Challenge # 18

96.6K 3.4K 912
                                    

"Paano naman naging mali, hindi naman kayo mag-asawa ni Amorillo."

Nag-iinuman kami ni Adonis nang gabing iyon. Pagkahatid ko kay Liv ay tinawagan ko ang kapatid ko dahil kailangan ko ng kausap. Naging napakasakit kasi ng usap na hinahangad ko. Ang gusto ko lang naman ay bumalik kami sa dati – iyong kaming dalawa dahil mahal ko naman talaga siya but I never realized na darating kaming dalawa sa the one that got away moment.

"Hindi ko nga maintindihan. Mahal niya pa rin daw ako."

"Kuya, gumawa ka kasi ng paraan! Ipaglaban mo si Ate Liv! Bagay kayo. Isang maganda, isang medyo gwapo!" Binatukan ko si Adonis.

"Utang na loob! Mas gwapo naman ako sa'yo!"

"May flaws ka nga! Ako, I'm perfect!" Nagbatukan kaming dalawa. Sa inis ko ay nginudngod ko ang bunganga niya sa sahig kung saan kami nakaupo.

Kahit ganoon ang kinalalabasan ng usapan namin ay may sense rin namang kausap itong si Adonis. Tama siya. Kailangan kong ipaglaban si Liv. Kailangan niyang makita na ipinaglalaban ko siya kasi siya naman talaga ang gusto kong makasama. Ayoko kay Amorillo. Nang minsang kinausap ako ng lola niya ay tahasang sinabi niya sa akin na dapat ko lang daw bigyan ng pagkakataon ang pagsasama naming dalawa.

Mabait naman daw kasi ang apo niya. Hindi naman ako nakakibo, mabait nga si Amorillo – kapag may ibang tao ay very hands – on siya sa anak namin pero kapag siya lang ay mas madalas pa na ang maid ang may hawak kay Matea. Sinabihan ko na siya noon. Pero parang wala siyang naririnig. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya. Kaya naguguluhan ako sa mga kagustuhan niyang mangyari sa amin.

"May naisip ako." Sabi ko kay Adonis. "Tang ina! Tumayo ka diyan! Dalian mo!" Nang hindi siya tumayo ay hinatak ko siya sa leeg. Halos magkanda-ubo-ubo siya sa ginawa ko.

"Tang ina! Tatayo na! Tang ina mo Kuya! Yuck you and your flaws!" Sabi niya pa. Bumaba kami sa silid ni Mommy at Tatay. Sa excitement ko ay hindi na kami kumatok na dalawa kaya naabutan namin ang mga magulang namin na naghahalikan habang gumagala ang kamay ni Tatay sa Mommy namin.

"Oh God! My eyes! It burns! It burns!" Sigaw ko habang nakatakip ang mga mata ko. Si Adonis naman ay napamura.

"Tang ina, Tay! Ikaw na talaga! King Lion! Pucha!"

"Ano bang ginagawa ninyong dalawa dito?! Mga bwisit kayo!"

"Naku, Ido, kausapin mo muna iyang mga anak mo. Magbabasa muna ako." Sabi naman ni Mommy.

Tumayo si Tatay at pinalabas kami ni Adonis ng silid. Natatawa ako na hindi ko maintindihan. Sa edad talaga nila ay ginagawa pa nila iyon. Tang ina lang talaga!

"Ano bang problema ninyo?!" He shouted at us. Nasa gitna kami ng hallway ng second floor ng bahay. Binatukan niya kaming dalawa.

"Tay, kailangan mo nang makipag-ayos kay Ninong Azul."

"Ayoko! Sinaktan niya ang damdamin ko! Tinawag niya akong pangit!"

"Tay, hindi ka pangit! Nakakaputang ina nga iyang kagwapuhan mo! Kanino pa ba naman kami magmamana ni Kuya Narcissus?!" Sabat naman ni Adonis.

"I know right?" Huminga nang malalim ang Tatay ko. "Pero sa tagal ng pagkakaibigan naming dalawa hindi ko talaga matanggap na tinawag niya akong pangit."

"Tay naman!" Frustrated na wika ko. "Minsan Tay, kailangan nating isantabi ang kapintasan ng ibang tao para sa atin kasi alam naman nating lahat how perfect our genes are – thanks to you – but right now, I need to be with Liv. I am in love with her and I cannot spend another day without her, Tatay. Sana maintindihan mo ako. Dalawang taon akong hindi masaya dahil sa nangyari sa buhay ko at ngayon na nandito siya, hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon, Tatay. Please, please, please..."

No one else like youWhere stories live. Discover now