Challenge # 6

132K 4.5K 671
                                    

                  

Nagising ako na masakit ang ulo. Hindi ko alam kung nasaan ako pero sigurado ako na wala ako sa bahay namin. Sinubukan kong gumalaw, at nang gawin ko iyon ay napangiwi ako. Pakiramdam ko inapakan ng kung sino ang ulo ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Kung sabagay ay sanay naman ako sa masakit. Ipinikit kong muli ang mga mata ko. The last thing I remembered was Telulah laughing her ass off because of something that I said. I remembered talking to her about how jealous I was of her, I remember feeling good about it. I realized there and then na hindi naman niya kasalanan na siya ang minahal ni Solomon at wala ring kasalanan si Solomon kung nasasaktan man ako ngayon. Hindi naman niya hiniling sa akin na mahalin ko siya, it happens.

Love is unpredictable...

And then, I realized that Narcissus didn't mean it when he fell for me... Hindi rin naman siguro niya ginusto na malagay kamimsa ganiton sitwasyon... Hindi ko rin naman gusto na masaktan siya...

"Gising ka na. Kape, Liv?"

Boses ni KS iyon. Dahan-dahan akong tumayo at tumingin sa kanya. Nasa kusina siya at bulto niya lang ang tanaw ko. Lumakad ako papunta sa kanya tapos ay naupo sa high chair doon na nakaharap sa kanya. I could get used to seeing him first thing in the morning every day for the rest of my life. I smiled.

"Anong nakain ninyong magpinsan at naisipan ninyong mag-inom? Ayon si Tel hanggang ngayon tulog. Ayaw umalis sa tabi ko, sa kama ko siya natulog."

Napalunok ako.

"Magdahan-dahan ka naman." Humihikab na wika ko. Tumingin siya sa akin. Tila ba nagtataka siya pero hindi naman na siya nagtanong. Kinuha ko ang phone ko para muling tawagan si Narcissus. Napamura ako nang malakas at malutong nang mapagtanto ko na pati ang globe number ko ay naka-block na rin sa kanya.

"Putang inang lalaking iyon! Wawasakin ko ang pagmumukha niya!"

"What's wrong?" He asked me. Tiningnan ko si Solomon at inilahad ang kamay ko sa harapan niya.

"Wala kang pakialam. Phone!" Nagtataka man ay ibinigay niya ang phone niya sa akin. Nakaipit iyon sa harap ng boxers niya. "Baka mapanghe iyan ha?" Inis na wika ko. Gamit ang phone ni Solomon ay tinawagan ko si Narcing. Nagring ang kabilang linya kaya lalo akong nagalit. Blocked ako sa kanya tapos si Solomon hindi! Nakakaulol.

Pagkatapos ng limang ring ay sinagot naman niya.

"Baboy! Lobo! Kasing katawan ni Shrek! Bakit ka tumawag?!"

Kung naiba lang sana ang sitwasyon ay matatawa ako sa mga pinagsasasabi niya kay Solomon sa kabilang linya pero naiinis kasi ako sa kanya. Umalis siya nang walang paalam at parang hindi naman siya nalulungkot dahil friendship over na kami. Naikuyom ko ang mga palad ko. Ang kapal ng mukha nitong si Narcissus! Tapyasin ko kaya ang mga itlog niya nang makita niya kung anong hinahanap niya.

"Hoy puta ka! Kailan mo balak ipaalam sa akin na nasa Bataan kang panget ka!" Galit na galit ako. Mukhang nabosesan naman niya ako. Narinig akong nagbuntong-hininga siya sabay binaba ang telepono. "Puta! HOY!" Wala na akong narinig sa kabilang linya kundi tootoot. Muli ay tinawagan ko siya pero tulad ng dalawang number ko ay blocked na rin ang number ni Monmon. Sa inis ko ay nasapak ko si Solomon sa pisngi. Nanlaki ang mga mata niya.

"Tarantado iyang si Narcissus na iyan! Pupunta ako sa Bataan!"

"Tang ina naman, Liv, pupunta ka lang ng Bataan, mananapak ka pa!" Galit na wika niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Wag mong sabayan ang galit kong sira ulo ka! Baboy!" I left him in the kitchen. Nagpunta ako sa living room para kunin ang jacket ko. Noon ko naman nakita si Telulah na lulugo-lugong naglalakad palabas ng silid ni Monmon. Her clothes are still pretty much intact. Alam kong walang nangyari sa kanila. Masyadong gentleman ang baboy at alam kong ginagalang niya si Telulah. I giggled after she met my gaze.

No one else like youWhere stories live. Discover now