Project Mischief 9 | Scream Of Death

2.5K 76 7
                                    



Hello.

Dalawang update sana i-p-post ko ngayon pero hindi na umabot!

Agh! Sayang.

-.-

Sleepover kami ngayon pero kaharap ko cellphone haha lucky kayo a (;

Enjoy the chapter :/


Yuki's Point Of View

Maaga akong pumasok sa school. Mga 7:00 na yata. Yep. Para sa akin maaga yun. Walang basagan ng trip. Magkaiba tayo ng mga oras.

Pagdating ko sa club room ay nakita kong nandoon na yung tatlo at ang bagong member. Halos magkasabay lang din kaming pumasok ni Nathaniel.

Pinakilala kami ni Ria doon sa babae na Hilary Cervantes pala ang pangalan. Huh? Bakit kaya magka-apelyido sila ni Agent Cervantes? Aish. Baka magka apelyido lang sila. Besides it is such a small world after all.

Silang dalawa ni Ria ang nag-uusap at kasalukuyang b-ni-brief ni Ria si Hilary about sa mga rules dito sa club.

Nakita ko naman ang reaksyon niya. Nakakunot ang noo niya at punong puno ng pagtataka ang mukha niya.

Ganoon na ganoon din ang reaksyon ko noong ako ang ganyanin ni Edward.

Sa aming lima ang taylong boys ang mas naunang bumuo ng club na ito. At that time, hindi pa rin namin alam kung ano nga ba ang dadatnan namin sa club na ito once na makapasa kami sa test na ibibigay nila.

Natigilan kami sa mga kanya-kanya naming ginagawa nang biglang may tanungin siya.

"What organization am I in?"

"Ah-uhm." Naghe-hesitate pa si Ria kung sasabihin niya ba o hindi. Tumingin siya kay Hale na parang humihingi ng permiso.

Sa tanong niyang iyon ang sagot ay ang pinakatago-tago pang sikreto ng club na ito.

Dahil hindi ito basta bastang club, isa itong organisasyon na bahagi ng mas malaki pang organisasyong pumupuksa ng mga masasamang tao sa likod ng mga nangyayaring krimen dito sa bayan ng Herlucke at kung kailangan sa kabilang mga bayan din.

Paniguradong magugulat si Hilary kung malalaman niya.

"We don't have to tell her, we just have to show her." Sabi naman ni Hale.

Malamig ang boses niya. Nasanay na ako sa ganyan. He is the Ice king after all. Kung si Edward ice prince, suya naman ang ice king.

"Yeah. Okay." Sabi na lang ni Ria.

I looked at my watch and see that its almost nine o'clock and gutom na ako.
:/

Hilary's Point Of View

"We don't have to tell her, we just have to show her." Sabi ni Hale. Ikalawang beses ko pa lang siyang narinig na mag-dalita ngayong araw at hindi pa ako nasasanay sa ganyang tono sa tuwing nagsasalita siya.

Project Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon