Challenge # 17

106K 3.9K 834
                                    

"This isn't going well."

Umungot ako kay Reese habang nakatingin sa Tatay ko na nakikipag-usap sa tatay niya at hindi pinapansin si Ninon Ido. Si Ninong Ido naman ay pinagtatyagaang kausapin si Daddy KD. Pinagtatyagaan talaga kasi hindi naman sila nagkakatapusan ng usapan nang hindi nagkakapikunan. Ito na ang pinakamatagal na usapan yata nila nang kalmado lang si Ninong Ido at hindi tinatawag na King Supot si Daddy KD.

"Puta ka kasi! Wala kang konkretong plano. Hindi naman sila mag-boyfriend na nagka-miss-an sa isa't isa tapos kapag nagkita kiss agad na kung hindi pa nahuli ng best friend niyang babae, siguro naiuwi na sa kama iyon."

Sinabunutan ko si Gabrielle Reese. Alam ko kasi na pinatatamaan niya ako. Unexpected naman kasi iyong ginawa noong gagong iyon. Hindi ko talaga naisip na ididikit siya sa akin ang sexy lips niya at ipapatikim na naman niya sa akin ang makalaglag panty niyang halik!

Putang ina! Nanlalaki ang mga mata ko nang ma-realize ko kung anong pinag-iisip ko.

Siniko ako ni Reese. "Puke, mahal mo pa no? Gusto mo ba patahimikin ko na si Amorillo? If she will be my first kill, then it will be so worth it!"

Tumawa ako. Sinabunutan kong muli siya. "Hindi na oy. Tinatanggal ko na siya sa sistema ko."

"Bakit naman? Uso naman ang step mother ngayon. Tingnan mo si Narcissus. I mean, do you see him? Hindi ko lang pinapahalata sa kanya pero gwapo talaga siya, Liv. Gwapo na siya noon pero mas naging gwapo pa siya ngayon dahil pinaghirapan niya iyan. Naalala ko two years ago habang nagwo-work out kaming dalawa sa gym, panay niyang sinasabi na pagbalik mo, ikaw naman daw ang hahabol sa kanya. Naglalaway ka diba? Do you see those biceps? Panay hapit ang shirt niya – parang si Captain Steve Rogers. Tang ina, kung hindi kapatid ang tingin ko diyan kay Narcissus, ako na talaga ang maghuhubad ng panty ko tapos papawasak ko sa kanya ang hymen ko!"

Nakatitig ako kay Reese. Hindi ako makapaniwala na naririnig ko ang mga bagay na ito sa kanya. Ibinibida niya bas a akin si Narcing o nagnanasa siya nang mag-isa? Ang alam ko may boyfriend siya ngayon – hindi naman boyfriend –boyfriend pero nagde-date sila. Hindi nga lang niya sinasabi sa akin kung sino pero ayon sa kanya mas bata daw siya doon ng tatlong taon kaya parang nakaka-dyahe na nagde-date sila.

"Oy! Laway mo tutulo!" Ipinasok ko ang daliri ko sa bibig ni Gabrielle Reese. Napasimangot naman siya. Tawa ako nang tawa. "Tara! Let's shoot some target! Nasa firing range tayo pero inom lang tayo nang inom!" Kinuha ko ang kamay niya at hinatak siya patayo. Iniwan naming ang originals at pumunta na sa mismong firing arena. Kinuha ko ang baril ko. Habang nag-aayos kami ni Reese ay nasalubong namin si Narcissus at si Adonis. Mukhang katatapos kang nilang bumaril.

Narcissus met my gaze. Ilang dipa ang layo naming dalawa pero dama ko ang intesidad ng mga titig niya. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko. Napalunok ako.

"Tang ina! Ang daming hearts everywhere!" Sumigaw si Reese. Tumawa naman si Adonis. I rolled my eyes. Tinalikuran ko silang tatlo at nagpunta na sa arena. Kung nandito sana si Monmon, hindi ako maaasar talo sa kanilang lahat. Naiinis naman kasi ako kay Reese. Naturingang kaibigan pero ganoon na lang kung tudyuhin ako. Alam naman niya na galit ako kay Narcissus.

Galit ako kasi nasaktan niya ako. Galit ako kasi nanghingi siya ng pagkakataon pero nasayang iyon – noong oras na hulog na hulog na ako, saka naman niya ako binitiwan. Hindi niya ako sinalo. Ang sakit pa sa lahat ay may naganap sa amin. Pinagbibigyan ko siya noon because I thought that it would make me keep him but then, I realized that having sex isn't a guarantee of keeping a man. Kapag ayaw niya, ayaw niya – sa kaso ni Narcing, siguro hindi naging sapat sa kanya ang kung anong meron kami.

Hindi niya pwedeng sabihin sa akin na aksidente. Binalaan ko na siya noon, kung mahal niya ako talaga, hindi niya ako sasaktan at hindi siya lalapit sa Amorillo na iyon kaya heto kami, lahat kami ay apektado sa kaululan ng babaeng iyon.

No one else like youWhere stories live. Discover now