Chapter 4 - Cravings

3.9K 137 5
                                    


Chapter 4 – Cravings

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 4 – Cravings

I was four weeks pregnant. Sinamahan ako ni bess kahapon sa isang clinic. Binigyan din ako ng vitamins na iinumin ko. Alam na rin ng mga katrabaho ko na buntis ako pero hindi ko sa kanila sinasabi kung sino ang ama. Not in a million years. I won't give him the previledge to be recognized as the father of my child.

"Nagpabuntis ka ba kasi gusto mo lang ay anak? May mga nabasa akong book na gano'n. Sila 'yong anak lang ang habol at hindi asawa," sabi ni Cheeky kaya nginitian ko lang siya.

"May pinaglilihian ka na ba?" tanong ni Winnie. Waitress dito na may anak na.

"Hindi ko pa alam, eh. Pero gusto ko nang cheese lagi," sabi ko.

"Lagi kang uminom ng tubig para kapag nanganak ka ay hindi ka mahirapan,"

"Alam mo sa probinsya namin ang daming pamahiin tungkol sa mga buntis. Bawal daw kainin ang pagkain ng buntis kasi nakakaantok? Totoo kaya 'yon?" sabi ni Cheeky.

"Totoo 'yan. Mahahawa ka sa pagiging antukin ng buntis," sabi ni Winnie.

"Lagi nga akong inaantok, eh. Ang hirap ding bumangon sa umaga. Gusto ko ngang magpa change ng shift kaso bawal naman akong magpagabi. Lowblood daw kasi ako, eh,"

Natutuwa ako kasi tinanggap ng mga katrabaho ko ang kalagayan ko. They did not judge me. Hindi man ako sinuwerte kay Ace, suwerte naman ako sa mga kaibigan.

Hapon na at konting oras na lang ay mag-a-out na ako. Nagtaka naman ako kasi tinawag ako ni Chef. Wala kasing diner kapag ganitong oras kaya walang ginagawa ang mga tao.

"Balita ko cheese daw ang pinaglilihaan mo?" bulong nito at tumango naman ako.

"Bibigyan niyo ba ako, chef?" natatawang biro ko.

"Sshh. Halika," hinila niya ako papunta sa walk-in refrigerator at pinahintay niya ako ako sa labas. Mga kitchen staff lang kasi ang puwedeng pumasok sa pantry at walk-in refrigerator. Paglabas ni chef ay may dala siyang kalahating cheddar cheese na kasing laki ng kamao ko. Nakabalot siya sa wax paper at ang sarap niyang amoy-amoyin.

"Salamat po!" natutuwa kong sabi.

"Kung kailangan mo pa magsabi ka lang sa akin. Sekreto lang natin 'yan, ah?" nakangiti niyang sabi at agad naman akong tumango.

Pumunta ako sa employees lounge at kinain ang cheddar cheese. Ah! Ang sarap talaga.

***

It was my day off at nanatili lang ako sa bahay. Dahil wala akong alam sa pagbubuntis ay maghapon akong nagbabad sa internet para magresearch. Nanuod din ako ng mga nanganganak sa youtube. May nabasa rin akong article na mas maganda raw kung yo-yoga ang buntis kasama ang asawa. Nakakalungkot kasi wala ako no'n.

Tuon na tuon ako sa binabasa ko nang makarinig ako ng sigawan sa labas ng apartment. Sumilip ako sa bintana at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko si Lian na may hawak na walis tingting at nakaduro 'yon kay Ace.

Crossroads: Between You and MeWhere stories live. Discover now