Challenge#23

108K 3.8K 722
                                    

She was waking up. All I did was stand there and wait for her. Wala akong ibang naiisip ngayon kundi ang mga tanong na matagal nang dapat nasagot. Wala akong kagala-galaw. Kanina ay tinawagan ko ang mga magulang ko para sabihin kung ano ang katotohanan na lumabas sa bibig ni Amorillo – salamat kay Reese dahil sa lahat sa amin ay siya lang ang nakaisip na magtanong ng mga bagay na dapat matagal ko nang sinubukang alamin.

Hindi naman ako tanga. Minsan ay naisip ko na kung paano ay hindi nga ako? Ilang beses akong nag-imbestiga pero walang lumalabas na impormasyon na saliwa sa nalalaman ko. Kung anuman o sinuman ang tumulong kay Amorillo para mapanindigan ang sinasabi niya ay sigurado akong marami rin siyang koneksyon tulad ng sa pamilya ko.

She opened her eyes. Mukhang nabigla siya nang makita ako. Wala akong reaksyon. Siniguro kong wala siyang makikitang kahit na ano – lalo na ang awa sa mga mata ko.

"Nar-narcissus..." Dahan-dahan siyang tumayo. Bumukal ang mga luha sa kanyang mga mata pero wala akong pakialam. Lumakad siya papunta sa akin. Sinubukan niya akong hawakan pero bago pa man siya makalapit ay umigkas ang kamay ko papunta sa pisngi niya. Ang tagal ko nang gustong gawin ang mga bagay na iyon. Ang tagal kong nagpipigil na saktan siya pero nananaig sa akin ang pagmamahal ko kay Matea. Pero ngayon, wala na akong ibang naiisip kundi ang kung gaano ko kagustong masaktan siya dahil sa ginawa niya sa buhay ko.

Napahiga siya sa kama at napahagulgol pero tumayo  siyang muli.

"Narcissus, sorry! Sorry!"m

"Tang inang sorry iyan! Mababalik ba ng sorry mo ang mga taong lumipas at ang katotohanan na niloko mo ang buong pamilya ko? Putang ina mo, Amorillo!" Sinabunutan ko siya at inginudngod sa kama. Napahagulgol siya. "Sabihin mo sa akin ang totoo! Tang ina mo! Sabihin mo!"

"Sorry, Narcing! Sorry!" Iyak siya nang iyak. Napaupo na rin ako sa sahig at tahimik na lumuha. Galit na galit ako sa kanya. Anong karapatan niyang tanggalin ang pagkakataon kong makasama ang babaeng mahal ko? I was nothing but a good father to Matea tapos ito pa ang ibabalik niya sa akin? Hindi niya man lang inisip ang magiging epekto sa akin ng pagbabagong ito.

"Sabihin mo!" Sigaw ko. Tinutukan ko siya ng baril. Lalos siyang napaiyak.

"Si Ravago Vilontes ang ama ni Matea." Humihikbing wika niya. "N-nalaman kong buntis ako noong gabi sa Sinag Tala kaya ginawa ko ang lahat para may mangyari sa atin o isipin mong may nangyari sa atin. I... well I... you know, iyong hand job hanggang sa..."

"Putang ina mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Sorry, Narcing. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Kriminal si Ravago. Siya ang puno ng loteng at mga illegal na sugal sa Bataab at ilang beses na siyang nahuli at nakukulong. Ayaw na ayaw ni Lola sa kanya. Kaya siya ang nag-isip ng lahat. Lahat ng test na ginawa ni Tita Gina, tampered. Si Lola ang nagbayad sa mga tao sa paligid nang mama mo para kahit hindi namin alam – dahil alam ni Lola na hindi titigil ang Mama mo sa paghahanap ng katotohanan – na magpapa—DNA siya ay positive ang labas. Ginawa ko lang naman ito para protektahan ang anak ko. Ginawa ko ang lahat para  hindi siya makita ni Ravago pero noong umuwi ako ng Bataan, nagkita kami, may nangyari sa amin kaya nabuntis ako at higit siyang nagalit nang malaman niyang nakunan ako kaya kinukuha niya si Matea ngayon. Sorry, Narcing. Alam kong napakarami kong nasira---"

Sinampal ko siya nang apat na beses hanggang sa hindi dumudugo ang bunganga niya.

"Puta ka! Ang daming nawala sa akin dahil sa kagaguhan mo! Inalisan mo ako ng pagkakataon na makasama ang babaeng mahal na mahal ko! Napilitan akong mahalin siya sa malayo at tahimik na para---"

"Wag kang magsinungaling! Alam kong tinatakot mo ang lahat ng lalaking nagtatangkang lumapit sa kanya! Alam kong sinusundan mo siya at alam kong tumatambay ka sa labas ng bahay nila sa Tagaytay! H'wag kang magsinungaling Narcissus! May isang tao aong nakasunod sa'yo! Alam ko kung anong ginagawa mo kapag wala ka sa bahay!"

No one else like youWhere stories live. Discover now