CHAPTER 38

42K 1.3K 111
                                    

DANRIOUS's POV

❦❦❦

Inalis ko ang nakaawang n'yang braso sa braso ko at naglakad papuntang kotse ko.

"Danrious uuwi kan na agad?" Tanong sa'kin nung babae na hindi ko kilala.

"Yeah, pagod na kasi ako." tumakbo siya sa'kin at bigla akong hinalikan sa pisngi.

"Well bye, see yah tomorrow!" kumaway siya sa'kin at sumakay na ko ng kotse saka pinunasan 'yung kiss mark niya sa pisngi ko.

Nagbuntong hininga ako at tinignan sa malayo ang kakambal ko na busy pa rin sa pag-intindi ng mga school papers. Sa kaniya na kasi lahat na punta 'yung gawain nung nag quit ako, umaga ngayon pero makulimlim kaya ayos lang na byumahe ako pauwi ng ganitong oras.

Pinaandar ko ang makina ng sasakyan at dumaretsyo na pauwi, gusto ko kasi magpahinga o makapag-isip-isip man lang nang ayos.

Kaya pagparada ko pa lang ng sasakyan sa mansion ay dumaretsyo na ko sa kwarto ko at nahiga, na uuhaw ako at tinatamad ako kumuha ng dugo sa ref kaya tinawagan ko ang telepono sa kwarto ni Darenn para utusan si Runo na ikuha ako kaso iba ang sumagot.

"Hello Sir Danrious." si ate Sol 'yung bago naming maid.

"Si Runo asan?" Tanong ko at agad niya namang sinagot.

"Ah, nag grocery lang po at may dadaanang kaibigan lang daw." kaibigan? Sino si Red? At bakit sino nagsabi sa kaniyang pwede siyang lumabas ng mansion?

Binaba ko 'yung telepono at tinext si Six, hiningi ko ang address ni Red sa kaniya at agad niya naman 'tong binigay sa'kin.

Hindi na ko na kapagpalit ng uniform ko at dumaretsyo papunta sa address na binigay niya sa'kin.

Ginagalit niya talaga ako, ang sabi ko sa kaniya dito lang siya sa bahay pero ngayon lumabas siya at ang lakas ng loob n'yang makipagkita pa sa Red na iyon.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko at na karating agad sa village na iyon, umakyat ako sa second floor ng apartment at bigla akong na karinig ng lagabog sa pinto ni Red.

Kumunot ang noo ko at pilit na pinakinggan ang usapan nila pero panay bulungan lang ito.

Anong ginagawa nila sa loob? Lumakas ang tibok ng puso ko at nagdidilim na ang paningin ko.

Pero kinampante ko ang isip ko at lumapit pa sa pintuan.

"Ako ang first kiss mo." malinaw na malinaw na umeko sa tenga ko ang boses ni Red.

Sabi ni Runo first kiss niya daw ang kinuha ko pero bakit sinasabi ni Red ito sa kaniya ngayon? Walang duda na ang sandals na ito ay kay Runo at na aamoy ko siya mula sa loob ng apartment na ito.

Silang dalawa sa isang lugar at sasabihin pa ni Red ang mga katagang 'yon, ah tama bakit ko nga ba inisip na ako ang first kiss niya?

Anong patunay ko na akin lahat ang una niya? Hindi ko siya kilala ng lubusan at ang tanga ko para magtiwala sa kaniya.

Hindi katulad nilang dalawa na lumaki magkasama at halos tumira nasa iisang bubong.

Lumabas ang pangil ko at na kagat ko ang sarili kong labi sa inis, pero pinigilan ko ang sarili ko at umalis na lang sa lugar na iyon.

Lumabas ang pangil ko at na kagat ko ang sarili kong labi sa inis, pero pinigilan ko ang sarili ko at umalis na lang sa lugar na iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Vampire's PetWhere stories live. Discover now