Project Mischief 29 | Shit And Pranks

1.6K 51 3
                                    



Divide and Conquer

.29

Third Person's Point Of View

Hindi pa rin pumapasok magpasa-hanggang ngayon si Hilary.

Pilit niyang inaalala kung paano ang struktura ng buong paaralan.

Dito siya nag-aral ng kanyang elementarya.

Di pa nagtagal ay dumating na ang mga kasamahan niyang sina Ria, ang pinsan niyang si Edward, si Hale, at ang magkasintahang sina Yuki at Nate.

Ngayong kumpleto na kami, mas mapapadali ang lahat.

Sabi ni Hilary sa kanyang isipan.

"Pwedeng paki-paliwanag kung ano ang nangyayari rito?"

Naguguluhang tanong ng head-slash-president ng club na Hidden Chronicles na si Hale Seyfreid Alberts.

"This school is invaded."

Simpleng sagot ni Hilary. Saka napatinging muli sa loob ng school. May dalawang itim na starex van ang makikita mong nakaparada sa loob.

Maluwang ang school na ito kumpara sa iba dahil mayaman ang may-ari nito.

"What do you mean invaded?" Sabat ni Ria.

"May mga taong armado ang hinostage ang mga bata pati ang mga guro sa loob nitong eskwelahan."

"Nate, can you hack those CCTV cameras from here?"

Tanong ni Hilary kay Nate kahit na alam naman nitong magagawa niya ng tama at pulido iyon.

"Sure, no problem." Sagot ni Nate sa kanya.

White Ravens Institute is a highly secluded place.

Bawat sulok nito ay may makikita kang CCTV.

May mga censors din na na-e-enable tuwing gabi.

"Bakit hindi natin tawagan ang mga pulis?" Suggestion ni Edward sa grupo.

"No!" Sabay na pag-sigaw ni Hilary at ni Hale.

"Hindi ganon kadaling tumawag ng pulis Edward. Maraming buhay ang nakasalalay jan. Hindi naman sa sinasabi ko na kapag sila ang magsasagawa ng operasyon ay mapapahamak sila. But we need to do this first. We need to divide and conquer as we execute the plan." Hilary.

"Pero bakit kailangang eskwelahan pa ang kailangan nilang i-invade?"

Nagugulahang tanong ni Yuki.

"It's all about revenge, but I know na once na makapasok tayo jan sa loob malalaman natin ang totoo. I don't think this is just plain revenge, there is much deeper explanation about this."

Mahabang litanya ni Hilary.

"So whats' the plan?"

Determinadong tanong ni Hale kaya naman lahat sila ay napatingin sa kanya at kay Hilary.

May gumuhit na nakakalokong ngiti mula sa labi ni Hilary.

Nakakatakot ito.

Parang hindi si Hilary ang nasa harap nila ngayon.

Ibinaling ni Hilary ang kanyang tingin kay Edward.

"We'll do a little bit of shit."

Sabi nito at napakunot naman ang noo nila, pero bago pa sila makapag reklamo ay nagsalitang muli si Hilary.

"When I say shit what I mean is those simple 'pranks' made by the most expert of all."

---------------

Sorry na short update haha.

Project Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon