Project Mischief 3 | Feast With Poison

3.3K 98 23
                                    



Hilary's Point Of View

Pagkarating nung tatlo ay pinagtatanong namin ang whereabouts nila nang mangyari ang krimen. Ang mga alibi nila ang mismong magtuturo sa kung sino nga ba ang may pakana ng krimeng ito.

"Ms. Alonso. Nasaan ka ng mga alas nuwebe hanggang alas diyes ng gabi?" Panimulang tanong ko sa isa sa mga kaibigan ng biktima.

"Nasa bar kami malapit sa Train Station. The Vortex." 

"Mayroon bang makapagpapatunay ng alibi mo na ito?"

"Meron, iyong mga kasama kong nagpunta roon. Iyong mga ka-block mate ko. Pero nagkahiwa-hiwalay rin kami at nagkanya-kanya. Saka nalang kami nagkita nang dumating na ang iba pa." Sagot nito.

"May mga loopholes pa rin ang alibi mo kaya hindi ka namin alisin sa listahan ng possible supects regarding this crime." sabi ko rito.

"Sinubukan naming kontakin si Hera kahit pa sinabi na niyang hindi siya makakapunta. Pero nang hindi naman siya sumasagot sa mga tawag namin sa kanya ay hinayaan nalang namin." Sabi nito.

"Nang hindi niyo ba siya makontak, nagtaka ba kayo kung bakit?" May pagdududa sa tono ng boses ko. Dahil dapat nang mga oras pa lang na iyon nagtaka na sila kung bakit hindi sinasagot ng kaibigan niya ang tawag.

Dapat pumasok na sa isip niya that maybe something bad had happened to her friend. Sometimes I wish that most people have enhance instincts to prevent things like this to happen.

"Hindi kami nagtaka dahil everytime na tinatawagan namin siya sa hindi niya ito nasasagot dahil may pinupuntahan siya. Kaya hindi namin maiisip na may masamang mangyayari sa kanya that time." Sagot nito. I'm still not satisfied with her reasoning.

"Pero nang mga oras na iyon alam mong nandito lang sa bahay niya si Miss Hera? Tama ba?" Tanong ko ulit kay Jana.

"Oo. P-pero..." Pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Ang sabi mo kapag may pinupuntahan lang niya hindi sinasagot ang tawag niyo. Pero kasasabi mo lang na alam mong nasa bahay siya nang tinawagan mo ito para papuntahin sa gimik niyo. Hindi ba ay sapat na dahilan na iyon para paghinalaan mong mayroong masamang mangyari sa kanya?" Sabi ko rito and I can feel her anger rising. 

"What are you implying? Pinagbibintangan mo ba ako?" Sigaw nito sa akin. 

"Ikaw ang nagsabi niyan at hindi ako. And let me clarify something before I asked Miss Kayla. Lahat kayo ay suspect dito kaya natural lang tanungin namin kayo. And you will answer those questions without hesitations if you are hiding nothing." Sabi ko at hindi niya sumagot.

Ibinaling ko na lang ang tingin ko kay Kayla.

"Ikaw Kayla. Ano ang alibi mo?" Diretsang tanong ko rito.

"Pagkatapos kong bisitahin si Hera dito kasama si Jana. Dumeretso ako sa school dahil may binalik akong mg chemicals dahil may ginawa akong experiment sa bahay. At umuwi na ako sa amin." Sabi nito. Chemicals?

Oo nga pala. Isa siyang teacher major in science na student.

"Sabay ba kayong nagpunta sa unit ni Hera?" Tanong ko rito.

"Hindi. Sinundo ako ni Jana sa apartment ko naghintay siya roon hanggang sa matapos kong maligo at hinintay niya rin akong ayusin ang mga chemicals na ginamit ko para sa group experiment namin ng mga kaklase ko. Medyo natagalan ang pagaayos ko dahil nakakalat ang mga yun sa lamesa ng tanggapan ng mga bisita." Pag-e explain niya sa akin.

Project Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon