Project Mischief 23 | Oh, Yes. Mother.

1.9K 63 4
                                    



Hello pips!

_______

Project Mischief 23: the engagement

_______

Hilary's Point Of View

Nandito na ako ngayon sa bahay at pati si Hale nandito. Pinag-stay muna siya ni Papa. Malay ko ba naman kasing close sila neto. Mas close na nga yata silang dalawa e.

Hello! Ako ang anak dito.

Sinundo niya kasi ako kaninang umaga. Ewan ko ba anong nakain non. Tapos nung tumanggi ako kasi dadalhin ko yung kotse ko e nagpumilit siya kaya in the end iniwan niya yung kotse niya sa bahay tapos yung sasakyan ko yung ginamit namin papuntang school.

Siguradong may ihahanda na namang pranks yung mga pugitang fans ni Hale. Yep pugita. E bakit! Aish. Basta.

"Goodevening Philippines, Goodevening World!" Sigaw ni Kuya pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay kasama niya si Ate Macey na ngayon ay natatawa kay kuya. Walang hiya. Ano ba naman kasing nakain nito.

"O anong nakain mo at abot hanggang dulo ng Helheim ang ngiti mo?" Takang tanong ni Papa na natutuwa kay kuya. No wonder. Mag-ama po talaga sila.

"Uy Hale! Bro." Bati ni Kuya kay Hale at nakipag-fist bump kay Hale.

"Kayo na ba ng little sister ko?" Tanong niya na naging dahilan para masamid ako ng sarili kong laway.

Kumuha ako ng throw pillow at tinapon sa kanya sapul naman siya sa mukha. Agent ba ito? Bagal ng reflexes.

"Gago." I mouthed to him kasi hindi ako pwedeng mag-mura sa harapan ni Dad. Because I'm a good girl. I'm a very very good good girl.

"Chillax lil sis. I'm just goofing around." Sabi niya habang mataas pa rin ang energy si ate Macey naman natatawa na lang sa pinaggagagawa namin pati si papa at si asungot (Hale).

"Ano bang nakain mo at ang hyper hyper mo? Kuya. Magsabi ka nga ng totoo. Naka-high ka no?" Ako yan. Asa naman akong magsalita si papa ng ganyan.

"CHRISTIAN ANGELO EVANS CERVANTES NAG-D-DRUGS KA BA?!" Si papa.

"Pa! Hindi a! Ayokong mamatay ng maaga no. Anyways, may good news ako sa inyo..." Sabi niya. Tangina pa-suspense pa ay.

"Ano?!" Bagot na tanong ko. Ang tagal e.

"Hindi ko na girlfriend si Macey." Sabi niya. Pamura nga saglit guys pwede? Yung malutong. Putangina.

"What?! Break na kayo?! Lumayas ka rito ngayon din!" Sigaw ko sa kanya, walang hiya siya! Hindi yata pwede iyon!

"At sinong ipapalit mo sa kanya? Yung babaeng mukhang hipon? Ay naku mag-bakla ka na lang." Sabi ko pa.

Natawa naman silang lahat at napa-face palm si kuya.

"Hindi ko na siya girlfriend! At hindi ko siya ipagpapalit sa isang babaeng hipon! At hindi din ako magla-ladlad. Fianćee ko na siya. With a baby on the way." Kalmadong sabi niya and I was out of words to say.

"So kailan ang announcement ng engagement niyo?" Tanong ni papa.

"Diba malapit na ang birthday mo Hilary? Dun na lang kaya?" Suggestion ni papa.

"W-wait wait lang pa. You mean magpa-pa-party ka sa birthday ko?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Yes. What's the problem? At saka mayroon din tayong dapat i-celebrate, dahil babalik na ang mama niyo." Sabi niya.

And by that time he mentioned the mama thing I knew my face became emotionless.

"Una na po kami, may pupuntahan pa kasi kami ni Hale e." Sabi ko sabay hila sa kamay ni Hale na nagpatianod lang sa paglalakad.

Dinala ako ng mga paa ko parke ng subdivision namin. Hindi naman ito madilim at eksakto lang ang ilaw. Hindi ko alam kung bakit hinila ko si Hale dito ang alam ko lang ay gusto kong iwasan ang topic patungkol kay mama.

Wala siya almost half of my life tapos sasabihin sa akin ni papa na babalik na siya? Ano yun? Nagbakasyon ng 6 years? Tangina niloloko na yata nila ako e.

Umupo naman ako sa may swing at naramdaman kong umupo sin sa tabi ko si Hale.

Naaalala ko tuloy ang mga pangyayari noon.

Flashback

"Ma! Anong oras ba tayo pupunta sa park? Nag-hihintay na po yung mga playmates ko doon." Reklamo ng 8 years old na ako sa nanay niyang kasalukuyang hinihintay niya sa sala nila.

"Saglit lang anak. You're that excited? Kakabihis mo pa lang naman a. Itong baby ko talaga." Sabi niya sabay lapit sa akin at pinaulanan ng halik ang buong mukha ko.

"Mama naman e. I'm not a baby anymore, I'm a big girl now. I'm eight years old and I'm witty." Sabi ko.

"Okay, fine. Fine. Whatever you say, let's go na." Sabi niya at iginaya na ako para maglakad papunta sa park. Hindi naman kasi malayo masyado itong park sa bahay, in fact mas mas gusto kong maglakad para naman ma-enjoy ko.

Sa mall:

"Mama, I want to be a princess." Bigla kong sabi kay mama. Kaya naman napatingin siya sa akin. I was 7 that time I think.

"But you are our princess." Sabi ni mama at hinaplos ang buhok ko. Kasama namin that time si Kuya, 15 years old pa lang siya that time at siya ang tagabitbit namin ni mama ng mga pinamili namin.

"I know, but I want a prince charming. Gusto ko, yung gwapo at mabait." Sabi ko sa kanila.

"Hep. Hep." Singit naman ni Kuya.

"Hooray?" Pilyang sabi ko. When I was that age sobrang bibo ko. No wonder laging sumasakit ang ulo sa akin ni mama at papa. Pati na rin si Kuya kasi siya palagi ang pinag-disiskitahan ko.

"Bawal pa yan." Sabi niya naman sa akin. Napatawa naman kami tatlo at naglakad na ulit.

End of flashback

Ilan lang iyon sa mga memories ko kasama ang nanay ko.

"Are you okay?" Tanong naman ni Hale kaya napatingin ako sa kanya at tumango saka ko ibinaling sa ibang direksyon ang aking paningin.

"Bakit mo ako sinama dito?" Bigla niyang tanong, I don't know what to say because hindi ko din alam kung bakit ko nga ba siya sinama dito.

"I... I need a protector. Just in case you know..." Sabi ko.

"Very funny Hilary." Sarcastic niyang sabi.

"Hmmp. Very funny, very funny Hilary ka pa diyan. Namumula ka nga." Buling ko pero alam kong narinig niya dahil mas lalo siyang namula.

Tumingin siya sa relo niya.

"Gabi na Hilary. Hatid na kita sa inyo." Alok niya.

"Talagang ihahatid mo ako. Kukunin mo pa kotse mo sa bahay." I said and rolled my eyes at him he just chuckled and we started walking back to my house.

Sinong mag-aakala na ang isang Hale Seyfreid Alberts na binansagan nilang Ice King dahil sa pagiging cold ng pakikitungo niya sa ibang tao ay may tinatago din palang kabaitan. He is fun too.

Somehow gumaan ang loob ko even though hindi naman kami masyadong nag-usap. Ang mahalaga. Alam kong nandun siya. His presence just simply covered it.

Kuntento na ako sa presensya niya.

Habang naglalakad naman kami ay di ko naiwasang mapansin ang isang bulto ng tao sa isang poste di kalayuan sa amin. At alam kong sa mga oras na iyon ay sa amin talaga siya nakatingin pero hindi ako nagpahalata na tinitignan ko siya.

Mahangin ngayong gabi kaya kitang-kita ang pagtangay ng hangin sa mahaba niyang buhok.

Sino siya? Minamanmanan niya ba kami?

Project Mischief Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon