Challenge # 16

97K 3.7K 1K
                                    

                  

"Ang ganda ni Liv, ano, Narcissus. Maglaway ka please!"

Nginisihan ako ni Reese habang nakaupo sa bean bag sa garden ng bahay nila. Tumingin pa ako sa paligid dahil baka may makarinig sa kanya, but then, I don't care who hears her, alam naman ng lahat sa bahay na ito kung ano si Liv para sa akin, iyon nga lang, nawalan ako ng pagkakataon para mas maipakita pa sa kanya kung gaano siya kahalaga. But that was all in the past now. Clearly, she had moved on and she seemed very fine.

"Oo. Maganda." Matipid na sagot ko. Ngumisi siya lalo.

"Iyong gandang nakakapagpatigas ba ng bur? Tang ina, Narcing, kung naamoy mo pa siya! Nakaka-yummy!"

"Tibo ka ba?" Yamot na tanong ko. Natahimik naman si Reese. "Alam ko kung anong nawala sa akin, Reese, hindi mo na kailangan ipamukha pa." Hindi na siya sumagot. Tinalikuran ko naman siya at pumasok na sa loob ng bahay. Hinanap ng mga mata ko si Matea. Napangiti ako nang makita kong hawak siya ni Adonis habang nakaharap kay Rocheta.

"Ang baby kong mataba!" Kinakantahan nilang dalawa ang anak ko. Lumapit ako sa kanila. "Oh! Ayan pala si Tatay!" Ibinigay ni Adonis sa akin ang anak ko at saka tinapik ang balikat ko. "Ganda ng anak mo, Kuya, kamukha ni Mommy! Buti si Mommy ang kamukha, hindi si Higad." Tumawa siya habang si Rocheta ay napapailing.

"Kung ano-anong tinuturo ninyo sa anak ko." Sabi ko sa kanila.

"Tinuturuan ko lang siyang maging maganda. Duh!" Sagot naman ni Rocheta sa akin. Pinanlakihan ko na lang sila ng mga mata at kinuha nang tuluyan ang anak ko.

"Love na love ni Tatay iyan eh! Kahit hindi alam kung paano nabuo!" Sabi ko. Natawa ang mga kapatid ko. Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Hindi ko talaga alam kung paano nangyari na nagkaroon ako ng Matea habang natutulog ako. Noong minsang napagtyagaan kong kausapin si Amorillo dahil walang kuryente at wala akong magawa ay tinanong ko sa kanya kung paano nangyari. Tanda ko pa ang usapan naming dalawa...

"Have you ever heard of woman on top?"

Tumatawang sabi niya. "That's how it happened, Narcissus. I liked you, noong una pa lang kitang nakita. Naisip ko na kung gusto kong magkaroon ng anak, ikaw ang gusto kong maging ama niyon. Yes, I did something bad. I took advantage of your sleeping slash drunken situation and made a beautiful baby. Nagsisisi ka pa ba?  May Matea na tayo. Ang kulang na lang ay kasal."

Nayamot ako kasi ang yabang-yabang niyang magsalita. Para bang utang na loob ko pa sa kanya na may nangyari nga sa amin. Iyong totoo noon, pinaghihinalaan ko si Adonis na siya talaga ang ama ng anak ni Matea but the DNA test showed it all. At isa pa, hindi naman niya hahayaan na akuin ko ang isang bagay na para sa kanya.

Ayon sa natatandaan ko sa nabasa ko noon, fifty percent lang sa DNA ng magkapatid ang pwedeng maging magkapareho. Fifty percent ang match tapos fifty percent ay pwedeng galing sa side ni Mommy or ni Tatay pero hindi pwedeng hundred percent na magkapareho kami. Kaya kung si Adonis ang ama ni Matea dapat ay nasa ninety percent point ninety-five lamang ang match sa amin ng bata but I got a ninety-nine point ninety – nine result. So, that washes away all my theories.

"You ruined my life and you expect me to just marry you?" Sarkastikong balik ko sa kanya. Agad naman na nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Para bang nasaktan siya pero wala akong pakialam. "Kung may isang bagay man akong hindi ikinagagalit sa sitwasyon nating ito, Amorillo, iyon ay ang anak ko. Matea will be the only beautiful thing in this situation and that will never ever include you. I will never marry you because I will never love you – alam mo kung bakit? Kasi sinira mo ang buhay ko. Kaya magdusa ka sa galit ko."

Sa dalawang taong pagsasama namin ay lalo akong nagngingitngit sa galit sa kanya. I keep on telling myself that I don't deserve this kind of life I have now. Naging mabuti naman ako sa lahat ng bagay sa buhay ko. I am an obedient son, a loving brother, a good friend to my gang – but what did I do to deserve this bitch? Sa lahat pa ng tao ay siya pa ang naging ina ng anak ko at siya pa ang naging dahilan kung bakit nasayang ang ilang taong ipinaghintay ko para kay Liv.

No one else like youМесто, где живут истории. Откройте их для себя