Huminga muna ko nang malalim. Tandaan ang future mo Lhia, future teacher. Hindi magandang impluwensya sa bata 'yan. Okay. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Sige, hindi ko na papatulan 'to...after kong i-send as reply 'tong isang 'to.

    
Lana Iya Velasco: 💍💔 👏*engagement ring, broken heart emoticon & clap emoticon*
   
  
Biglang namang nag-comment 'yong Czam. Nakalimutan ko nang sa kanyang comment nga pala 'to at nagrereply lang kami.

    
Czam Luke Sho: PM 📩 *receiving message emoticon*
   
  
PM? Personal message? Baka para do'n sa Van na 'yon. Sa Van na 'yon na hindi na nagreply. Ano siya ngayon? Akala niya ha. Kanina ang bilis bilis niyang sumagot.

Nagulat naman ako ng sunod sunod na nagvibrate ang cellphone ko at biglang may chat head na nag-pop out. Napataas pa kilay ko nang makilala ko 'yong DP.

Inopen ko na agad 'yong message.

    
Czam Luke Sho:
That was hard

Really
   
   
Lana Iya Velasco:
And you're saying?
   
 
Czam Luke Sho:
He's still broken. That topic is sensitive
  
   
Lana Iya Velasco:
Okay,

But I can't help it! He's bumptious!
   
  
Czam Luke Sho:
That's him

By the way, in his behalf, sorry for stealing a kiss from you. Just consider it as an exchange for the mark you left
    
   
Lana Iya Velasco:
Mark?
   
  
Czam Luke Sho:
I forgot the term

Wait

Neck bite? that doesn't sound right

Ah whatever

Ah! Chikinini! In Filipino (?)

   
  
Nanlaki ang mga mata ko. Chikinini? Seryoso? Nag-iwan ako no'n sa leeg niya? 'E kaya naman pala gumanti! Pero gano'n ba kalalim 'yong kagat ko? Sabagay, mukhang nasaktan siya no'ng kinagat ko. Umaray pa nga 'e.

Argh! Feeling ko mababaliw ako kapag wala akong nakausap. Naisipan kong i-message si Anne. Takbuhan ko naman 'yon 'pag ganito 'e. Pumunta ko sa may message at napakunot noo ako nang may lumabas sa itaas.
    
  
New Message Requests
From Vanlourd Mallet
      
     
Si Van? Nag-message? Sige Lhia, no'ng nakaraan lakas mong maka-'Will' , ngayon naman lakas mong maka-'Van'. Hindi naman kayo close.

Tinap ko na lang at tsaka tinignan kung ano ba laman ng message nito.
     
    
Vanlourd Mallet
I thought you're different
  
Ignore               Accept
   
Ano raw? Inisip ko muna kung iaaccept ko ba at kung sasagot ba ko sa chat nito. Sige na nga, tutal nabasa ko na rin lang naman 'e.
    
   
Lana Iya Velasco
What?
   
  
Vanlourd Mallet
When you said  you don't meddle with others life
   
  
Napakunot ang noo ko. Totoong sinabi ko 'yon, tapos? Ano'ng gusto nitong sabihin? 'Di ko maintindihan ang tinutumbok 'e.
    
     
Lana Iya Velasco
And? What are you trying to say?
    
     
Lumabas 'yong 'typing' at inintay ko lang kung ano'ng sasabihin nito. Habang wala pa siyang sagot inisip ko muna ulit 'yong sinabi niya. Baka sakaling maintindihan ko na 'yong gusto niyang sabihin.
      
    
Vanlourd Mallet
You don't meddle with others life? But you post a comment about it?
     
      
Comment?

Meet My Professor ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora