Chapter 1 - The Forgotten Pill

6.6K 170 8
                                    

Chapter 1 – The Forgotten Pill

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 1 – The Forgotten Pill


"Follow up for table five!" rinig kong sigaw ng food checker slash my bestfriend.

"Chef, okay na ba 'to?" sabi naman ng sous-chef namin habang pinapatikim ang marinara sauce.

"Na saan na 'yong baked Salmon? Kanina pa sa table ten!" sigaw ng isa pang food checker habang tumitingin sa order slip.

"Kuya Ron, paki-map naman po 'tong sahig, oh. Madudulas ang dadaan dito," sabi naman ng pastry chef namin.

"Order ng table five, okay na!"

"May additional order ang tale three! Tapos 'yong dessert ng table seven papalitan daw ng Mocha Lava cake!"

Napabuntong hininga ako habang naririnig ko ang mga katrabaho ko na magsigawan. May fifteen minutes break ako kaya napagmamasdan ko sila ngayon dito sa labas ng kitchen. Maingay talaga kapag sa restaurant ka nagta-trabaho. Dapat masanay ka sa mga sigawan. Mabuti nga at morning shift ako ngayon, eh. 'Yong mga closing shift kasi madalas magmurahan dahil mas maraming tao kapag gabi.

Head waitress ako rito at tatlong taon na rin naman akong nagtatrabaho dito. This was my first job after I graduated. Ang balak ko ay dalawang taon pa para makapag abroad na ako.

Lumabas naman ang bestfriend ko at tinanggal niya ang kanyang hairnet at apron saka huminga rin ng malalim.

"Mabuti ka pa, fresh na fresh. Samantalang ako, nagmukha nang dugyot! Nakakainis kapag nasa kitchen!" pagrereklamo niya kaya napangiti lang ako.

Isang food checker si Lian sa kichen. Sila 'yong taga assemble ng pagkain at taga check ng mga order sa kada table. Mahirap din 'yong trabaho kasi sa kanila ang sisi kapag nagkamali ng bigay ang waiter sa pagbigay ng orders. Kami namang mga waitress ay kailangan presentable lagi. Last year lang ako na-promote bilang head waitress kasi umalis na 'yong si Ate Rina at ako ang ini-rekomenda niya.

"Mag snack ka na. May turon do'n sa kanto. 'Di ba, paborito mo 'yon?" sabi ko sakanya pero ngumiwi lang siya.

"Busog na busog po ako, Moira. Sa amoy pa lang ng mga pagkain na ina-assemble ko, nabubusog na ako."

"Sabagay. Anong oras pala ang out mo? May pupuntahan kami ni Ace after ng shift ko. Baka late na akong umuwi," sabi ko lang sa kanya. Hindi naman nakaligtas sa akin ang pag-irap niya.

Lian don't like Wallace. At since sa iisang apartment lang kami nakatira ni Lian ay lagi kong ipinapaalam sa kanya ang mga lakad namin para hindi niya na ako hintayin.

"Kailan kaya kayo maghihiwalay?" sabi nitong pabiro at sinamaan ko siya ng tingin.

"Mahal namin ang isa't-isa, Li. Bakit ba hindi ka na lang maging masaya para sa akin?" nagtatampo kong sabi.

"Masaya ako para sa'yo kasi masaya ka kay Walis. Huwag ka lang talagang sasaktan ng tingting na 'yon at ipapa gang rape ko talaga siya sa mga bakla!" sabi niya kaya natawa ako.

Crossroads: Between You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon