Mga ilang minuto lang ay napagdisisyonan naming umupo sa veranda.

Rinig na rinig namin yung ingay nila sa loob.

Kung papakinggan mo, parang ang perfect ng mga pamilya namin. Pero hindi.

Si Alexa wala na yung papa nya, plane crash ata. Pero bawing bawi naman sya kay tita kasi sobrang alaga sakanya.

Si Loisa ayun rin... Hindi kasal ang mga magulang nya, at may anak pa si tito sa labas.

Si Ylona buo nga, may tensyon naman sa pagitan ng papa at ng kuya nya. Nasabi ko nabang hindi rin sumasama si tito Jack sa mga get together?

Kung hindi...

Ayan na sabi ko na.

At syempre ako... Bata palang ako ng mamatay ang papa ko ng dahil sa cancer. Kaya hindi nakapagtatakang mama's girl ako.

Okay back to reality.

"Onti nalang talaga... Naku! Papasok nako!" Kinakamot pa ni Ylona yung noo nya.

"Hay! Ang tagaaaaal!" Sigaw naman ni Alexa.

Hindi nyo kami masisise. Nakaka stress kayang maghintay.

"Oh girls? What are you doing here?" Agad naman kaming napatayo nina Ylona sabay ng bati namin kay tita Jackie. "Sino bang hinihintay nyo?"

"Uhm..." Nagkatinginan pa kami na tila bang nagtuturuan.

Ngayon lang kasi namin nakita si tita na light ang mood since you know.

Okay ang conyo ko -,-

"Mga kaibigan po namin." Ngiti ni Alexa.

Tumungo tungo naman si tita at nagpaalam ng pumasok.

Ng makapasok na sya ay agad naman kaming umupo.

"Ang light ni tita ngayon a? Anong kayang nakain nya?" Nagsitawanan kami dahil sa sinabi ko.

Maya maya may naririnig kaming sumisigaw.

"Raikko! Come to kuya Hiro!" Habol ni kuya Aki kay Raikko na pababa na papunta sa garden.

(AN: sorry po dahil minsan na eexchange ko yung spelling ng Raikko. Eto po ang tama [Raikko] hindi [Rhykko] peace!)

Matagal ng nawala yung bali ni kuya Aki na dahilan ng mas ikinagulo nilang dalawa.

"Catch me first, kuya Hiro!" Pinagmamasdan lang namin sila ng may marinig kaming kaluskos sa gate.

"Ano ba, Bailey! Ang likot mo. Mamaya magalit pa yung mga magulang nila Janella!" Nagkatinginan kami ng marealize namin na si Marlo yon.

"Ako pa ngayon? Si Joshua yun no!"

"Aba ng damay ka pa a! Eto sa 'yo!"

"Ouch!" Pinipilit kong hindi matawa kasi obvious naman na nakatanggap ng batok si Bailey.

"Tumigil nga kayo! Kumatok ka na Joshua."

"Aba Nash! Hindi mo kong pwedeng utos utusan no!"

Tumayo ako ng dahan dahan para makalapit sa gate. Sumunod rin sina Alexa sa likod.

"Sinong mas gwapo satin?" Narinig naming tanong ni Nash.

"Who else?! Ako syempre! Aray! Nakaka rami kana Joshua ha!"

Taking Risk [ON MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now