9: Banat

16.1K 278 93
                                    

~Travis~

 

"Ah tol! May naisip ako!" Nakangiting sabi ni Kurt.

"Ano? Dali, sabi pa naman ni Mia dapat ramihan ko daw." Sagot ko naman.

Andito kami ngayon ng tropa ko sa kwarto. Kagagaling lang namin sa school, pinatambay ko muna sila dito kasi kailangan ko tulong nila.

"Bangin ka ba?" Tanong ni Kurt, tinaas-baba niya yung dalawa niyang kilay habang nakangiti.

"Baket?" Tanong naman pabalik nila Lex, Ren, at Dee. Nagpabakla pa ang mga gago.

"Kasi—"

"Tsk. Wag na yan! Laos na yan." Pagputol ko sa sasabihin ni Kurt.

"NA NAMAN?! Lam mo ikaw tol, kanina ka pa ha! Pag banat ko laos, pag banat nila Dee ayos. May problema ka ba sa akin dre? Umayos ka." Pagrereklamo ni Kurt.

Natawa ako sa inasta niya, "HAHAHAHA! Laos naman kasi talaga mga banat mo eh! Halos lahat ata ng sinabi mo kinuha mo lang dun sa kanta 'Mahal kita kasi'Corny mo!" Sagot ko sa kanya.

Natawa na rin sila Deon, "Oo nga Kurt! Di ka gumaya sa amin, ayos mga banat namin. Di ba paps?" Tapos nakipagapir pa sa akin si Deon.

"Ganyan naman kayo lagi eh! Ako na lang palagi pinagtutulongan niyo. Di niyo ba alam na ang sakit sakit na? Pero iniinda ko yung sakit kasi mahal ko kayo. Pero sobra na eh, masyado na akong nasasaktan." Pagdradrama ni Kurt, tinabunan pa niya yung mukha niya para kunware umiiyak siya.

Natahimik kami sandali nila Alex...

"GAGO!" "BADING!" "SAANG MOVIE MO YAN NAKUHA?" "NAKAKASUKA KA!" 

Sigaw namin nila Dee, Ren, at Lex kay Kurt pagkatapos binugbog namin. Harsh ba? Hindi, lambing nga namin eh.

Suntok dito. Sapak doon. Sipa dito. Sampal doon.

"ARAY! Tama na! Aray! Masakit. Tengene! ARAAAY! TAMA NA! AAYOS NA AKO PROMISE! ARAY!" Sigaw ni Kurt.

Tumigil na kami, lahat kami hinihingal. Hahahaha! Saya.

"Langya kayo. Ang swesweet niyo. Tae, kinikilig ako." Sarkastikong pahayag ni Kurt.

"Ano? Gusto mo Round 2? Sabihin mo lang." Sabi naman sa kanya ni Alex na nakataas ang isang kamao.

"Tigilan niyo na nga ako! Mga langya kayo." Sagot naman ni Kurt at humiga sa kama. "Ano 'to?" Umupo siya ulit at may kinuha na papel sa kama. "Paborito ni Lia ang Adventure Time, ayaw niya ng sinigang, pabor—"

Ako si Mia.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon