeah, yun lang. Bye! =)

Nagkatinginan kaming lima, ngayon ko lang din napansin na hawak-hawak nila mga cellphone nila.

"Tinext din kayo?" Tanong ni Dee. Tumango naman kami.

"Muntik ko na makalimutan yun ah." Sabi ni Lex, "Tol, kaya ka ba magpapasama kasi bibili ka ng regalo para kay Lia?" Tanong niya.

"Oo, di ko kasi alam kung ano ibibigay ko eh." 

"Bakit sa amin ka magpapatulong? Di ba kay Mia dapat?" Tanong ni Ren.

"Asa namang samahan ako nun. Kayo na lang muna tumulong sa akin, ngayon lang naman eh." 

"Oo na. Para makabili rin kami ng regalo." Dee.

"Oy, sino bibilhan niyo ng regalo?" Tanong ni Ate Yars na bigla-bigla na lang sumulpot.

Pabaklang umirap si Kurt, "Walang iba kundi ang birthday girl. Duh." Maarte niyang sagot at sumubo. Natawa naman kami, bagay eh.

Tumaas yung isang kilay ni Ate Yars, "Aayusin mo yang sagot mo o hinde?" Tanong niya at pinandilatan siya ng mata.

"Paulit-ulit Ate Yars? Sabing yung birthday girl nga!" Sagot naman ni Kurt.

"Sino ba kase yang birthday girl na yan!?"

Ako si Mia.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon