Chapter 8 - The Sevilla Clan

4.1K 122 11
                                    

Chapter 8 – The Sevilla Clan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 8 – The Sevilla Clan

The first week of my second trimester was so... how would I put it into words? So maarte? Oo, ang arte-arte ko. Moody, madaling mairita, at madaling magutom. Halata na rin ang baby bump ko kaya nagsi-civilian na ako sa work. Nasanay na rin ang mga tao na lagi kong kasama si Duncan. Hindi ko nga alam kung nagagampanan ko pa ng maayos ang trabaho ko kasi madalas ay nasa office ako ni Aina dahil gusto niyang kausap ako lagi.

Napag-usapan naman namin ni Duncan na within this month gawin ang kasal. Ang sabi ko nga kahit simple lang kasi nakakahiya na kung maglalakad ako sa altar na malaki na ang tiyan. Balak na rin naming bisitahin ang family ko at ipaalam sa kanila ang kalagayan ko. Nako-konsensya na nga ako kasi hindi ko sa kanila sinasabi ang totoo.

"Na sabi na ba sa'yo ni Kuya?" excited na bungad sa akin ni Aina habang nilalagay ko sa menu rack ang menu books.

"Na ano?"

"Gusto niyang mag half day ka lang kasi sasamahan kitang bumili ng susuotin mo para mamaya," she said then giggled.

"May damit naman ako, eh," nakakunot noo kong sabi.

"Nah uh. Alam mo bang hindi lahat ng Sevilla family ay mababait? Pangunahan na kita, future sister-in-law, may mga spoiled bitch akong mga pinsan na pinalaki ng mga matapobre kong uncles and aunties. So believe me when I say na kailangan mo ng magandang damit. Don't worry, ako na ang bahala sa'yo," nakangiti niya pang sabi.

And yes. I will be meeting the entire Sevilla Clan mamayang gabi. Ia-announce na rin kasi ni Duncan ang pagpapakasal namin. Gaganapin ang party sa Sevilla mansion kung saan lumaki si Duncan at Aina. Kinakabahan na nga ako, eh. Paano kung hindi nila ako magustuhan? Though wala naman akong pakialam do'n kasi boto naman sa akin ang parents ni Duncan at Aina.

Natatakot din ako kasi alam kong itong kasinungalingan na binuo namin ni Duncan ay maaring mabulgar anytime. Kaya kailangan talaga naming mag-ingat. Kung ako lang ang masusunod ay gusto kong sa close family lang ni Duncan ang makakaalam. Sevilla family is one of the powerful family in the city at hindi na ako magtataka kung malalaman nang lahat na ikakasal na ang magmamana ng Sevilla empire.

At ang kinatatakot ko ng sobra? Kapag nakaabot ang balita kay Wallace. Alam kong wala na siya sa Pilipinas pero may pakpak ang balita.

True to his words ay pinag-half day nga ako ni Duncan kasama si Aina. We went to a boutique and bought a maternal dress. It was a simple off shoulder white dress below the knee. Hindi gaanong halata ang tiyan ko dahil sa layered ruffles sa front ng damit.

Sa mansion ng parent nila ako nagbihis at nag-ayos. On the way pa lang si Duncan at paparating pa lang ang mga bisita. I simply tied my hair at my nape and put a light lipstick on my lip. Pinilit kong ngumiti sa harapan ng salamin. I can do this.

No you can't. Ka-buntis mong tao magsisinungaling kayo sa harap ng pamilya ng boss mo? Panenermun ng kabila kong utak.

Technically ay hindi naman talaga iyon pagsisinungaling. Parang kagaya lang iyon sa mga nababasa kong story sa libro. Papanagutan ng lalaki ang babae kahit hindi siya ang ama kasi mahal niya ang babae.

Crossroads: Between You and MeWhere stories live. Discover now