Challenge # 12

108K 3.6K 788
                                    

Balik na sa normal ang lahat sa buhay namin. Maliban doon sa katotohanan na hindi na lang kami basta magkaibigan ni Narcissus. Boyfriend ko na siya at mahal ko nga siya. Dapa pala matagal ko nang pinagbigyan ang sarili ko sa ganitong bagay paara noon pa lang ay masaya na ako kaya ngayon, sobrang naa-appreciate ko ang mga bagay na nagaganap sa aming dalawa lalo na iyong mga piling pagkakataon na magkasama kami at magkahawak kamay habang para bang pinaplano na namin an gaming hinaharap nang magkasama kaming dalawa.

Nang Sabadong iyon ay nasa bahay ang lahat ng mga Tiyuhin at ang mga pipinsanin ko. Si Reese ang kausap ko. Nasa kwarto kaming dalawa at kasama din namin si Violet.

"Ibig sabihin hindi ka na talaga virgin. Masarap ba si Narcissus?" Tumaas-baba ang kilay ni Reese habang kumakain ng popcorn. Hinablot ko ang buhok niya.

"Grabe ka sa akin! Ang daming tanong, iyan pa talaga ang naisipan kong ibato sa akin. Kamusta naman iyon?!"

"Oo nga naman, Ate Reese! Nakakadiri iyang tanong mo! Napakalumot ng utak mo!" Si Violet naman ang humirit. Nanonood kami ng movie sa silid ko. Si Violet ay nasama lang pero kanina pa kami ni Reese magkausap talaga.

"Wala namang masama. Magboyfriend sila at ang tagal na ni Narcing naghintay sa kanya at kung may nangyayari man, normal na lang iyon! At least mag-boyfriend sila, iyong ibang kakilala ko nga nagkatitigan lang sa mall paglabas ng establishment, nagpunta na sa Sogo hotel. Duh!"

"Hindi naman kami nagho-hotel. Doon kami nagpupunta sa unit niya."

"Oh my god! Ate that's too much information!" Sigaw naman ni Violet sa akin. Binato siya ng unan ni Reese.

"Wag kang o.a. at wala pa namang sinasabing detalye ang ate mo! Tang ina nito!"m

"God! This conversation is so not in my schedule!"

"Naka-schedule na ba ang kamatayan mo?!" Pinanlakihan siya ni Reese ng mata. Violet walked out. Kaming dalawa naman ang naiwan.

"Gaano kalaki?! Tange sabihin mo na! Curious ako kay Narcing at kung bakit maraming babaeng nahuhumaling sa kaululan noon."

Napahagikgik ako. "Basta. Tanong ka nang tanong ikaw ang virgin sa ating dalawa. Ang libog mo." Sabi ko. Reese laughed loudly.

"Curios ako pero kasi nire-reserve ko iyong sarili ko para kay The One. Ikaw pa palagay mo si Narcing na ang The one mo? Hindi na si Baboy? Speaking of Baboy. Tumakas na naman iyon noong nakaraan ah! Saan na naman kaya nagpunta iyon?"

"Wala akong alam. Hindi ko na rin siya gaanong nakakausap nitong nakaraan. Para bang may tinatakasan si Mon. Anyway, bumaba na tayo doon baka hinahanap na tayo nila Papay."

Tumayo kami ni Reese at bumaba na sa first floor ng bahay. Amoy na amoy ang luto ni Mamay. Si Reese ay napunta kay Tita Bernice habang ako naman ay hinanap si Papay. Natagpuan ko silang naglalaro ng billards sa may game room. Kasama niya ang Originals – that is the terms used whenever we were talking about the oldies.

"Kung nagkakamabutihan naman na si Liv at Narcissus, maging masaya  na lang tayo para sa mga bata. Mukhang ayos naman silang dalawa."

Si Daddy Judas ang nagsasalita. Sinasabayan nila iyon ng pag-inom ng alak.

"Wala namang problema. Kaya lang nag-aalala lang ako na baka saktan ni Narcissus ang panganay ko. Kaugali ni Ido iyan eh." Nakatayo lang ako sa may pinto habang nakatingin sa kanila. Si Ninong Ido ang sumagot.

"Hindi mo ba naisip, Azul Babes na baka sila na ang magpapatuloy ng naudlot na pagtitingnan nating dalawa. Shit! Pa-kiss nga!"

"Magtigil ka, Ido! Susuksuk ko sap wet mo itong tako!"

No one else like youWhere stories live. Discover now