Chapter Forty Four- Magic Words

Magsimula sa umpisa
                                    

Alam kong unang klase niya agad ang pedo na yun.

Ayoko nang maulit ang nangyari dati.

Kaya ng lumabas siya, pinatay ko ang ilaw dahil baka mas lalo siyang tumakbo pag nakita niya ako sa CR ng mga babae. Para na rin hindi pumasok ang iba at makita ako na nandirito.

“Ginagalit mo ako…”

Hindi siya sumagot. Di siya umalma. Bakit ba ganito ka Zylie?

Nakatayo lang din siya. Alam niyang ako na ito. Alam niyang ako ang may yakap sa kanya.

Ganito ba siya lagi pag nasasaktan siya?

“Zylie…”

“Magsisimula na ang klase… Ano bang ginagawa mo dito?” tinulak niya ako palayo pero di ako papaya. Naiinis ako sa mga ginagawa niya ngayon. Di ka makakawala hangga’t hindi natin to nililinaw.

Wala akong maisip na sabihin. Darn!

“Akin ka na diba?” di ko alam. Yun na lang biglang lumabas sa bibig ko eh.

Alam kong nagulat siya. Bahagyang gumalaw ang dibdib niya ng sinabi ko iyon. Nararamdaman ko. Kinakabahan siya.

“A-ano?”

“Akin ka na…” ulit ko “Tayo na Zylie… Tayo na diba?”

Matagal bago siya nagsalita.

“Sayo na ako? pero ikaw hindi ka naman sa akin…” halos pumiyok na siya habang sinasabi niya yun. Umiiyak na ba siya?

Nasaktan nga yata siya kay Cleo. Di ko lang naman kasi napaghandaan ang mga pangyayari nung araw na yun. Una si Clarice, pagkatapos makikita ko ulit yung mga kuhang iyon na itinatago pala ni Orange sa kwarto nila.

Pero hindi ko alam kung bakit natuwa pa ako sa huli niyang sinabi. May ibig sabihin yun eh.

“Wala na si Cleo…”

“Pero bakit ganun reaksyon mo? Pinabayaan mo lang din ako umalis! Nung sinabi kong uuwi na ako… payag ka agad! Wala man lang pigil-pigil tska habol habol…”

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon