Chapter 2 - The Two Red Lines

4.5K 136 1
                                    


Chapter 2 – The Two Red Lines

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

Chapter 2 – The Two Red Lines

Isang linggo nang nag-o-office ang boss namin dito sa restaurant and unfortunately lagi siyang nakabantay sa counter. Ito tuloy si Cheeky laging nagkakamali dahil nara-rattle sa presence ni Sir. Hindi ko alam kung natatakot lang siya rito o natataranta kasi may guwapong lalaki na laging nakabantay sa kanya.

Dahil walang gaanong diners kapag umaga ay madalas nakatayo lang ako sa may waiter station. Halos lahat kami nakatayo lang. Na hindi naman namin ginagawa dahil kapag walang diners, madalas ay maingay kami at nagbibiruan.

Pupunta sana ako sa staff's CR nang biglang may pumasok na diners. At hindi lang basta-basta diners kasi family sila ni Sir Duncan. Si Sir naman ay agad na lumapit sa kanila.

"Mom, Dad. What are you doing here?" I heard him say. Iba talaga kapag nagsasalita siya. Iyong tipong matatahimik ka na lang at gusto mong pakinggang lang ang boses niya.

"We're here to dine, of course!" sabi naman ni Mrs. Sevilla. Madalas ko siyang makita rito kapag binibisita niya si Ma'am Aina.

"Where's your sister, Magnus?" seryosong sabi ni Mr. Sevilla. Sa tingin ko sa kanya nakuha ni Sir Duncan ang pagiging seryoso. Magkapareho rin ang features ng mukha nila pati ng tangkad.

"Nasa itaas," tipid lang na sabi ni Sir.

Kung titingnan si Sir Duncan, well, he's not bad naman for my taste. Though hindi ko talaga type ang mga lalaking alagang gym. Matangkad din si Sir pero halatang nag-gi-gym. Lagi rin siyang naka suit and tie. Laging naka brush up ang buhok niya kaya mas lalong intimidating.

Sinenyasan naman ni Sir ang waiter na pa-orderin ang parents niya. Ako na ang lumapit dahil syempre, VIP treatment dapat ang may-ari.

"May I take your order, Mr. and Mrs. Sevilla?" I said politely. Nag-angat naman sa akin si Mrs. Sevilla ng tingin at ngumiti ng matamis. Si Mr. Sevilla naman ay seryosong nakatingin sa menu book.

"Oh, you have a lovely waitress here, Duncan," nakatinging sabi ni Mrs. Sevilla at bigla akong pinamulahan.

"She's the head waitress, Mom," sabi naman ni Sir at binigyan ako ng apologetic smile ni Mrs. Sevilla.

"Oh, I'm sorry, hija. I should have known. Iba pala ang uniform mo,"

"Okay lang po," sabi ko lang.

"I'll take the usual," biglang sabi ni Mr. Sevilla. And by the word usual, ibig sabihin ay 'yong favorite niyang fillet mignon.

"Honey, you have to cut your meat in take," saway sa kanya ni Mrs. Sevilla. "I'll take the baked scallops with stir fried asparagus,"

"Okay po. One fillet mignon and a bake scallops with stir fried asparagus," nakangiti kong sabi habang sinusulat ang order. "How about your dessert, Ma'am?"

Crossroads: Between You and Meजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें