Project Mischief 22 | The Noise

2K 58 3
                                    



Hi-hi!

Nae-excite ako! My god! Kailangan ko talaga ng pera ngayong bakasyon! Gustong-gustong-gusto kong gumala! Pero pinagkakaitan talaga ako e. Haha.

So here's chapter 22!

Stay with me 'til the end.

*

Project Mischief 22 | The Noise

*

Ria's Point Of View

I am currently on the school library with Hilary, Edward, and Nate kasi bukas na ang periodical test namin! Grabe! Hindi ko alam kung nasaan si Yuki basta ang alam ko, si Hale nasa office ng Hidden Chronicles. Malamang sa alamang ay tulog na naman yun. Wala naman yun pakielam sa grades niya. Palagi kasing mataas.

Tinignan ko yung dalawang kasama kong mag-review. Si Hilary nakaub-ob ang ulo sa table hindi na naman siguro ito natulog ng maayos. Haist.

A month had passed and we've gotten really close. Not just me and Hilary pero lahat kami sa club namin. Palagi kaming nagha-hangout minsan sa bahay nila Hilary, minsan kila Edward, sa bahay, at biruin niyo yun! For all the years na kakilala ko si Hale is saka lang ako nakapunta sa bahay nila noong sinabi ni Hilary.

Ganito kasi yan.

Flashback

"Okay? So kaninong bahay tayo ngayon?" Tanong ni Yuki habang bitbit bitbit niya ang paper bag na galing sa Max's. Yun ang magiging dinner namin for the night.

"A! Alam ko na. Kina Hale na lang tayo!" Sabi bigla ni Hilary. Nagkatinginan naman kaming lahat saka napatingin kay Hale na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatingin kay Hilary.

"In my house? No. A big no." Pag-angal niya.

"Whatever. Hale! Doon tayo. Nakapagpaalam na ako kay Tita Dri."

"What the!! You know my mom?" Gulat na tanong ni Hale. What the actual fuck? Bakit magkakilala si Hilary at ang mama ni Hale? Oh my god! Don't tell me ipina-arrange marriage silang dalawa?

"Yuck!" Sabay nilang sabi habang nakatingin sa akin. Nakakunot naman ang noo ko dahil doon.

"Babe, It's 2016 there is no things as such." Sabi naman ni Edward at ipinulupot ang braso sa beywang ko.

"I said it out loud again." I said dismissively.

"So let's go to the Alberts' house!" Sigaw naman ni Yuki.

"Do you really have to say that?" Tanong naman ni Nate gamit pa rin ang Voice Machine niya. Kailan kaya namin maririnig ang boses nito?

"Basag trip ka talaga, babe!" Sabi ni Yuki at nanlaki naman ang mata.

What the hell? Babe? Sila ba?

"Kayo ba?" Tanong naman agad ng nakangangang si Edward sa dalawa na namumula. For sure pinagpapawisan na ng malamig yang si Yuki.

Ganun kasi siya lalo na kapag kinakabahan.

At hayun nga umamin sila na matagal ng sila ni Nate. My gosh isang Yuki Gonzalo ang naa-in love sa isang Nathaniel Martinez.

I can't believe this.

We ended up having dinner at Hale's house.

End of flashback

Ang gwapo ng kapatid ni Hale! Gusto kong ilagay sa bag ko kaso hindi kasya. Hanggang ngayon nanggigigil pa rin ako sa kanya. Pero hindi lang ako dahil si Hilary din. Halos nga hindi na niya hiniwalayan kapatid ni Hale e. Pansin ko nga na laging nakalukot mukha ni Hale noong nagpunta kami sa bahay nila kasi si Hilary nakatutok lang sa kapatid niya.

Project Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon