CHAPTER 14

57.6K 1.8K 142
                                    

Dedicated to: Ashley_mo10

KAELYNN's POV

❦❦❦

Anong gagawin ko? Bakit sila matutulog sa kwarto ko at ang mas nakakatakot pa dito ay kasama si Sir Daryl!

Actually hindi pala nakakatakot eh, nakakatense na kasi naman sa isang kwarto kami matutulog, oo alam kong kasama 'yung kambal pero kasi parang itsyepwera lang silang dalawa pag and'yan na si Sir Daryl. Jusko! Hindi pwede ito kailangan kong kumampante.

"Okay ayos na," sabi ni Daniel na tinutulungan akong mag-ayos ng hihigaan nila.

"Salamat sa pagtulong." at nginitian ko siya, nagblush siya at bigla akong niyakap.

"Aww Kaelynn ang cute-cute mo talaga tatabihan na lang kita matulog hahaha,"

*BLAG*

Biglang hinitak ni Danrious ang kakambal at na hulog ito sa kama.

"Tayong tatlo ang magtatabi, nakita mo 'yung unan hindi ba? Tatlo." bwisit na bwisit na sabi ni Danrious at pinagsasasakal ang kakambal.

Natatawa na lang ako kung pano sila maglambingan eh.

"Kaelynn." biglang bumilis ang tibok ng puso ko, boses niya pa lang iyon nagbibigay kakaibang sensation na sa utak ko.

"Po?" Kinampante ko maigi ang sarili ko kahit gusto ko nang tumili sa kilig.

"Goodnight," Jusco! Ang sexy nagpagkakasabi niya parang inaakit ako kaso hindi pwede! Runo Kaelynn maghulistili kang babae ka.

Huminga ako nang malalim at ngumiti rin sa kaniya.

"Goodnight po Sir," at pinatay ko na ang ilaw, pero mga ilang minuto ko pa lang pinipikit ang mga mata ko ay na rinig kong bumangon si Daniel.

"Hindi talaga ako makatulog," sabi niya na hinihimas ang likod niya.

"Masakit ang likod mo?" Umiling siya at tinuro ang ilalim ng kama ko.

"Hindi ako mapakali baka may humila sa'kin sa ilalim," napatawa na naman ako, ngayon ko lang na laman na takot pala sila sa mga ganung kwento at palabas.

"Tara tabi tayo," sabi ko sa kaniya at para siyang tutang tuwang tuwa sa amo niya. okay bawiin ko na lang kaya?

"Wag na pala hahaha," sabi ko at bigla siyang na lungkot.

"Kaelynn maawa ka sa'kin." natawa ako at umurong para bigyan siya ng space, tuwang tuwa siyang humiga sa kama at binelatan ang inis na inis n'yang kambal na yakap-yakap ni Sir Daryl.

"Nakakatuwa lang isipin." biglang nagsalita si Sir Daryl na hindi pa rin pala natutulog.

"Kung sino pa ang amo sa mansion na ito sila pa ang na tutulog sa sahig," bigla akong na hiya, tama siya ang kapal talaga ng mukha ko.

"Ay sige Sir dito na po kayo matulog," sabi ko at nagmaktol na si Daniel.   

"Pang dalawahan lang 'yang kama mo kaya magpaparaya na ko, Danrious samahan mo ang kambal mo sa kama at Kaelynn tabihan mo ko dito." utos niya na nagpadagundong sa puso ko at nagpahina sa buong sistema ko.

Jusko, anong gagawin ko?

"Hoy, anong pinagsasabi mo diyan kuya?" sabay na sabay na bulyaw ng dalawa, sinipa niya si Danrious at hinitak ako sa tabi niya kaya na bigla ako.

"Se-se-sir?" Halos mautal na ko at kumindat pa siya sa'kin sabay bulong na
"Makisakay ka na lang," at hindi ko alam bakit parang na nalo ako sa loto sa binabalak n'yang gawin.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now