Chapter 7 - Three in One

4.1K 136 6
                                    

Chapter 7 – Three in One

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 7 – Three in One

Pareho kaming napatulala ni Duncan dahil sa sinabi ni Doctora. Pakiramdam ko ay nahilo pa ako dahil sa sinabi niya.

"Triplet?" I said out of breath.

"That's wonderful," masayang sabi ni Duncan at tiningnan ko siya. His eyes are gleaming at ngayon ko lang siya nakitang nakangiti ng ganyan. He's not the real father pero ang reaction niya ay napaka priceless.

Naramdaman kong para akong maiiyak. Kung sana ay ganyan din ang reaction no'n ni Ace.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Duncan at ngumiti naman ako.

"Masaya lang ako," sabi ko which is true naman.

"Natural reaction lang 'yan sa mga first time na maging mother. You also have to understand her mood dahil sa kanyang second trimester and last trimester ay magkakaroon siya ng mood swings. Kasama na do'n 'yong mabilis sumama ang loob at umiiyak kahit masaya. Pregnant woman are very sensitive, Duncan," sabi ni Doctora.

"I can deal with it. I will give her everything she craves for," sabi niya tapos tumingin sa akin.

After ng check-up ay pumunta kaming mall. Dahil 12 weeks na ang tiyan ko ay medyo halata na ang umbok. Laging nakaalalay sa akin si Duncan sa likod ko.

"Gutom ka na ba?" tanong niya at nahihiyang tumango naman ako. Sa totoo lang pakiramdam ko ay oras-oras akong nagugutom. "Saan mo ba gustong kumain?" tanong niya pa.

"Gusto kong kumain ng glazed fried chicken," sabi ko at napahinto naman siya.

"Let's go," hinila niya ako at sumunod lang ako. Nagtaka pa ako kasi lumabas kaming mall.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa Sevilla's,"

"Ha?"

"Sa main," napalunok lang ako dahil sa sinabi niya. Pupunta kami sa hotel and restaurant nila. Eh, nandoon ang mga parents niya, eh. Besides, twenty minutes drive pa 'yon.

"Okay lang naman kung sa mall na lang. Kahit anong pagkain, okay lang sa akin," sabi ko pa pero umiling lang siya.

"I told you. I will give everything you crave for," sabi nito at natahimik lamang ako

Kung sana ay narinig ko rin ang katagang 'yon kay Ace. If only he was man enough to fight for me and our baby. At ngayon, ang taong kinatatakutan ko noon, ang boss ko, ay ang ang gumawa ng responsibilidad na tinakasan niya.

Nagulat na lamang ako dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako. I was so grateful with my boss at hindi ko mapigilang maging emotional dahil binibigyan niya ako ng ganitong importansya. Alam kong ginagawa niya lamang 'to para hindi mawala sa kanya ang mana niya pero natutuwa ako. Hindi naman siguro masamang papaniwalain ang sarili ko na ginagawa niya talaga 'to kasi concern siya, 'di ba?

Crossroads: Between You and MeWhere stories live. Discover now