Pero ngayon bumabalik na naman 'yung hiya sa katawan ko, nilalagyan ko ng harang 'yung kama namin ng mahabang unan at pagmagbibihis ako dinadala ko sa CR ang damit ko at hindi ako nagbibihis sa kwarto kahit sabihin mo pang tulog siya or may ginagawa.

Hiwalay din ang mga damit naming dalawa sa isa't isa at hindi kami syadong clingy. Siguro hanggang sandal lang ako at yakap pero halik? Oh my gad hindi ko pa kaya sa ngayon.

Minsan nga iniisip ko baka na aasar na sa'kin 'tong asawa ko eh, pero asawa nga ba ang maituturing ko sa kaniya?

Sa totoo lang natatakot din ako, natatakot ako na dahil wala na ang anak ko ay kunin na siya ng iba sa'kin. Wala na siyang responsibilidad sa'kin at malaya na siyang maghanap ng ibang babae.

Hindi kami kasal at walang papel na katunayan na nakatali siya sa'kin kaya natatakot ako na baka kunin siya ng iba o sumama siya sa iba.

Napatahimik ako at na itigil ang pagkukusot.
"Uy tulala ka na naman." pitik niya sa noo ko at tumingin ako sa kaniya saka nagbuntong hininga.

"Dandan," tinaas niya 'yung kilay niya at tinulungan ako magkusot.

"Malaya ka na hindi ba?" Kumunot ang noo niya at tinignan ako ng nagtataka.

"Kailan pa ko na kulong?" Ah tama kailan nga ba siya na tali sa'kin?

"Sabagay hahaha," napayuko na lang ako at tinuloy ang paglalaba.

"Oy ano nga 'yon?" hindi na ko umimik at naglaba na.

"Oy Runo ano nga 'yon? Isa!" napatingin ako sa kaniya at mukhang badtrip siya. Kinabahan naman ako.

"Ah kasi hmm, iniisip ko kung." tinitigan niya lang ako at inintay ang sasabihin ko.

"Iniisip ko lang kung ayaw mo na sa'kin at maghahanap ka na ng iba!" Daredaretsyo kong sabi sa kaniya at binigyan niya ko ng bored na expression niya.

Ngayon ko na lang ulit ito na kita ah.

"Gusto mo malaman?" tumango ako.

"'Yung totoo gusto ko na umalis dito at bumalik sa happy go lucky kong buhay pero alam mo," tumingin siya sa'kin ng seryoso at ngumiti.

"Hindi ko kaya, gusto ko mang babae kasi actually ang tagal ko ng walang s—alam mo na," nanlaki ang mata ko at kinurot siya.

"Aray! Tang*na Runo sakit." sumimangot ako.

"Totoo iyon lalaki ako intindihin mo, pero pinipigilan ko! Kasi kahit naman subukan ko humanap ng iba hindi ko maramdaman na nag e-enjoy ako." napatingin ako sa kaniya, medyo na mumula na ata ako sa pinagsasabi ng mokong na ito.

"Talaga?" Tanong ko sa kaniya at tumango siya.

"Alam mo ba, addict ako sa sex dati. Pero na walan ako ng gana sa mga babae nang makilala kita." napayuko ako dahil sa hiya, so hindi na pala siya virgin dati pa? Jusco baka may AIDS siya, teka nagkaka AIDS ba ang bampira?

"Ba't ganiyan mukha mo? Sorry ka bampira kami hindi kami nagkakaganun so safe ka wag ka mag-alala haha isa pa ipapangako ko sayo hindi na ko makakahanap ng tulad mo." ngumisi siya at lumapit sa mukha ko.

"Kaya ba't pa kita papakawalan?" Tinakpan ko 'yung mukha niya ng kamay ko na puro bula dahil sa sobrang hiya.

"Ano ba Runo! Achoo­—" nabahing siya sa sabon sa mukha niya at agad-agad na naghilamos sa gripo.

"Pwede kung kikiligin ka wag mong idamay ang pogi kong mukha?" Napangiti na lang ako sa kaniya.

"Thank you Dandan," ngumiti ako sa kaniya at na huli ko siya naman ang na mula.

"Tsk! dalian na na'tin," sabi niya at hindi na tumingin sa'kin habang naglalaba.

Mga tanghali na kami nakatapos at kumain saka nagpahinga, ako ang nagluto kaya tuwang tuwa siya.

Kahit simpleng ulam lang iyon masaya na siya, sayang wala si Rain dito sana kung na ipanganak ko siya at lumaki siya sana kasama namin siya kumain sa lamesa na ito.

"Runo na iisip mo na naman ba si Dillan?" Tumango ako at ngumiti.

"Hayaan mo sure naman ako binabantayan niya tayo at syempre ang magiging mga kapatid niya." napatingin ako sa dalawang bakanteng bangko sa harap ko.

Mapupuno kaya namin ng anak 'yon? Gusto ko ang sumunod kay Rain babae naman tapos 'yung bunso lalaki ulit. Sa tamang panahon mabubuo kaya namin 'yung pangarap naming pamilya?

"Dan anong gusto mong kasunod ni Rain?" Inosente kong tanong sa kaniya kaso ngumisi ngisi siya.

"Gusto ko babae naman, ano tara gawa na tayo?" Sinimangutan ko siya.

"Bwisit ka." sumeryoso siya at tumayo sa upuan niya kaya nagulat ako.

"Bakit mag 8 months na rin no, pwede na na'tin siyang sundan," kumain na lang ako ng kumain at hindi na siya pinansin ng biglang may kumatok sa pinto.

"Ako na," sabi ni Dan at tumayo saka pinagbuksan ng pinto 'yung nakatok.

Kumain lang ako ng kumain nang marinig ko si Dan na parang may kaaway sa labas, sino naman kaya 'yung tao sa pinto bakit mukhang galit na galit ang tono ng boses ni Danrious.

"Dan ano ba—" di ko pa natatapos ang sasabihin ko na statwa na ko, andun sa pinto si Sir Danilo kasama ang mga body guards niya.

"Di niyo man lang ba ko pa papasukin sa bahay niyo?" Tinapik ko ang balikat ni Dan at pinapasok si Sir danilo.

"Pasok po kayo," daredaretsyo siyang pumasok sa loob at hindi na sumunod ang mga guards na kasama niya.

Nilibot niya ang tingin niya buong bahay namin saka ngumiti.
"So dito pala kayo nagbabahay-bahayan ng babae mo?" Nakita ko ang galit sa mata ni Dan at ang pagpula nito.

"Parang buong CR lang ito ng isang kwarto sa mansion," dagdag pa nito at naghanap sana ng mauupuan pero wala siyang mahanap na sofa.

"Danrious hindi ka pa ba nakakabili ng sofa?" lumabas na ang pangil ni Dandan kaya hinawakan ko na ang kamay niya at nagsalita.

"Kung lalaitin niyo lang po ang bahay namin makakaalis na po kayo." ngumiti siya sa'kin at tumawa.

"Hahaha wag ka naman ganiyan hija, andito ako para bawiin ang anak ko." sabi niya sa'kin at biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Anong bawiin? pagtapos mo kong palayasin at ilayo sa'kin ang mga kapatid ko? Babawiin mo ko?" Sabi ni Danrious na galit na galit.

"Oo ginawa ko iyon para magising ka sa kahibangan mo, tignan mo ang sarili mo ngayon para kang daga sa sobrang hirap," nanginginig nasa galit si Danrious kaya mahigpit ko siyang hinawakan.

"Wag kang papadala sa galit mo," bulong ko sa kaniya at medyo huminahon siya.

"Alam mo anak, wala ka nang dapat ipag-alala, wala ka na namang responsibilidad dito kaya maari ka nang bumalik sa mansion, let's have a deal okay Danrious? Bumalik ka sa mansion at magmana ng yaman ko kung iiwan mo ang babae na ito, dont worry bibigyan ko siya ng sarling bahay at negosyo niya para naman mabuhay siya mag-isa." nanginginig ang buong katawan ni Danrious sa galit sa kaniyang ama na pawang tuwang tuwa napaglaruan ang damdamin niya.

"Or will you stay in here, and every day of your life will become hell?" Tanong niya ulit kay Danrious, hindi siya makasagot sa tanong ng ama at na kayuko lang habang mahigpit ang pagkakayukom ng kamao niya.

"Plus papahirapan kita at hindi lang ikaw pati siya." napaangat ang ulo niya sa galit pero hindi siya makagalaw.

Nakatitig lang siya sa ama niya at mamaya ay bigla siyang huminahon, tumingin siya sa'kin na parang patay ang ekspresyon at biglang binitawan ang kanina ay mahigpit niyang kapit sa kamay ko.

Nanlambot ako sa ginawa niya at napaupo, anong ibig sabihin nito? Iiwan niya ba ko? Sa sang-ayon ba siya sa gusto ng ama niya?

Teka pano na 'yung sinabi niya sa'kin kanina na hindi niya ko iiwan? Akala ko ba hindi niya ko papakawalan? Bakit bigla na lang ganito?

Nakatitiglang ako sa likod niya na mabilis na lumayo sa'kin at pumunta sa ama niya.




TO BE CONTINUED 

Vampire's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon