8 ~ Sir Boss Mayor

228K 6.1K 481
                                    


CHAPTER EIGHT

"ANO ba naman 'yan sir boss mayor." Reklamo nya kay Aeon ng pumasok ito sa opisina nito na may putik ang suot na sapatos. Kasalukyan nya kasing pinagtitripan gamitin ang vacuum do'n at naglilinis-linisan sya. "Saan bukid ka ba galing bakit puro putik 'yang sapatos mo?"

"Malakas ang ulan sa labas."

"Talaga?" Lumapit sya sa bintana at hinawi ang kurtina doon. "Ay, oo nga. Its raining men hallelujah! Its raining men, hey!" Sumayaw-sayaw pa sya hindi alintana na nandyan pala ang binata.

"Crazy." He murmured.

Pabagsak syang umupo sa sofa dahil feeling nya pagod na pagod sya samantalang wala naman talaga syang ginagawa talaga kundi sumayaw-sayaw sa office ni Aeon kapag sya lang mag-isa. Inabot nya ang cellphone sa katabing lamiseta and read Austin's text messages.

**
The time is running my dear Xarra I can't wait to be your husband.

**
I already talked to your father and he agreed about our wedding next year.

**
Take your time and keep ignoring me Xarra mapapasakin ka din naman in the end. And oh before I forgot I already bought you a wedding ring and I booked a flight to Greece for our honeymoon.

**
I am watching you Xarra don't do something stupid, I warned you. Stay away from Aeon Stewart.

Mabilis na ibinalik nya ang cellphone sa lamesa ng lumabas si Aeon mula sa banyo ng nakatapis lang ng puting towel habang nagpupunas ng basang buhok gamit ang isa pang white towel. Napayuko sya ng maglakad ito palapit sa kanya.

Bakit kasi nang-aakit ang lalaking ito? Hindi nya ito kayang matagalan titigan lalo at naka topless ito tapos mukhang wala din itong suot pang-ilalim dahil nakaumbok ang bahaging iyon ng katawan ng binata. Nakaka pang-init!

"Huwag mo ngang ibalandra 'yang pandesal mo sa harap ko sir boss mayor."

"I am not, sisilip lang ako sa labas." Iyon nga lumapit ito sa bintana at sumilip din doon. "Masyadong malakas ang ulan baka hindi ka makauwi."

"Magpapasundo ako kay Celine."

"Wala ka ba talagang sasakyan?"

"Binenta ko na." She lied. Nagpapaawa lang sya kay Aeon. "Bibigyan mo ako? Ang daming nakaparadang sasakyan sa baba."

"Hindi ipinamimigay 'yon Xarra."

"Pwede utang?"

"Hindi." Sagot nito at tinalikuran na sya habang ang kamay nya ay nakaangat na animo gustong hawakan ang sexy back nito kaya lang lumingon ito bigla at hindi maipinta ang mukha ng tignan sya pati ang kamay nya. "What are you doing?"

"Ha?" Nataranta sya kaya nag-isip agad sya ng dahilan at tumayo. Naglakad sya na parang zombie. "Ginagaya ko lang 'yung napanood ko kanina sir boss mayor." And smile widely at him.

Tuluyan na itong pumasok sa nag-iisang silid do'n na never pa syang nakapasok. Naka locked kasi 'yon at si Aeon lang ang pwedeng pumasok.

Pasado alas nuebe na ng gabi pero wala pa din humpay ang bagsak ng ulan. Kinatok nya ang silid ng binata kaya lang mukhang tulog ito kaya ang ginawa nya ay nagluto na lang sya ng makakain nila.

"Celine? Napatawag ka?" Nakaipit sa tenga at balikat nya ang cellphone habang naghihiwa ng karne.

"Check ko lang kung nakauwi ka na my friend masyadong malakas ang ulan."

"Hindi pa nandito pa ako sa office ni Aeon."

"Umuwi ka na Xarra baka may mangyari sa inyo malamig pa naman ang panahon."

RACE 2: Baby Maker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon