CHAPTER 3

79.2K 2.7K 235
                                    

Dedicated to: @AngOtakungBaliw70

❦❦❦

DANRIOUS's POV

Napahawak ako sa pisngi ko pagtapos lumanding ang kamay niya dito, medyo malakas na sampal iyon at mukha hindi ito agad mawawala sa isip ko.

Nagngitngit ang mga ngipin ko sa inis! Unang beses na may sumapal sa'kin at hindi ko akalain na galing pa sa kaniya! Isang maid, chimay at laruan lang namin magkakapatid.

Iniisip ko pa naman na bibigay siya pagtapos namin gawin sa kaniya 'yun pero hindi, mukhang matibay ang isang ito at ang pinagtataka ko pa ginamitan ko na siya ng hipnotismo pero mukhang hindi tumalab sa kaniya.

"Arrrgh!" na suntok ko ang sahig at panay pa rin ang tawa ni Niel.

"Hoy tuwang tuwa ka d'yan! bakit ako lang ang sinampal eh pareho na'tin siyang hinalikan! Unfair pasampal nga." nakakagigil dapat pantay kami ng kambal ko eh.

"Hahaha baka na gustuhan niya 'yung halik ko at baka na pikon siya sa pagtawag mo sa kaniyang Runo? Katunog kasi ng pangalan ng aso na bruno haha." napatawa ako doon.

"Pfft ga*o baka nga dahil sa pangalan niya hahahaha tara puntahan na'tin sa kwarto niya gaganti ako sa pagsampal niya sa'kin, kapal ng mukha ng babaeng 'yun." hinila ako papatayo ni Niel.

"Wag kana gumanti, mawawalan agad tayo ng alaga sige ka, kakatira niya nga lang sa kulungan niya papalayain mo na agad?" Ngumisi ako.

"Asa ka naman na makakalaya siya ng buhay sa mansion na 'to, ito ang kulungan niya at dito siya mamatay katulad ng iba." inakbayan niya ko at sabay kaming lumabas ng kwarto.

"Pero gusto ko siya Rious, ang sarap n'yang asarin at tignan na'tin kung hanggang saan siya tatagal sa pagmamatigas niya." ginulo ko ang buhok ng kakambal ko.

"Okay-okay ang pogi mo talaga haha," tumawa rin siya.

"Wala eh kambal tayo."

Naglakad kami papuntang kwarto niya at mula dito sa labas rinig na rinig na agad ang iyak niya. Hindi na ko kumatok pa at binuksan na 'yung pinto niya gamit 'yung susi ng kulungan niya, hindi niya alam na itong kwarto na ito ang magiging impreyno niya.

"Anong ginagawa niyo dito! Papaano niyo na buksan ang pinto!?" tinaas ko 'yung susi at lumapit si Niel sa kaniya.

"Aww umiiyak ka pa rin hanggang ngayon? Halika nga dito pupunasan ko ang luha mo." lalapit palang sa kaniya si Niel pero sinampal niya na agad ito, medyo napangisi ako doon, ngayon pantay na ulit kami ng kambal ko.

"Fu*k" lumingon sa'kin si Niel na parang nagpipigil nasa galit, pero kumalma siya at lumuhod sa harap ni Runo na ngayon ay na ngangatog nasa takot.

"Hey wag kana umiyak, try mong tumayo diyan sa sahig at pumunta na ulit sa kwarto ni Darenn, sorry sa ginawa namin kanina okay? Akala kasi namin gusto mo." ito na naman 'yung side ni Daniel na nakakapaghulog ng loob ng mga babae, siya kasi 'yung good side at syempre ako 'yung bad side.

"Wala akong paki sa sinasabi mo aalis na ko sa mansyon na 'to." seryoso 'yung mukha niya at galit na galit samin, nakikita ko sa mga mata niya ang galit at pangdidiri kaya lalo akong ginanahan na alagaan siya o mas mabuti nang sabihing pahirapan siya.

"Kala mo naman makaka-alis ka pa dito? Hindi mo ba alam na kaya ikaw ang na pili namin kasi para wala nang maghanap sayo?" Kumunot ang noo niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Lumapit ako sa kaniya habang nakapamulsa at umupo rin sa harap niya.

"Ulila kana, wala ka nang pamilya na maghahanap sayo pagpinatay na kita." naging blangko ang mata niya, 'yung tipong puro takot at kaba na lang ang makikita, bumilis ang tibok ng puso ko at lalong nang gigigil na kagatin siya.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now