Chapter 25 - A much due apology (August 16, 2018)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ako na. Ako na huhula." Tumayo si Jane papunta kay Lenard. Sising-sisi na dapat talaga hindi sila nagtitiwala sa mga talkshit at papansin na taong katulad ni Laarni. Eh mga limang turnilyo lang siguro ang nadagdag sa utak nito kung ikukumpara kay Angeli. Pare-parehas silang mga nababaliw.

Papaalisin na ni Jane si Lenard pero pinigilan ito ni Miala. More than anything, mas masama ang tingin nito kay Laarni.

"Let him be."

"No..." Tatanggi pa sana si Lenard. Pero madiin ang mga salitang binitiwan ni Miala.

"Bakit? Ikaw pa aalis?" Hindi rin alam ni Miala kung paano niya nasasabi 'yun. She's sure she doesn't want to see this person again. Pero kapag ambang aalis ito, naaalala niya the way he walked out ot the cinema years ago. At naiinis siya na ito pa talaga ang parang iiwas sa kanya.

In fact, alam naman niya na kahit anong gawin nito, maiinis lang din siya. Kahit anong unang effort nito, aayawan niya din. Kung voluntarily ipagsisiksikan nito ang presensya nito ngayon katulad ng ginawa nito noong kasal, alam niyang iiwas din siya.

It seems like she was born to repulse Lenard.

Wala siyang nararamdaman kundi revolt sa puso niya. Ganoon na siya fixated sa pagkagalit dito.

"Yun naman pala!" Excited si Laarni. Kahit siya lang ang parang natutuwa sa pangyayari dahil halos lahat, hindi na rin makangiti ng maayos.

"Mia..." Sabi ni Jane.

"Nasaan na 'yung pahuhulaan. Dikit niyo na sa noo niyan." Tanging nasabi ni Miala.

And Lenard can see the hatred in her eyes na parang gusto na lang nitong matapos ang lahat.

Si Laarni na mismo ang dumukot sa fishbowl ng papel at idinikit ito sa noo ni Lenard.

Ang salita: TSOKOLATE

"Start na?"

Noong una hindi nagsasalita si Lenard. Pero nakatingin sa kanya ng masama si Miala kaya inumpisahan niya na rin. At least kahit informally, naguusap sila.

"Dapat tamang word ah. Tamang language." Sigaw ni Laarni. "Jusko, sobrang exciting!"

"Tao?"

"Hindi." May firmness sa bawat pagbigkas ni Miala.

"Bagay?"

"Oo."

"Nakikita sa bahay."

"Uh. Oo?"

"Pagkain?"

Dito na nakahinga ng maluwag ang mga kaibigan nila. Kung bloody ang iniisip nilang exchange of words, parang mas maayos pa ito sa inexpect nila kahit alam nilang may antagonism sa mga salita ni Miala.

Nagulat din sila na parang may connection pa rin ang dalawa dahil na narrow-down again ni Lenard sa pagkain ang pinahuhulaan. Kahit papaano magkawavelength pa rin ang dalawa. They realize these two have been together for five years at natural lang ang built in connection.

"Malambot?"

"Ah... Pwede?"

"Matigas?"

"Pwede."

Dito na nagsimulang humagikgik si Laarni. Tawang nahawa rin ang iba na parang nakalimutan nila ang sitwasyon. Naging absorbed sila sa laro.

"Malapit na ba ako?"

"Oo!"

"Kinakain ng babae?"

"Oo!"

Kahit si Jane ay natawa na rin, completely breaking the ice.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon